II. Unang pagtatagpo - part2

16 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa kapitlyo gitnang distrito ng palasyo in short,  palengke o pede na ring mall sa panahon ko nun. Bakit ako nandito ngayon?? dahil bibili ako ng mga sangkap na gagamitin ko sa paggawa ng pabango na balak kong ilabas sa itatayo kong negosyo sa nalalapit kong edad , mga tatlong taon pa naman iyon. Sa mundo kasing ito, pagsapit mo ng edad na labinwalo.... bilang isang Noble ay kailangan mo itong icelebrate dahil iyon ang magsisilbing 'debut day' para ipakilala sa lahat ng Noble sa Stein maging sa ibang bansa. In short,  tanging mga anak lang ng mga nobleman at hindi kasama ang mga ordinaryong mamamayan ng bansa. Sa mga babae naman ay sa edad na labin anim. Anyway,  gagamitin ko ang kaalaman ko nung nakaraan kong buhay para makilala ang pangalang Altis von O'Brien ng hindi aasa sa kapangyarihan at impluwensya ng aking mga magulang. Nung una kong buhay sa Pinas, ang business ng pamilya namin noon ay perfume at wine kaya naman ipagpapatuloy ko yun hanggang dito sa mundong ito. Madami na kami nung nasaliksik at naimbentong iba't ibang klase ng wine o alak na maaari kong pasikatin dito. Nagbabalak din akong magtayo ng restaurant na buffet style na may nakaputaheng iba't ibang klase ng pagkain pero inuunti-unti ko lamang. Isa din sa ipinunta ko dito ay dahil nais ko rin bumili ng bagong aklat na babasahin na kakailanganin ko sa itatayo kong negosyo. Ang daming tao dito at makikita mong buhay na buhay ang kapitolyo kaya naman maituturing itong puso ng kaharian.  Teka nasaan na ba ako?? Mukhang mali pa ang mapapasukan kong iskinita ah!!! Masyado kasing malalim ang iniisip ko sa balak kong itayong negosyo. Aalis na sana ako at hindi na tutuloy sa pagpasok sa iskinita nang mapansin ko ang tatlong lalaki nagkukumpulan sa isang sulok at nakapalibot sa isang batang babae na tila nababalisa. tsk... hindo talaga nawawala ang mga bully at masasamang loob maging dito. Ayaw ko na sanang mangialam kaso nasaksihan ko na eh!!!  Ano pa kaya ang magagawa ko.

Sabi ko naman kasi sayo miss na saglit lang ito.       -lalaki1

Sumunod ka na lang para hindi ka masaktan.      -lalaki2

tiba-tiba tayo dito dahil maganda ang isang ito.        -lalaki3

Naibigay ko na sa inyo mga ginoo,  ang lahat ng salapi na meron ako.

Nakahawak yung isang lalaki sa mukha nung babae at pinagmamasdaan ito ng maigi kaya naman nangialam na talaga ako at lumapit dahil papaiyak na ang babae.

Hindi dapat ganyan ang pagtrato sa isang binibini mga ginoo.

tsk... sino ka bang bubwit ka?? at wag kang mangingialam dito.       -lalaki1

Nagtatawanan sila at hindi nila ako sineseryoso kaya naman sinipa ko ang isa sa kanila.

Aba loko itong bubwit na ito.      -lalaki2

sa wakas sineryoso na rin nila ako kaya naman unti-unti silang nagsipaglapitan kaya naman mabilis kong iniligan ang mga suntok nila na kinapikon nila saka naman binunot ko na ng dala kong espada. Buti naman at dala kong itong espada ni Brite sa tuwing aalis ako,  yun nga lang hindi nya alam na pinupuslit ko ito. Mahalaga sa kanya ito dahil nakadisplay ito sa kwarto nya. Espada nya kasi ito nung labin apat na taong gulang sya na natanggap nya bilang regalo nung kaarawan nya sa guro nya. Pasensya na kuya Brite hehehe ayun at napatumba ko silang tatlo.

Royal Knight...          -lalaki2

yes, royal Knight... may royal seal ang espada sa hawakan nito kaya naman hilig kong ipuslit este hiramin ito pero lagot ako kay Brite kapag nalaman nya hehehe so, alam nyo na kung bakit ito ang gusto kong bitbitin. Malaki kasing benefit dahil natatakot sila sa seal ng royal Knight.

umalis na tayo dito.      -lalaki3

Pinilit nilang tumayo at dali-daling tumakbo papalayo. Nilapitan ko ang binibini. Tunay ngang maganda ito, kulay brown ang mahaba nitong buhok, hazel brown ang kulay ng mga mata nito at mabilog, may maliit at manipis na labi, maliit na matangos na ilong at maputing balat kaya naman hindi ko masisisi ang mga lalaking iyon na pagkainteresan ang dilag dahil sa amo at inosente nitong mukha.

I'm inlove with the Villainess (Ongoing)Where stories live. Discover now