Nang matapos na kaming mag-usap ni prinsipe Drake ay bumalik na muli ako sa loob ng palasyo. Nakita ko na mag-isa na naman sa isang sulok si Lady Kathalina kaya naman naisipan kong lapitan ito.
Ahem!!!
Sir Altis, magandang gabi.
Magandang gabi din sayo lady Kathalina.
Segundo kami natahimik.
Salamat nga pala sa lasong ibinigay mo.
Walang anuman.
Pwede ba kitang maisayaw lady Kathalina??
Sa akin ang karangalan.
Sumayaw na nga kami at habang nasayaw kami ay nagbitaw ako ng isang magandang tula.
Your two great eyes will slay me suddenly;
Their beauty shakes me who was once serene;
Straight through my heart the wound is quick and keen.
Only your word will heal the injury
To my hurt heart, while yet the wound is clean -
Your two great eyes will slay me suddenly;
Their beauty shakes me who was once serene.” - Geoffrey Chaucer
Napatingin sya sa akin na tila binabasa ang ekspresyon ng aking mukha. Ilang segundo din kaming nagkatitigan kaya naman napabuntong hininga ako dahil napapansin ko na tila naguguluhan na sya.
Nabasa ko lang sya nung isang araw habang nagpapalipas ng oras. Bagay kasi yung tula sayo lady Kathalina.
Bigla nyang inalis ang kanyang mga mata sa pagkakatitig sa akin at nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi.
Uhhm... Sir Altis, tumigil na ang musika.
Hindi ko napansin na tumigil na pala ang tugtog. Sa totoo lang ay nabilisan ako. Natapos ang gabi na pinagmasdan ko lamang si Lady Kathalina na umalis sa pagtitipon habang ako naman ay naiwan para sa huling mensahe ng aming pinuno. Binigyan kaming mga white eagle royal knights ng isang linggo na pahinga kaya naman sinulit ko yun upang simulan na ang matagal ko ng balak. Naisip ko na magtayo ng negosyo sa kapitolyo. Isang shoppe na nagbebenta ng mga pabango, sabon, shampoo at iba pang uri ng skin care para pang-angkit sa mga kababaihan o mapalalaki man, mapa-noble man o mga ordinaryong mamamayan lang. At isa pang shoppe na nagbebenta ng tsokolate at alak na hindi pa ibinebenta dito sa mundong ito. Sa ilang taon ko ng pagsusuri, pagsasaliksik at pag-aaral ay nahanap ko na ang mga kinakailangang mga sangkap maging ang gusali at lugar na pagtatayuan ng negosyo ko. Ayos na rin ang mga papeles na kailangan sa pagpapatayo ng mga negosyo ko. Si Karl ang pinaayos ko sa lahat, anak sya ng pinagkakatiwalaan naming butler. Matanda lang ako sa kanya ng buwan. Matangkad sya, kulay abo ang kulay ng kanyang buhok, itim naman ang bilugin nitong mga mata at may maliit itong nunal sa pagitan ng ilong at bibig. Kapag wala ako ay sya ang inasahan kong magbigay ng report at inventory sa akin. Bukas ay bibisitahin ko yung gusali na napili ko para sa negosyo ko. Sabi sa akin ni Karl na nailagay na ang mga gamit dun at konti na lang ang kakailanganin na produkto para makapagbukas na ito. Napagpasyahan kong ilihim na pagmamay-ari ko ang negosyong pretty care at choco-latte kaya naman ng sumulat at inimbitahan ko ang mga nobles, ang inilagay ko ay ang initial ko nun na A. T. (Allyn Tayler). Natigil ang pagsusulat ko ng may kumatok.
![](https://img.wattpad.com/cover/202318861-288-k185322.jpg)
YOU ARE READING
I'm inlove with the Villainess (Ongoing)
Romance* Allyn Tayler famous young bachelor in the world of business. * His sister died due to accident that caused him so much pain. * Reincarnated in another world with European style of living in late 18th century. * Living as the son of a Marquis. A...