35.

130 12 0
                                    

Nang gabing iyun, nakita niyang lumabas ang pusa ni Sonya sa kuwarto nito. Hinabol niya ito hanggang sa makarating niya sa playground ng ospital. Nang makita niyang tatalon na sana ito sa bakod ay aksidente niyang natawag ito sa pangalan ni Sonya at nanlaki bigla ang mga mata ni Nathaniel dahil pagkatapos niyang gawin iyun ay biglang bumagsak sa lupa ang pusa. Nilapitan niya ito at nang makitang hindi na humihinga ay mabilis niya itong dinala sa kuwarto ni Sonya.

Pagdating niya roon ay mas lalo pa siyang nagimbal nang makita ang estado ni Sonya. Inaagnas na ito at kinakain narin ng iba't-ibang insekto ang natitirang laman nito. Kita niya na rin halos ang mga naninilaw na buto nito. Labis ang pagtataka niya dahil kaninang tanghali ay buhay na buhay pa ito at kung namatay man ito kanina lang, hindi dapat ganito kabilis ang pagaanas nito.

May kung anong ideya ang tumama sa kanyang isipan na parang kidlat. Isang pagbabaliktanaw.

"Mamamatay ako pagkatapos ng sampung araw. Dito sa mismong silid na ito. Pero hindi ako gaanong kasigurado dahil bago dumating ang ikasampung araw, nababanaagan kong may mangyayaring masama..."

"Sonya rin ang panglan niya pero huwag mo muna siyang tawaging Sonya. Tsaka na kapag nawala na ako."

"Bakit naman?"

"May mangyayaring masama sa kanya kapag ginawa mo iyun." Hinagod ni Sonya ang ulo ng pusang kasalukyang umiinum ng gatas.

Nabitawan ni Nathaniel ang bitbit na pusa at napaluhod na lang siya nang makitang buhay ito nang bumagsak sa sahig.

"Meow," ani ng pusa sabay hagod ng ulo sa sapatos nito.

The Cat Who Smells Death and other Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon