Hindi ko alam kung anong nangyari pero nang lumindol nitong October 16, 2003, alas-siyete ng gabi, hindi na ako makaramdam ng kahit anong emosyon. Saya, kaba, lungkot, sakit, galit, pighati, puot, takot, suklam, lahat-lahat ng dapat maramdaman ng isang tao ay tuluyan ng nawala sa akin. Malaki ang hinala kong dahil ito sa pagkatumba ko noong mismong niyanig ang aming bahay dahil sa lindol. Nakatayo ako noon sa aming sala habang pinagmamasdan ang bagong biling painting na nakasabit sa dingding na gawa ng isa sa mga matalik kong kaibigan. Biglang lumindol ng sobrang lakas, nawala ako sa balanse at tuluyan nga akong natumba sa sahig. Hindi ako agad nakatayo dahil sa pagkahilo at noong humupa na ang lindol ay doon pa lang ako nagkaroon ng lakas upang alalayan ang aking sarili. Nasa sala ang kapatid kong babae nang mangyari iyun at nakatingin lang siya sa umaalog-alog na na TV habang lumilindol. Tumatawa-tawa pa siya dahil sa cartoon na pinapanuod niya. Salamantalang ako, ayun! Kamuntikan pang mabagok ang ulo dahil sa pagkatumba. Tumayo akong naiinis sa aking sarili ngunit nang tumuwid ako sa pagtayo para tignang muli ang painting na nakasabit sa dingding ay may natanto akong bigla. Wala na akong maramdamang kahit anong emosyon.
Ilang minuto kong tinitigan ang painting at ganoon pa rin ang nangyayari, wala akong maramdamang kahit ano. Kahit pagkagulat ay hindi ko maramdaman. Hindi rin lumalakas ang pintig ng puso ko at hindi rin ako kinakapos ng hininga. Wala. Wala akong maramdaman. Tinignan ko ang babae kong kapatid na tumatawa pa rin dahil sa pinapanuod niyang cartoon sa TV. Tinawag ko siya pero hindi niya ako pinansin. Dapat ay nainis ako sa ginawa niya pero wala. Wala akong maramdamang kahit ano. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay at nakita kong may mga gamit kaming bumagsak dahil sa lindol---electric fan, kurtina, picture frames at mga babasaging baso sa kabinet pero wala akong maramdamang kahit ano. Lumabas ako ng bahay nang marinig ko ang mga kapitbahay naming nagsisigawan. Nakita kong may isang bahay na nasusunog, pero wala akong maradamang kahit ano. Hindi magkamayaw ang mga mga lalaki sa pagapula ng sunog habang ang mga babae naman sa mga kalapit ba bahay ay labis na ang pagkataranta dahil sa takot na baka umabot sa kanila ang sunog pero kahit ganoon na ang nagaganap ay wala akong maramdamang kahit ano. Pumasok ako ulit sa bahay, sinara ang pinto at tinignang muli ang bagong biling painting na gawa ng isang kaibigan ko. Narinig kong may dumating na mga firetruck at pati na mga ambulansya pero wala akong maradamang kahit ano.
Ayon kay Luigi, ang matalik kong kaibigan na may gawa ng painting na ilang minuto ko nang tinititigan, binase niya raw ang gawa niyang painting sa sariling karanasan. Sa kanyang painting kasi, makikita ang isang lalaking sinusunog ang napakaraming painting sa bakuran ng isang bahay. Sabi niya sa akin, ang mismong lalaking sinusunog ang napakaraming painting ay walang iba kundi ang kanyang ama. Nasa ikapaat na baitang sa mababang paaralanan nang madiskubre ng kanyang guro na may natatanging talento siya sa pagpipinta kaya simula noon ay pinasali na siya sa iba't-ibang paligsahan. At hindi nga nagkamali ang guro niya dahil sa bawat patimpalak na sinasalihan niya ay palagi siyang nananalo. At ang labis niya pang ikinatuwa, nakakapaguwi rin siya kahit papaano ng pera. Pinagpatuloy ni Luigi ang pagsali sa competitions hanggang sa madiskubre nga ang mga gawa niya ng iilang enthusiast at art collector. Kahit saan-saang event na nakakapunta si Luigi kung saan lagi-lagi niyang kasama ang mama niya. May mga pagkakataon ding nakakapunta sila sa labas ng bansa para dumalo sa mga exhibits kung saan naka-display ang mga gawa niya. Sa madaling salita, isang gifted child si Luigi na may pambihirang talento pagdating sa pagpipinta. Iyun nga lang, madaling natapos ang makukulay na araw niya nang may aksidenteng nangyari noong tumuntong siya sa ikaanim na baitang sa mababang paaralan. Pauwi nang kamuntikan siyang mabangga ng isang motorsiklo. Hindi nagtamo ng kahit anong galos si Luigi, ni hindi siya natumba o nadaplisan man lang ng kahit anong parte ng motorsiklo. Ngunit ang aksidenteng iyun ay nagdulot sa kanya ng matinding pagkagulat.
Ilang minutong natulala si Luigi dahil sa labis na gulat. Panay ang sigaw sa kanya ng driver ng motorsiklo ng masasakit na salita. Tangan-tangan ang maliit na briefcase kung saan sa siwang ay umaagos ang iba't-ibang kulay ng acrylic paint sa kalsada, mabilis na nilisan ni Luigi ang highway at umuwi na sa kanilang bahay. Dahil sa labis na takot, hindi niya iyun pinaalam sa mga magulang niya lalong-lalo na sa tatay niyang nagiiba ang ugali kapag nalalasing. Kinimkim niya ang labis na pagkagulat at hinayaan niyang mamahay iyun sa loob ng puso niya.
BINABASA MO ANG
The Cat Who Smells Death and other Short Stories
HorrorSonya, the cat, will always be here. She will always remain here. *** Cover art by Joey J. Makathangisip