Allyn Tayler, sa edad na 15 ay nagpalakad na ng isang malaking kompanya na iniwan sa kanya ng mga magulang at sa edad na 26 ay hinahangaan na ng buong mundo dahil sa dami ng kanyang negosyo sa loob at labas ng bansa. -Royland
Si Royland ang aking matalik na kaibigan, abogado at vice President ng kompanya na madalas tumambay dito sa aking opisina hawak ang isang magazine na feature ako.
Ang malaking tanong ng lahat ay kung sino kaya ang mapalad na babae ang babaeng bibihag sa kanyang pihikang puso. -Royland
Inagaw ko sa kanya ang magazine dahil sa pagkakatanda ko ay wala naman ganun sa article. Nang makita ko na ay binato ko ito sa kanya.
Baka naman hindi talaga babae ang hanap mo Allyn....
niyakap nya ang kanyang sarili at tila nagbablush pa ang pisngi nito kaya naman dali-dali ko itong nilapitan at hinawakan sa kwelyo kaso imbes na matakot ay ngumuso ito, sa inis ko ay inihagis ko sya kaya naman napaupo ito sa sofa at walang tigil sa kakatawa.
Asar talo ka talaga Allyn hahaha kaya naman ang sarap mo lalong tuksuhin at asarin eh!!! Ito nga pala, pinaaabot ng tita mo at hindi mo daw pinapansin ang mga pinapakilala nya sayo.
Binuksan ko ang envelope at nakita ko ang mga papel na puro profile ng mga single na babae. Inihagis ko yun sa lamesa at napahawak sa ulo ko.
Hindi pa ba ako titigilan ni tita sa pagpapadala ng prospect nyang girlfriend para sa akin.
Hahaha never say die si tita. Hindi yan titigil hanggang hindi ka pa nakakasal. Bakit kasi hindi mo na pagbigyan. Wala namang mawawala.
Argghhh....
Tumunog ang cellphone ko.
buo na ang araw ko dahil narinig ko na ang magandang boses ng aking prinsesa.

YOU ARE READING
I'm inlove with the Villainess (Ongoing)
Romance* Allyn Tayler famous young bachelor in the world of business. * His sister died due to accident that caused him so much pain. * Reincarnated in another world with European style of living in late 18th century. * Living as the son of a Marquis. A...