34.

127 13 0
                                    

"Tatlong araw na lang, mamatay na ako," ani Sonya.

"Hindi ka natatakot?" tanong ni Nathaniel.

Umiling-iling lang ito at tumawa.

"Puwede bang ako na lang ang magalaga sa pusa mo kapag wala ka na?" ani ng intern.

Tumango lang si Sonya. "Paborito niya ang sardinas."

"Sige." Tumango si Nathaniel.

"Sonya rin ang panglan niya pero huwag mo muna siyang tawaging Sonya. Tsaka na kapag nawala na ako."

"Bakit naman?"

"May mangyayaring masama sa kanya kapag ginawa mo iyun." Hinagod ni Sonya ang ulo ng pusang kasalukyang umiinum ng gatas.

"Sige," sagot ni Nathaniel. Nginitian niya ang pusa.

The Cat Who Smells Death and other Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon