I. Unang pagtatagpo

51 2 0
                                    

Ako si Altis von O'Brien, limang taong gulang. Bunsong anak nina Marquis William von O'Brien at Marquise Vanessa von O'Brien na malayong kamag-anak ng Hari dito sa bansang Stein. May dalawa akong kapatid na mas matanda sa akin. Sina Brite na isang Knight ng royal palace at si Lone na isa namang professor sa isang prestige school. May isa akong sikreto,  at ito ay may alaala ako sa una kong buhay dahil sa past life ko ay isa ako na sikat na businessman na si Allyn Tayler. Namatay ako ng iligtas ko ang isang bata na mababangga ng bus at nagising na lang ako at nandito na ako sa mundong ito.

Lord Altis buti gising ka na.

Lord Altis?? Argggghhhhhh.....

May pumasok na Butler at isang may edad na lalaki na lumapit sa akin.

Anong problema Altis??        -may edad na lalaki

Hindi ko alam ang sasabihin at gagawin. Tinitigan ko sya na may tanong din sa aking mukha. Nang may isang magandang babae na may hindi nalalayo ang edad sa lalaking nasa harapan ko. Dali-dali syang lumapit at niyakap ako.

Anong problema mahal kong Altis??  

Lady Vanessa, mukhang epekto ata yan ng pagkakabagsak nya sa kabayo.    -butler

Pagkasabi ng Butler nun ay may nagflash na memory sa akin at napahawak ako sa ulo ko dahil sumakit ito. May benda ang ulo ko. Pumasok na ang lahat ng alaala ni Altis. Nahulog ito sa kabayo dahil sa pagpupumilit na sakyan ito. Kasama nya nun si Prinsipe Drake Greymond El Morrigan. Nakakahiya ang nangyari, ang childish lang gayong 26yrs old na ako kung tutuusin. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Altis at kung bakit ako nasa kanyang katawan pero isa lang ang siguradong alam ko na ako na ang Altis ngayon. hay!!! lalo tuloy sumasakit ang ulo ko.

Humiga ka muna sa kama at magpahinga hanggang sa gumaling ka anak.     -Lady Nes

Hinalikan nya ako sa ulo at si Lord William naman ay hinawakan ako sa ulo. Iniwan nila ako upang makapagpahinga ng ayos. Hindi ako makapaniwala na nasa ibang mundo ako. Ang kasuotan dito ay pang England noong 18th century pero hindi naman ito England. Kaya dapat malaman ko kung anong bansa ito. Kailangan kong pag-aralan ang lugar at kultura dito.

'Wag ka ng malungkot kuya. Mabuhay ka ng masaya sa bago mong mundo. Mabuhay ka ng masaya.'

Naaalala ko ang sinabi sa akin ni Violette bago ako mapunta dito. Pipilitin ko para sayo. Ilang taon ang lumipas at pinag-aralan ko ang lahat ng maaaring pag-aralan sa mundong ito. Laking gulat ng lahat na sa murang edad ko na limang taon ay advance na ang karunungan ko sa akademya maging sa pagsakay ng kabayo at pakikidwelo sa espada. Salamat sa kaalaman ko nung past life ko kung saan nag-aral ako ng iba't ibang klase ng martial arts at sa Harvard ako nakapagtapos ng aking pag-aaral. Ilang taon na rin ang lumipas at kay bilis ng panahon.... Ngayong labindalawang taong gulang na ako ay madalas akong bumibisita sa palasyo dahil tinuturing akong matalik na kaibigan ni Prinsipe Drake at dahil din tinalaga nya ako bilang kanyang pribadong tutor. Si Prinsipe Drake ay hindi nalalayo sa ugali ni Royland na carefree na tao pero maaasahan sa oras ng pangangailangan at seryoso sa kanyang ginagawa once nagfocus na. Matalino, malakas at kagalang-galang kapag nagseryoso na sya na talaga namang karapatdapat na sumunod na hari at mamuno ng bansa.

I'm inlove with the Villainess (Ongoing)Where stories live. Discover now