2.

507 21 0
                                    

Sa tapat receiving area, madalas dumadaan ang samu't-saring tao. Hindi naman ito ganoong kalala gaya ng emergency room na madalas nagaagaw-buhay na ang mga pumapasok roon. Madalas tahimik at malumanay lang na dumadaan ang mga tao sa tapat ko, na kadalasan ay ang mga kamaganak ng mga pasyenteng nasa iba't-ibang ward na nagtatanong ng mga detalye patungkol sa pasyente nila o hindi kaya'y mga pasyente na nagagawi roon para manuod saglit sa aming TV, mga nanay na doon gusto mamalagi habang pinapatulog ang mga sanggol nilang may sakit at paminsan-minsan naman ay mga bisitang doktor sa aming ospital. Madali lang ang trabaho sa receiving area pero minsan ay nakakabagot din. Mabuti na lang talaga at may mga tanghaling bumibisita si Sonya sa puwesto ko, kung saan sa oras na iyun ay sobrang tahimik sa buong pasilyo ng receiving area. Napapawi niya kahit papaano ang pagkabagot ko.

The Cat Who Smells Death and other Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon