Simula nang pumasok ako sa ospital na ito, si Sonya, isang babaeng pusang kulay kahel na may pantik ng iilang puti sa katawan ay dito na namamalagi. Enero ng taong Dalawanglibo't-labingisa nang matanggap ako sa hospital na ito bilang isang nurse at tandang-tanda ko kung paano niya ako sinalubong nang maupo ako sa receiving area sa unang pagkakataon. Marahan niyang ikiniskis ang kanyang katawan mula ulo hanggang buntot sa aking kanang hita. Malugod kong tinanggap ang pagsalubong niya sa akin at simula nga sa araw na iyun ay tinrato ko na siyang pinakauna kong kaibigan sa ospital na ito. Malapit ako sa mga pusa dahil ang isa kong lalaking kapatid ay napakahilig sa mga ganoong hayop. Kinonsidera ko si Sonya bilang isang pampasuwerte kaya simula noon ay binibigyan ko na rin siya ng pagkain kapag nagagawi siya sa aking puwesto sa parteng iyun ng ospital.
BINABASA MO ANG
The Cat Who Smells Death and other Short Stories
HorrorSonya, the cat, will always be here. She will always remain here. *** Cover art by Joey J. Makathangisip