The Truth

3.8K 112 10
                                    

             CHAPTER TEN

NAGULAT si Beevan nang makita si Clarence na kasunod nina Luigi at Gio.  Ngayon lamang sila ulit nagkita ng binata matapos siyang abutan nito sa bahay ng mag-ama.

“Happy birthday, Tita!” masiglang salubong ni Gio. Nagpabuhat agad ang bata sa kanya.

“Easy on your Tita Beevan, Gio.  She’s carrying our little baby, remember?”

“I’m sorry, Tita.”  Lumipat ito sa bisig ng ama.

Hinalikan siya ni Luigi sa pisngi.

“Group hug, Daddy!”  Tuwang-tuwa ang bata nang makulong sa pagitan nila ni Luigi.  They were a picture of happy family.

“Hi,” simpleng bati ni Clarence at mabilis siyang hinalikan sa pisngi.  “Happy birthday.”

Nagdatingan ang ibang kasamahan niya sa hypermarket.  Pagkatapos ng munting salo-salo ay isa-isa nang nagpaalam ang mga ito, ganoon din ang mag-amang Luigi at Gio, pero nagpaiwan si Clarence. 

Nagpaalam na rin si Kim na magpapahinga na dahil napagod ito sa pagluluto. Sumunod na din si Justin na maaga pang papasok kinabukasan para mag-supervise sa pinatatayong branch.

Umupo si Clarence sa tabi niya at may iniabot na paper bag, “I bought you some stuff.”

“Books?”  napatingin siya sa lalaki matapos tignan ang laman nito. “How did you know na wala pa ako ng mga ito?”

Natawa ang lalaki.  “I know, dahil hindi mo pa naikukuwento sa akin ang mga 'yan.  Well, unless in the last few months na nawala ka ay nabasa mo na lahat iyan.”

Kumislap ang mga mata niya sa tuwa.  “Thank you.”

Hinaplos nito ng mga daliri ang pisngi niya.  “Lalo kang gumanda sa pagbubuntis mo, nagkalaman ang mga pisngi mo.” Hindi pa nakuntento, he planted a soft kiss on her cheek.

Nagbuntonghininga ito nang ilayo ang mukha mula sa kanya.  “Happy birthday, Beevan.”
Kinabig siya nito at hinagkan naman sa buhok.  “Last year we celebrated your birthday at Enchanted Kingdom.  Kung hindi ka lang bundat ngayon ay tiyak na mag-eenjoy kayo ni Gio doon.  Natatandaan mo ba noong hindi ka na tantanan ng isang foreigner doon?  Ganoon din sa Singapore, nalingat lang ako sandali ay kamuntik ka nang ma-pick-up ng Chengwa doon.  Bilib na talaga ako sa tindi ng appeal mo.  Imagine, nabingwit mo agad ang pihikang puso ni Luigi.” 

He paused for a moment.  “Do you remember the first day we met?”

Natawa si Beevan sa ibig nitong sabihin.  “Kahawig mo kasi si Josh kaya natulala ako sa harap mo.  Ganoon naman talaga ang mga teenagers kapag nakakita ng guwapo.” 

Hindi nito pinansin ang papuring iyon.  “You have an enchanting face that captivates the male population.  And when you smile...”

Hinarap niya ito.  Walang salitang lumabas mula sa kanya.  Nanatili lamang siyang nakatingala dito.

“I, ah... I forgot what I was about to say.”  Umiwas ng tingin ang binata.  “Bakit bigla ka na lang umalis?  Hindi mo naman kailangang magtago.  Hindi mo ako kailangang iwasan.  Or at least pinakinggan mo man lang sana ang sasabihin ko pagkatapos ng nangyari.”

Nanlaki ang mga mata niya.  Buong akala niya ay talagang walang natatandaan si Cleng sa nangyari sa kanila. 
“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“You know what I mean, Beevan.”

“Kung ang tinutukoy mo ay ang namagitan sa atin, forget it, Cleng.  Wala kang dapat sabihin tungkol doon.  We were drunk.”

“I was drunk.  Pero nasa matino ka pang pag-iisip.  Hindi mangyayari 'yon kung hindi mo pinahintulutan.  Why did you allow it to happen?  Hindi ko naman ipinilit ang sarili ko sa ’yo, ‘di ba?”

Pakiramdam niya ay namula nang todo ang magkabila niyang pisngi dahil sa diretsahang tanong na iyon.  Totally unexpected question, and she was caught off guard.

“I... I was just curious.”  Kahit siya ay nabigla sa sagot niya.  Hindi niya kailanman maaamin sa binata na matagal na siyang may lihim na pagmamahal dito.

“Curious?  Just like that?" Tumaas ang boses nito. "And how did I score?  Ni hindi na nga ako makalakad nang diretso nang gabing iyon, ano pa ang aasahan mo sa performance ko?  Sana’y sinabi mo na lang nang maayos para napaghandaan ko nang mabuti.”  Naggalawan ang mga muscles nito sa mukha dahil sa tinitimping galit. 

Ang diretsahang insultong iyon ay lalong nagpainit sa mukha ni Beevan.  Pinilit niyang gawing casual ang tinig sa kabila ng matinding emosyon. 

“Huwag na nating pag-usapan ang tungkol doon.  It was a night of madness na dapat na nating ibaon sa limot.”

Huminga ito nang malalim.  “Given the situation right now, sa tingin ko nga ay iyon ang nararapat gawin.  You’re so... Hindi ka nag-iisip, Beevan.  You simply play with anyone’s emotions.  Grow up, will you?”

Tumayo na ito.  “I’m begging you now, huwag mong paglaruan din si Luigi.  He's been through a lot of pain.”   Tumalikod na ito at mabilis na lumabas ng bahay.

Doon nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha niya at hindi niya napigilan ang paghagulgol.  Sa ganoong anyo siya nalabasan ni Kimberly na nagising sa paarangkadang pagpapatakbo ni Clarence sa Strada nito.

“What happened?  Si Cleng ba iyon?”

Lalong lumakas ang hagulgol niya.

Nag-aalalang hinaplos-haplos ni Kimberly ang likod niya habang ang isang kamay nito ay nakaantabay sa tiyan niya.

“Do you want to tell me about it?”

Sa paputol-putol na paraan ay ikinuwento niya ang dahilan ng pag-alis niya sa Laguna.

“Makakasama sa ’yo ang emotional stess, Beevan, naaapektuhan ang batang dinadala mo.” She sighed.  “I can’t believe it.  Kaya naman pala walang makapasang boylet sa ’yo, si Papa Cleng pala ang type mo.  Tindi mo, gurl! Ano kaya ang masasabi ni Gandang Joyce kapag nalaman niyang kinarir mo ang jowa niya?  I mean, ex niya pala that time.  Imagine, para lang siyang nagsangla ng engagement ring sa pawnshop, ano?  Taray!  Oh well, no bias, pero mas madating ang tandem ninyo ni Cleng.”

Ikinuha siya nito ng isang basong tubig.  “So, uulitin ko lang, ha?  Iyang bulilit na nasa tiyan mo ay semilya ng lalaking iyon, tama ba ako?”

Tumango siya. Hinimas-himas niya ang naninigas na tyan.

“Sinabi mo ba sa kanya?”

Tinignan niya nang diretso ang kaibigan. "No, please don't tell him."

“He has the right to know.”

“Ayoko nang guluhin pa ang isip niya.”

“Look, base sa ikinikilos ni Cleng ay maliwanag na may halaga ka sa kanya.  In fact, sinundan ka pa niya dito.  Kailangan lang ay ipaglaban mo ang pagmamahal mo.”

“Hindi ko magagawa 'yon.  Maraming masasaktan.  Isa na doon si Luigi.”

“But you are being unfair to Luigi.”

“Matututunan ko din siyang mahalin.  Walang dapat makaalam nito, Kim.”

“Paano naman ang anak mo?  Ipagdadamot mo sa kanya ang tunay niyang ama?”

“Cleng will always be there, Kim.  Being the unknown father of my child or Luigi's close friend, it doesn’t matter anymore.”

Here In My Heart (Modified Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon