Split

64 4 0
                                    

"Denise, bilhan mo nga kami ng kape sa labas."

"Sige."

"Denise, pa-photocopy naman ako nito. 50 copies."

"Sige."

"Denise, pa-deliver naman ako nito sa first floor."

"Sige."

"Denise, palinis naman ako ng glass wall. Ang dami na kasing smudge. Hindi na magandang tignan."

"TULONG!" Sa pinakaunang pagkakataon sa tanang buhay ko, naisigaw ko ang salitang na iyun nang labag sa aking kagustuhan. Ang dami-dami ng inutos sa akin ng mga katrabaho pero ayos lang naman iyon sa akin. Sa department namin, ako lang ang walang koneksiyon sa mga taong may matataas na posisyon kaya palaging nasa bingit ang puwesto ko rito. Nakapagtapos naman ako ng pagaaral at kahit papaano ay masasabi namang kuwalipikado ako pero iyon nga lang, hindi iyon sapat. Kaya sa abot ng makakaya ko, ginagawa ko ang lahat ng paraan manatili ako rito. Kailangan ko ang hanapbuhay na ito. At hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung mawawala ito sa akin. Kaya kahit na madalas akong utusan ng mga bagay na hindi naman saklaw sa aking gawain ay ginagawa ko pa rin.

"Ayos ka lang?" Nilapitan ako ni Shine. Iyong katrabaho kong nagutos sa akin na mag-photocopy.

"Ayos lang," anang ko kahit na nahihilo na ako.

"Nagiinarte lang 'yan. Ayaw lang siguro mautusan." Tumawa si Aila. Iyung katrabaho kong nagpapabili ng kape.

"Hay naku! Ayaw niya na sigurong magtrabaho rito," sabi naman sa akin ni Joyce. Iyong katrabaho kong nagpapautos sa aking linisin ko ang glass wall.

Kinuyom ko at kinagat ang aking labi.

"O, ano papalag ka?" aniya. Tumawa pa.

"Oh! Denise! Dumudugo ang ilong mo!" turan ni Mike, ang katrabaho kong nagpapautos sa aking mag-deliver ng documents sa first floor.

"Ha?" Biglang nawala ang inis ko nang maramdaman kong may mainit na likidong tumulo mula sa ilong ko. Bumaba ang tingin ko sa sahig at nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita kong pumpatak na roon ang sobrang pula at purong dugo mula sa akin.

Kahit na ganoon ang nangyari sa akin, pinagtrabaho ulit nila ako matapos kong magpahinga ng kalahating oras. Wala ring nurse sa clinic kaya ako na lang ang nagasikaso sa sarili ko. Sa totoo lang, hindi pa rin talaga maganda ang pakiramdam ko pero napilitan pa rin akong bumalik. Sadyang hindi ko lang talaga kayang masibak sa trabahong ito.

Nagtatrabaho ako sa main office ng isang kompanyang gumagawa at nag-e-export ng matitibay na lubid. Magaapat na taon na ako rito at kahit papaano ay nagagawa naman nitong tustusan ang mga pangangailangan ko. Magisa lang akong nakatira sa kuwartong inuupahan ko. Wala akong masyadong kaibigan at kung mayroon man ay nasa malalayo. May mga kapatid ako pero may kanya-kanya na kaming ganap sa buhay. Buhay pa ang mga magulang ko pero madalas ay wala na silang pakialam sa akin. Simula noong nagtapos ako ng elementary, pinalayas na nila ako sa bahay.

Mahirap at hindi madali para sa akin ang buhay pero kahit ni minsan ay hindi ko naisip na magpakatiwakal na madalas ay sinusuhestiyon na ng iba. Bukod kasi sa natatakot ako ay marami pa rin naman akong gustong gawin at gustong maranasan. Bata pa rin naman kasi ako. 27? Ah mali, 28. Tama, 28. Hindi kasi ako nag-ce-celerbrate ng birthday ko kaya nakakalimutan ko na minsan kung ilang taon na ako. Liban sa aksaya lang sa pera ay wala rin naman akong nakakasama sa karaawan ko. Ayaw ko ring mag-celebrate magisa. Naawa lang ako sa sarili ko.

The Cat Who Smells Death and other Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon