V. Graduation

4 2 0
                                    

Altis anak, tapos ka na ba?? 

Tinatawag na ako ni ina kaya naman inayos ko lang ng unti ang buhok ko kaya naman lumabas na ako ng kwarto.

Ang kisig kisig ng aking anak bagay ang puting uniporme mo sayo.

Inayos nya ang kwelyo ng aking uniporme. Ngayong araw kasi ang aming graduation at sa susunod na buwan ay sasabak na kami sa digmaan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil dati ay pinanonood ko lang yun ngayon ay mararanasan ko na ito ng tunay. Nakasakay kami sa karwahe, ang dalawa kong kapatid ang kasama ko at sina ama at ina ay sa kabilang karwahe.

Hay!!! Pakiramdam ko ay royalty ako ngayon dahil sa dalawa kong kasama ha.. ha.. ha..          -Lone

Napabuntong hininga na lamang si kuya Brite sa sinabi ni kuya Lone. Natawa na lang ako. Dumalo ang hari kasama ang dalawang prinsipe at ang prinsesa maging si Lady Kathalina dahil sya ang fiancee ni prinsipe Drake. Dahil ako ang nakakuha ng mataas na grado sa akademya ay ako ang unang binasbasan ng hari ng espada sa magkabila kong balikat at syempre bago magtapos ang padiriwang ay kailangan kong magbigay ng speech.

Bago ang lahat nais kong magpasalamat sa presensya ng ating mahal na hari kasama ng kanyang pamilya upang saksihan ang ating pagtatapos. Nais ko rin magpasalamat sa aking pamilya na walang sawang sumusuporta sa ain. At hindi ko makakalimutan, pasalamatan ang kasamahan kong white eagle knights... alam kong hindi madali ang ating piniling landas, may buhay na masasagip at may buhay na mawawala ngunit isang karangalan ang mapaglilingkuran ang Royal family at ang bansang Stein. Karangalan na hindi makukuha sa atin ng sinumanKarangalan na tatak at bubuo sa kasaysayan ng ating pinakamamahal na bansang sinilangan. O bathala nawa'y kami iyong protektahan sa anumang laban na aming kahaharapin at patnubayan mo nawa kami patungo sa aming tagumpay. Sa lahat ng mga kasamahan ko binabati ko kayo sa ating pagtatapos. White Eagle Knights Squad 016, Salute.

I'm inlove with the Villainess (Ongoing)Where stories live. Discover now