Hindi ako ang nagpangalan kay Sonya. Ang sabi sa akin, isang dating intern daw dito ang unang tumawa sa kanya ng pangalang 'Sonya'. Hindi na nila matandaan kung sino pero ang sabi, may kakaibang abilidad daw ang intern na iyun at kaya niyang hulaan kung saang kuwarto ang dadalawin ng kamatayan sa isang araw. Tama raw lagi ang hula nito at nang mabalitaan ng isa sa mga doktor ng ospital ang gawain nito ay pinatigil na ito sa gawaing iyun. Hindi ko na inalam ang buong kuwento pero sa mga araw na hindi masyadong busy ang mga tao rito sa ospital, madalas ay nauungkat ang kuwentong iyun.
![](https://img.wattpad.com/cover/202397797-288-k708836.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cat Who Smells Death and other Short Stories
HorrorSonya, the cat, will always be here. She will always remain here. *** Cover art by Joey J. Makathangisip