IX. Telegrama

5 1 0
                                    

At dumating na ang araw na isinagawa na namin ang aming mga plano. Hinintay namin na lumalim ang gabi kung saan mahimbing natutulog ang lahat. Nahati ang mga knights sa dalawang grupo, ang iba sa Wyle at ang iba dito sa Estolia kung nasaan kami. Inabangan namin ang mga kasamahan namin sa tarangkahan. Tahimik na pinatay ni Capt. Jio ang mga bantay at saka pinapasok ang kasamahan naming knights. Hindi na rin kami nakabalatkayo ngayon at suot na namin ang aming uniporme. Naisagawa namin ang aming misyon ng matagumpay. Napatay namin ang hari maging ang mga taong may konekta sa kanya at maging ang mga taong nasa posisyon na maaaring humalili sa namatay na hari. Inubos namin ang lahat ng may konekta sa kapangyarihan ng bansa at para makasiguro ay sinunog namin ang palasyo. Tinarak namin ang bandila ng Stein tanda na nasakop na namin ang bansang Estolia. Mga ilang araw din ang lumipas at pumunta ang hari, maging si Prinsipe Drei upang ipakilala sa mamamayan ng Estolia bilang kanilang bagong hari. Iniutos ng hari na magtayo ng panibagong palasyo upang iregalo sa anak na si Prinsipe Dale, na bunsong kapatid ni Prinsipe Drei. Nang makita ako ni Prinsipe Drei ay ngumiti itong lumapit sa akin. Binigyang pugay ko sya bilang paggalang.

Isang mapagpalang araw, kamahalan.

Tch..bakit kailangan pa ng ganitong pagbati.    -P. Drei

Pero kamahalan...

Oo na, bweno...binabati kita sa tagumpay na ito.

Salamat. Pero hindi lamang tagumpay namin ito ngunit sa hari, sa inyo at maging sa bansang Stein.

Hinampas nya ako ng malakas na ikinagulat ko maging ang ibang taong kasama namin samantala sya ay pigil na pigil ang tawa.

Hindi ka pa rin nagbabago, napagkaseryoso mo.      -P. Drei

Tinawag na ng hari si Prinsipe Drei upang bumalik ng Stein at ako naman kasama sina Commander Borg, Capt. Jio at kuya Brite ay nagtungo sa kampo. Naabutan namin dun na naghihintay na sina Havel at ang iba pang opisyal ng royal knights. May konting piging kasi para sa matagumpay naming pagkuha sa bansang Wyle at Estolia. Nagkasiyahan ang lahat at nag-inuman. Nilapitan ako ni Havel.

Tagumpay ang ating misyon. Ibang klase ka talaga magplano. Kalkulado mo lahat.      -Havel

Hindi. Nagkataon lang na mahilig akong magbasa at dun ko nakuha ang mga straehiyang iyon.

Habang sinasabi ko yun ay sinasabayan nya ako at tila alam na alam nya na ang mga sasabihin ko.

Kung meron nga lamang akong kapatid na babae na hindi nalalayo sa edad natin, sa edad mo. Naku, ipapakasal ko sayo dahil gusto kita maging parte ng pamilya namin. Sayang si Kathalina sana... kaso sa prinsipe na sya itinakda.    -Havel

Napatigil ako sa kanyang sinabi at biglang naalala ang regalong kwintas na ibibigay ko kay lady Kathalina kaya naman dali-dali akong tumayo at umalis patungo sa tent ko ngunit bago marating iyon ay may tumawag sa akin.

Green falcon Altis. 

Oh!!! Esther. Nandito ka??

Naatasan kasi akong tulungan ang ibang miyembro ng White Eagle knight sa paghahanda ng mga tent at pagkain.        -Esther

Alam ba ni Havel na nandito ka??

Biglang namula ang kanyang mga pisngi kaya naman inasar ko sya.

Matutuwa si Havel na makita ka. Matagal ding hindi nya nasilayan ang iyong ganda.

Buong mukha na ang namula kay Esther sa hiya. Kaya naman napalakas ang hampas nya sa aking dibdib na kinaubo ko at saka nagtatakbong umalis.

Magpakita ka na kay Havel.

Ewan ko sayo...may araw ka rin sa akin Altis.

Hahahahaha

Sa dereksyon kung nasaan si Havel nagtungo ang tumatakbong si Esther. Naramdaman ko na may hawak na akong mga telegrama sa aking kamay. Ito ata yung oras na hinampas ako ni Esther sa aking dibdib. Pumasok na ako sa tent ko at inisa-isa ang mga telegrama. May nagmula kay ina, kay kuya Lone, kay ama....

Huh!!! Walang nakalagay na lugar o pangalan sa liham na ito. Kanino kaya ito galing??

Kaya naman itinabi ko muna ito at nang makita ko ang sulat mula kay Lady Kathalina ay agad ko itong binuksan at binasa.

Sir Altis,

Isang mapagpalang araw o gabi sayo, hangad ko na nasa mabuti kang kalagayan ngayon habang binasa itong aking sulat. Alam kong hindi madali ang iyong pakikipaglaban sa bansang Estolia kaya naman idinadalangin ko ang iyong kaligtasan sampu ng iyong kasamahan. Bilang iyong kaibigan nais ko na makauwi ka ng buo sa iyong pamilya na labis na nag-aalala sayo. Ikaw na rin ang bahala sa pinsan kong si Havel. Pagpasensyahan mo na sya kung minsan ay nagkikilos bata. Inaasahan ko ang baon mong mga kwento sa iyong pagbabalik dito sa ating bansa.

Lubos na gumagalang,

Kathalina Herneitte

Natuwa ako sa aking nabasa kaya naman kumuha agad ako ng panulat upang makasagot sa kanyang sulat. Isinulat ko ang masayang karanasan ko sa Estolia at ang aking pagbabalatkayo. Nakailang papel din ang nagamit ko. Nang matapos sa kanya ay ang pamilya ko naman ang sunod kong ginawan ng sulat. Nang matapos na ay napansin ko muli ang blankong pangalan at address na telegrama. Binuksan ko ito.

Sir Altis,

Hangad ko na makauwi ka dito sa bansang Stein ng buhay upang ika'y masilayan ko muli. Hindi mo ako kakilala pero labis akong humahanga sayo. Wala pa akong lakas ng loob upang magpakilala ngunit sa tamang oras at panahon ay magpapakilala din ako sayo. Nawa'y mahintay mo ang araw na iyon.

Lubos na humahanga,

R.

Napakamot ako sa aking ulo at muling sinuri ang sobre.

Selyado ng royal seal??!! Hindi kaya si Prinsipe Drei ito at pinaglalaruan nya na naman ako. Hay!!! Para pa rin syang bata.

Medyo matatagalan pa kami dito dahil sa pagpapagawa at pag-aayos sa nasirang straktura ng bansang Wyle at Estolia na pagmamay-ari na ngayon ng Stein. Nagpapalitan kami ng sulat ni lady Kathalina at nabanggit nya na nagsimula na ang klase nya sa akademya kasama si Prinsipe Drei at sa araw ng pagbabalik ko ng Stein ay ang pangalawang taon nya na sa akademya ng Royal Stein Academy. Iyon na rin ang simula ng kalbaryo ni lady Kathalina. Ang taon kung saan papasok na sa eksena ang pangunahing tauhan ng nobela na si lady Lilith kaya naman kailangan ko ng makabalik... nang sa gayon ay matulungan kong maiwasan ang masamang katapusan ni lady Kathalina dahil yun naman ang layunin ko kung bakit pinili kong umalis bilang tagapagpayo ni Prinsipe Drei.

.
.
.
.
.
.
.
.

Sa palasyo.

Prinsesa Rosette hindi ka pa po ba matutulog??      -royal maid

Tatapusin ko lang itong sulat na ginagawa ko.     -P. Rosette

Para kay Sir Altis ba yan kamahalan??  -royal maid

Nang matapos nya na ang sulat ay laking pagtataka ng kanyang pangunahing katiwala kung bakit wala itong inilagay na pangalan at address.

Ilihim mo lamang ito. Ilagay mo ito ng palihim kasama ng mga telegrama na ipapadala sa kampo ng Royal knights na nakabase kina Sir Altis.     -P. Rosette

Masusunod po. Matulog ka na po kamahalan at ililigpit ko na itong lamesa mo.    -royal maid

Sana makabalik ka na Sir Altis.   -P. Rosette




A/N: Pasensya na kung may halong English... ang hirap kasing itagalog at ang hirap talaga ng malalim na tagalog. Hindi din naman akong propesyonal na manunulat kaya sana maunawaan nyo ako. Maraming Salamat. Happy Reading.

I'm inlove with the Villainess (Ongoing)Where stories live. Discover now