VII. Ang Pagpupulong sa Kampo

8 1 0
                                    

At dumating na ang araw ng matagal na naming pinaghahandaan. Kailangan naming siguraduhin na wala ng banta sa seguridad ng border line papasok ng Stein. Kaya habang tahimik pa ang mga kalaban ay nagpaplano kaming sumugod ng hindi nila nalalaman kaya naman ang makikipaglaban ay ang piling Black Falcon knight at Green Hawk knight. Kasama ako at si Havel sa grupo na susugod sa bansang Estolia maging ang Wyle na nagsusupply sa kanila ng mga armas. Nahati ang grupo namin. Si Havel ay sa grupo na susugod sa Wyle at ako naman ay sa Estolia sa pamumuno ni Commander Borg samantalang si Asther ay naiwan sa border line upang doon magbantay. Habang lumilipas ang mga araw ay wala kaming sinasayang na mga sandali kaya naman gaya ng aming plano ay ito ako ngayon sa kapitolyo ng Estolia nagpapanggap bilang mamamayan nipa kaya mananatili ako dito hanggang matapos ang aking misyon.

.
.
.
.

Flashback

Unang araw namin dito sa kampo matapos ang aming pahinga sa Stein. Naghanda ng isang pagpupulong si Commander Borg kasama ang tatlong platoon (White Eagle, Green Hawk at Black Falcon)

Nagpatawag ako ng pagpupulong ngayon upang kayo ay ihanda ulit sa isang digmaan.      -Commander

Nagulat ang lahat dahil katatapos tapos lamang ng aming matagumpay na labanan ay muli na naman kaming sasabak sa isa na namang digmaan. Tinapik ako ni Havel na katabi ko.

At kanino naman kaya tayo makikidigma?    -Havel

Tahimik...        - G.H.K Major Brite

Wag nyong sabihing magpapakampante na lamang tayo na maghintay na muli tayong sugurin ng ating mga kaaway.   -Commander Borg

Tama nga ang naiisip ko.

Nabulong ko sa aking sarili ngunit narinig pala ito ni Havel.

Anong ibig mong sabihin??      -Havel

Muling nag-ingay ang lahat matapos bitawan ni Commander Borg ang mga salitang yun. Naramdaman ko na tila may nakatingin sa akin kaya naman ng sinundan ko kung sino ito ay nakita ko na seryosong nakatingin sa direksyon ko si Commander Borg.

Ano sa tingin mo Altis ang ibig kong sabihin??       -Commander Borg

Tumahimik ang lahat at ang kanilang mga mata ay nakatuon na sa akin kaya naman wala na akong nagawa kundi ang tumayo at sumagot kay Commander Borg.

Ang nais nyo po ay sumugod sa ating mga kaaway bago pa ito magkaroon muli ng pagkakataong sumugod sa atin. Kaya naman uunahan na natin sila habang mahina pa ang kanilang pwersa.

Tama. Ayaw kong magsayang ng panahon. Wag na nating hintayin na sugurin pa nila muli tayo dahil ngayon tayo naman ang bubulaga sa kanila. Kaya naman nais kong pag-igihan nyo pa ang pagsasanay nyo...kung maaari ay doblehin nyo pa. Ayaw kong makita na magkukuyakuyakoy lamang kayo.     -Commander Borg

Nagpaskil ng malaking papel si kuya Brite sa board kung saan nakalista dun ang mga magkakasamang grupo maging ang mga gagawing mga pagsasanay. Kasama din dun ang pagtulong sa pag-aayos ng nasirang daan at tulay nung panahon ng giyera. Nang matapos na ang pagpupulong ay bumalik na kami sa pagsasanay at pagdating ng gabi ay ipinatawag ako at si Havel sa tent ni Commander Borg. Magkasabay kaming nagtungo dun ni Havel.

Bakit kaya tayo pinatawag ni Commander??      -Havel

Siguro may kinalaman sa pagpupulong kanina.

Huh?? Kaso diba natapos na yung diskosyon hinggil dun??   -Havel

Natigil ang pag-uusap namin ng salubungin kami ni kuya Brite. Nagbigay kami ng pagpupuyag sa kanya bilang paggalang sa nakatataas sa amin. Inilagay namin ang aming kanang kamay na nakatiklop sa tapat ng aming puso na kasabay ng pagtikom o paglapit ng kanang paa namin sa kaliwang paa na may tikas. Tumango lamang ito sa amin.

I'm inlove with the Villainess (Ongoing)Where stories live. Discover now