Lulan ng karwahe, ito kami ngayon nasa tapat na ng tarangkahan ng Estolia. Mahaba ang pila at sinisigurado ng mga kawal na inspeksyonin ang bawat tao na papasok sa kanilang bansa.
Hinto. Sino kayo at saan kayo nagmula? -kawal
Kame ey tagae Nortan. *(kami ay taga Nortan) -Brite
Ibaeg naemeng maegbenta ditow. *(ibig naming magbenta dito)
Anong laman nitong karwahe nyo? -kawal
Bumaba ako ng karwahe at binuksan ang tabing sa likod. Bumungad sa amin si Black Falcon Captain Jio na nakaupo't nakasandal. Nakadekwatro pa ito habang nakacrossed arms. Hindi sya natinag sa amin.
At sino naman yan? -kawal
Sya aeng aemeng aemo. Sey master Fellen. *(sya ang aming amo. Si master Fellen)
Tinawag ako ni Capt. Jio at bumulong habang mabusising tinitignan ng kawal ang laman ng aming karwahe na ang laman ay puro mamahaling tela. Pagkatapos bumulong si Capt. Jio sa akin ay may inabot sya sa aking na pouch na may lamang pilak. Inabot ko ito sa kawal.
Pinaebibeygaey ng aeking master. Maey traedesyon sae aemen ang mga negosyaente na maegbigaey ng konteng regaelo upaeng bwenaesin ang negosyo. *(pinabibigay ng aking master. May tradisyon ang mga negosyante sa amin na magbigay ng konting regalo upang bwinasin ang negosyo)
Kinuha ng kawal ang supot na may lamang mga pilak. Banaag mo sa kanya ang tuwa sa natanggap.
Dahil sa sinabi mong parte ito ng tradisyon ng mga negosyante ng bansa nyo ay sige tatanggapin ko ito. -kawal
Kinuha nila ang id namin maging ang permit at tinanakan ito. Nang matapos yun ay pinapasok na kami. Pagpasok namin ay desyerto ang bumungad sa amin. Karamihan ng mga tao dito ay mga kayumanggi ang balat. Hindi na ako magugulat kung bakit gusto nilang sakupin ang bansang Stein. Ang sabi sa amin ng kawal kanina ay kailangan naming dumeretso sa palasyo upang magparehistro kung naisin naming magbenta sa bansa nila kaya naman ang hari nila dito ang makakaharap namin. Kailangang makumbinsi namin sya at maging interasado sa telang ibebenta namin. Nakabalat kayo kami ang kulay ng buhok ko ay pula na kulay hazel brown ang aking mga mata ganun din si Brite, magkapatid eh!!! Samantalang si Capt. Jio naman ay kulay brown ang buhok at gray naman ang mga mata. Ang pangalan ko ngayon ay Lorenz, si Brite naman ay Bryan at si Capt. Jio ay Fellen. Dumeretso agad kami sa palasyo. May malaki itong gate na bantay sarado ng mga kawal. Pinakita namin ang permit namin ng may tatak pagkatapos kompirmahin ay pinapasok na kami. Sa loob ay may malaking hardin at sa gitna nito ay may lawa na parang oasis sa gitna ng disyerto kung saan nakatayo ang palasyo. Ang palasyo nila ay style na parang napapanood ko lang noon sa palabas na aladdin. Mala-India lang ang itsura nitong Estolia. Pagpasok namin sa palasyo ay pinatanggal sa amin ang aming mga sapatos bilang paggalang sa kanilang sagradong lugar. Kakaiba ang disenyo ng kanilang palasyo para talagang sa aladdin maging ang mga kasuotan nila. Hinatid kami ng tagapaglingkod hanggang sa tanggapan ng hari. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa amin ang hari katabi ng mga babae na nakapalibot sa kanya. Ang isa ay sinusubuan sya ng ubas, ang isa ay minamasahe sya at ang isa naman ay pinapaypayan sya. Nagulat kami sa nakita. Normal lang ito sa kanila. Sinenyasan nya ang mga babae at sila ay tumigil sa ginagawa nila tapos isa-isang umalis. Ang isa sa kanila ay humalik muna sa hari bago umalis at sya rin yung babaeng kumindat at ngumiti sa amin bago tuluyang lumabas ng kwarto na kinabigla namin.
Sadyang malalambing lamang ang aking mga asawa. Kayo ay dayuhan. Saang bansa kayo nanggaling?? -haring Raj
Siniko ako ni Kuya Brite para ako na ang magsalita. Dinaan na naman nila sa pagiging matanda nila.

YOU ARE READING
I'm inlove with the Villainess (Ongoing)
Romance* Allyn Tayler famous young bachelor in the world of business. * His sister died due to accident that caused him so much pain. * Reincarnated in another world with European style of living in late 18th century. * Living as the son of a Marquis. A...