"Pasensya ka na," hayag ng intern sa kanya.
Ipinikit ni Sonya ng mariin ang mga mata niya. May tumakas na luha sa gilid ng kaliwang mata niya sa kabila ng pagriin niya.
"Anong itatawag ko sa'yo?" tanong ni Sonya sa intern.
"Nathaniel. Nathaniel ang itawag mo sa akin."
Tumango si Sonya. "Magandang pangalan."
"Salamat." Sinubukang ngumiti ng intern pero hindi niya kaya.
"Sonya ang pangalan mo 'di ba? Nasabi ng isang nurse sa akin."
Tumango si Sonya at iniba na ang usapan. "Ibig sabihin, mamatay na ako rito? Hindi na ako makakalabas?"
"Hindi ko alam, pasensya ka na," sagot ni Nathaniel.
Humagulgol si Sonya ng pagkalakas-lakas.
"Kinain ko ang sarili kong buhok at uminum ako ng tubig ulan mabuhay lang ilang araw. Akala ko, dadating pa sila Mama at Papa. Hindi na pala."
"Pasensya ka na," paghihingi ng umanhin ni Nathaniel.
"Alam mo ba kung anong klaseng sakit ang mayroon ako?" tanong ni Sonya.
"Hindi pero maari ko bang malaman?" tanong ng intern.
"May sakit akong kasalukuyang wala pang lunas. May masasamang cells sa katawan ko na kinakain ang mabubuti kong cells."
Napatingin si Nathaniel kay Sonya, may nakita siyang pamamantal sa napakaputi nitong balat at marahil ay Leukemia ang tinutukoy nitong cancer.
"Hindi ko malaman-laman kung bakit ako nagkaroon ng masasamang cells sa katawan. Saan ko sila nakuha? Bakit sila napunta sa katawan ko. Bakit nila ako pinapatay? Anong kasalan ko?"
"Wala kang kasalanan," ani Nathaniel.
Napahagulgol si Sonya, "Iyun nga ang hindi ko maintindihan. "Wala akong kasalanan pero pinaparusahan ako. Mabuti sana kung may kasalanan ako at nangyayari sa akin ang lahat ng ito. Pero wala. Wala."
Naipikit ni Nathaniel ang mga mata niya. Hindi niya na kayang pagmasdan ang tagpong ito.
BINABASA MO ANG
The Cat Who Smells Death and other Short Stories
HorrorSonya, the cat, will always be here. She will always remain here. *** Cover art by Joey J. Makathangisip