XIII. Parangal

2 1 0
                                    

Nasa palasyo ako ngayon dahil pinatawag ako ng hari. Kasama ni ama nagreport ako sa palasyo. Nagulat ako na nandoon at kompleto ang matataas na opisyales ng royal knights. Nakangiti si Commander Borg. Si Havel ay nandoon din.

Isang mapagpalang araw kamahalan.

Sabay naming bati ni ama.

Isang mapagpalang araw din sa inyo. Marahil ay nagulat ka sa pag-aakalang ordinaryong pag-uulat lamang ang gagawin mo Green Hawk Altis.      -King Gregor

Ganun na nga po kamahalan.

Nandito kayo ngayon para bigyan kayo ng parangal sa kabayanihang pinakita nyo.     -K. Gregor

Binigyan kami ng medalya at salapi bilang gantimpala. Bakas ang tuwa kay Havel sa kabila ng pagiging seryoso at malamig na ekspresyon nito. Laking gulat ko ng muli akong tinawag ng hari.

Green Hawk Knight, Altis von O'Brien.     -K. Gregor

Lumapit ako sa gitna kung saan nakatayo ang hari. Lumuhod ako. Ang kaliwang paa ko ay nakaluhod samantalang ang kanan paa ko ay kalahati/ nakasuporta sa nakapatong kong kanang kamay (*sana naimagine nyo ang posisyon nya hehehe)

dahil sa iyong matalinong pagsasagawa ng plano, katapangan at kadakilaang ipinamalas bilang royal knight binabasbas ko ang bago mong ranggo bilang Black Falcon Knight, Junior Lieutenant.       -K. Gregor

Ipinatong ng hari ang hawak na espada sa magkabilang balikat ko. Nagpalakpakan ang lahat. Tinignan ko ang bawat isa na may pagtataka sa aking mukha.

Marapat lamang na tumaas ang iyong ranggo dahil sa malaking kontribosyon mo sa royal knights. Hindi lang ako ang may gusto nito kundi ang buong kasamahan mo. Nagkaroon ng botohan at halos lahat ay pabor. Pagdating naman sa ranggo mo ay... Pakipaliwanag nga Commander Borg.      -K. Gregor

Kagaya ng sinabi ng kamahalan. Pinagbotohan namin kung nararapat ka bang bigyan ng pagtaas ng posisyon o ranggo bilang parangal. Lahat naman ay sumang-ayon dahil sa malaki mong ambag sa dalawang magkasunod na tagumpay natin sa digmaan at ayaw naman masayang ang iyong galing at talento. Kaya naman junior lieutenant ang ibinigay naming posisyon sayo ay dahil kailangan ka pang gabayan at pahinugin bata hahaha             -C. Borg

I'm inlove with the Villainess (Ongoing)Where stories live. Discover now