Umalis ako sa ospital nang hindi nagpapaalam. Pakiramdam ko, mamatay na talaga ako. Ramdam ko iyun sa katawan ko. Panay ang panlalamig ko at panay din ang panginginig ng mga kamay ko. Unti-unti na ring may pulang namamantal sa balat ko, palatandaan na malala na ang sakit ko. Kung paanong naging ganito kabilis ay hindi ko lubos maisip. Ang paliwanag ng doktor ay talagang ganun daw iyun. Madalas ay nasa huling stage na nalalalam ng isang tao na may cancer na pala siya. Pero kailangan pa rin nilang maniguardo kaya ang nangyari, tinest nila ako ulit nitong umaga. At tama nga ang una at pangalawang findings ng doktor. May leukemia nga ako. Stage 2. At gaya ng ilang cancer ay wala dawng kongkretong dahilan kung bakit ako nagkaroon ng ganito kalubhang sakit. Pero ayaw kong maniwala sa kanya, pakiramdam ko ay dahil ito kay Sonya. Dahil ito sa kanya!
BINABASA MO ANG
The Cat Who Smells Death and other Short Stories
HorrorSonya, the cat, will always be here. She will always remain here. *** Cover art by Joey J. Makathangisip