Halaga

3.8K 106 3
                                    

                                                               CHAPTER SEVEN

SUMUNOD na mga araw ay panay sinusundo ni Clarence si Beevan.  Bitbit siya nito sa mga lakad nito at ng tropa.  Halos araw-araw ay tumatawag ito at minsan man ay hindi ito nagbukas ng kahit ano tungkol sa hiwalayan nito at ni Joyce.

​"I have a surprise for you."

​"Ano?" excited na salubong niya sa binata.

​"This."  Inilabas nito ang dalawang tickets para sa concert ng bandang Parokya ni Edgar ngayong gabi.

​Nanlaki ang mga mata niya.  Gusto talaga niyang manood n'yon, kaya lang ang KJ niyang kaibigan ay mas pinili ang makipag-date kesa samahan siya.

​"Wow!"  pumalakpak siya sa sobrang tuwa.   

​"I knew you'd like it."

​"Love it!"  Umakyat siya sa silid para ayusin ang sarili.

​"Bilisan mo naman," reklamo ng binata habang itinatali niya ang shoelace ng sneakers.

​"Teka lang, loading pa, oh.  Masyado kang atatitat."

​Pagdating nila sa convention center ay halos mapuno na ito ng mga tao. 

​"Kita mo na, ang kupad mo kasing kumilos."

​"Naku, eh kung sinabi mo ba agad na manonood tayo nito, 'di sana kahapon pa bihis na ako?  Amina nga iyang waffle ko."

​"Gutom ka na naman?"

​"Favorite ko 'to, eh," sabay subo sa malaking cheesy hotdog waffle.

​Napanganga si Clarence.  "Pambihira ka."

​Nang magsimula ang concert ay feel na feel niya ang pagsabay sa nagkakagulong crowd. Relate much din siya sa all time favorite songs na tumagal na ng halos dalawang henerasyon.

"Makes me fall in love some more."

​"With whom?"  kunot-noong tanong ng binata.

​Sinulyapan lang niya ito.  "'Wag magulo, serious ako ngayon."

​Sa last part ng concert ay kinanta ang epic song na Halaga.  Isa din siya sa mga nakiki-head-bang habang sinasabayan ang banda. Hinarap niya si Cleng at buong emote na inawit ang last few lines.

Minsan hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagti-tripan
Medyo malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko

Kumunot ang noo ng binata habang titig na titig sa kanya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang ma-realized ang ibig sabihin ng mga linyang iyon. Bigla siyang humarap ulit sa stage. Hindi pa siya nakuntento, tumakbo siya pababa ng grand stand, papunta sa mga nagkakagulong crowd sa gitna ng malawak na court.

"Hey, Beevan! Where are you going?" Mabilis na humabol ang binata.
Nakipaggitgitan sila sa mga nagluluksuhang crowd. Hindi nila pansin kahit tagaktak na ang tumutulong pawis. Maging si Cleng ay panay na rin ang hiyaw.

Past midnight na nang makauwi sila.  Tulog na pati mga kapitbahay.
​"Syet!"
​"What?"
​"I left my keys.  Paano ako makakapasok niyan?  Nakakahiya namang manggising."
​"Umakyat ka sa gate."
​"And then?"
​"May susi sa ilalim ng paso sa gilid ng main door."
​"Bakit alam mo 'yon?"
​Nagkibit-balikat ang binata.  "Been there, done that."
​"Umakyat siya sa gate?" 'di makapaniwalang tanong niya, nai-imagine ang super prim and proper na pinsan sa ibabaw ng mataas na gate.
​"Nope.  The gate was left unlocked."
"Mapagkamalan pa akong magnanakaw."
​"So no choice ka kundi kumatok."
​"At harapin ang galit ni Tita...  Aakyat na lang ako."  Bumaba siya ng pick-up nito.  Tinantya niya ang gate na lampas tao.  Paglingon niya ay napalundag siya dahil nasa likuran na niya ang binata.
​"Iyang ikli ng mga binti mo na 'yan, makasampa ka kaya?"
​"Buhatin mo kaya ako?"
​"Ano ka, bigat mo.  Katok na kasi." 
​Akmang pipindutin ng binata ang doorbell nang pigilan niya ang braso nito.
​"Kaya ko 'to.  Dali na, buhat na."
​Hinawakan siya ng binata sa magkabilang beywang saka siya nito iniangat.  Kumapit siya sa top railing ng gate at sumampa.  Paglipat niya sa kabila ay biglang tumahol ang aso at nilundag siya.
​"Watch out!" warning ng binata.

Here In My Heart (Modified Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon