Escape

4.4K 129 34
                                    

           CHAPTER NINE

NAPABALIKWAS ng bangon si Beevan dahil sa mga katok sa pinto. Sandali pa siyang nag-isip kung nasaan siya.  Saka lang niya naalala na sumama nga pala siya sa kaibigang si Kimberly sa matandang bahay ng mga magulang nito sa Quezon.

Tuwing summer vacation ay niyayaya siya nitong magbakasyon dito.  Ngayon lamang niya ito pinagbigyan, ngayong kailangan niyang lumayo at wala siyang ibang mapupuntahan kundi ang etrangherong lugar na ito. 

Mabilis niyang isinara ang laptop na nakatulugan na niya kaninang madaling-araw.  Hindi dapat makita ni Kim ang larawan nila ni Clarence na magdamag niyang tinititigan.

“Gurl! Susme, bakit ba hindi ka pa bihis?  Ready na si Kuya Justin, ayaw na ayaw n'on sa lahat ang pinaghihintay.”  Tinulak siya nito papasok sa banyo. “Hindi ngayon ang panahon para mag-emo, puwede ba?  Bilisan mo at tiyak mawiwili ka sa pupuntahan natin.”

Tinatamad na itinapat niya ang sarili sa shower.  Kung hindi lang makulit si Kim ay mas gugustuhin pa niyang matulog na lang maghapon. 

Tatlo lang sila sa malaking bahay na ito dahil ang mga magulang ng magkapatid ay matagal nang nasa Canada. Si Kimberly ay nakatira sa lola nito sa Laguna noong nag-aaral pa ito.  Ang kuya naman nitong si Justin ay nagtayo ng hypermarket dito sa bayan ng Lucban. 

Tuwing buwan ng Mayo ay ipinagdiriwang ang Pahiyas Festival sa bayan na ito.   Kaygandang tignan ang mga kabahayan at mga kalye na napapalamutian ng mga sari-saring disensyo. May mga floats din na nagpaparada sa gitna ng daan.

Dito niya nakilala si Luigi at ang anak nitong si Gio.  Native ito ng Lucban, pero sa loob ng nakaraang anim na taon ay sa Amerika ito naglagi. 

Matapos ang araw na iyon ay regular na niyang bisita ang mag-ama at gabi-gabi rin ay tumatawag ang mga ito.   Madalas ay isinasama siya ng mga ito sa pamamasyal.  Mabilis na nahulog ang loob niya sa bibong bata.  At sa ama nito?  Puwede! 

Sino ba ang aayaw sa isang pagka-guwapo-guwapong nilalang na katulad ni Luigi?  It was like meeting Lancelot, her knight in shining armour.



“KAILANGAN ko ng supervisor sa hypermarket habang ginagawa ang bagong branch sa kabilang bayan, Kim, kahit pansamantala lang.”
Sinulyapan ni Justin ang kapatid bago sumubo uli ng almusal.

“Ow, eh bakit sa akin ka nakatingin?  Don’t tell me, dear brother, na itatali mo ako doon?  Gusto mong mapanis ang byuti ko?”

Sabay na lumipad ang tingin ng dalawa kay Beevan na tahimik na sumusubo.

“Gurl, rescue me! Pleasssse!”

Bago pa siya nakasagot ay nakaramdam siya ng pagbabaliktad ng sikmura.  Patakbo siyang nagpunta sa banyo na sapo ang bibig, at doon inilabas ang lahat ng kinain.  Naghalo ang pawis at luha niya sa mukha nang mahimasmasan.

“Jontes ka?!”  Salubong ni Kim sa kanya sa pinto.  “Umamin ka babaita.  Kaya pala bigla ka na lang nanaba.”  Namilog ang mga mata ng dalaga.   “Last week lang ay ang tindi pa ng deny mo na mag-syota na kayo ni Luigi.  Masyado kang malihim, friend!”

“Hindi pa ako handang pag-usapan ang tungkol dito, Kim.”

“Loka!  Ano 'to, showbiz?”  Pero nang makita nitong seryoso siya, nag-aalalang inakay siya nito paupo sa sala.
“Okay, gurl.  What now?”

“Hindi ako puwedeng umuwi sa amin na ganito, Kim.  Hindi pa ito dapat malaman nina Mommy.”

“Then stay here hanggang maayos ang kung ano mang problema mo.  Tanggapin mo na rin ang alok ni Kuya para hindi ka mainip.  At kung may iba pa akong maitutulong, friend, just let me know.”  Niyakap siya nito nang mahigpit. 

Hindi niya napigilan ang mga luha na ilang gabi na rin niyang pinipigilan.  



KINUHA ni Luigi si Beevan para maging private tutor ni Gio.  Sinusundo siya ng binata  sa hypermarket tuwing hapon.  Pagtapos maghapunan ay ihahatid naman siya nito sa bahay ng magkapatid. 

Ilang beses nang inungkat ni Luigi ang tungkol sa kalagayan niya magmula nang lumitaw ang umbok sa tiyan niya. Kinukulit siya nito na tanggapin na ang iniaalok nitong kasal at nang makapagsabi na sila sa mga magulang niya sa Chicago.  Napakabuti nito at ng buong pamilya nito sa kanya, pero hindi niya ito kayang dayain.  Hanggang ngayon ay iisang lalaki pa rin ang laman ng puso at isipan niya. 

   🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼

“SIR, may bisita po tayong dumating,” tawag ng kasambahay mula sa labas ng silid.

Inikot ni Clarence ang paningin sa kabuuan ng bagong bahay na iyon sa isang sikat na subdivision.  Fully furnished.   Dumako ang mga mata niya sa isang larawan ng bata na nakapatong sa ibabaw ng glass cabinet.

“Cleng?” tawag ng pamilyar na tinig mula sa kanyang likuran.  Nilingon niya iyon at mabilis na sinalubong ng yakap ang kababata.

“I’m glad you’re finally back, ‘tol.  Galing ako sa matandang bahay, nasabi ng Tito Dante na nakabili ka nga daw ng bahay dito.   Ibig bang sabihin n'yan ay dito na kayo titirang mag-ama?”

“Dito na muna kami.  Ipinasok ko na sa Nursery ang anak ko nitong pasukan.”

“Kita mo nga naman, malaki na agad ang inaanak ko.  Parang kailan...” natigilan siya bigla, tinantiya ang kausap, “I’m sorry, Luigi.”

Tipid na ngumiti ang lalaki.  “Tara sa bar, shot muna tayo bago maghapunan.”

  Magkababata sila ni Luigi at magkasama noon sa halos lahat ng lakaran, lalo na sa lahat ng kalokohan noong kasalukuyan silang nagbibinata.  Naghiwalay lamang sila nito noong nag-aaral sila sa College. Lumipat kasi sila sa side ng ama niya sa Laguna.  Nang magtapos naman si Luigi ng Nursing ay nakapag-trabaho agad ito sa States. Doon nito nakilala si Mariz, ang ina ng apat na taong anak nito na lalaki. 

Mariz died after giving birth to their son. Ilang beses din na kinumbinsi ni Clarence at ng mga magulang nito na umuwi na muna ito ng Pilipinas para madaling makalimot sa nangyari, but he refused to let go of his wife’s memory.  Ang pag-uwi nito ngayon ay isang magandang senyales na handa na itong magmove-on.

“Nagustuhan ni Gio ang lugar dito.  Besides, matatanda na sina Papa at Mama, kaya nagdesisyon ako na dito na muna manirahan.”

Nagsalin ito ng brandy sa kopita at inabot sa kanya.  “Isa pa, I need to make a new start.  Ilang taon din bago ako naka-recover sa pagkawala ni Mariz.”

“I guess it’s about time to open your heart again for someone else.  Lumalaki na ang bata, kailangan niya ng isang ina.”

“As a matter of fact, nakakita na siya ng gusto niyang maging Mommy.  Ang inaanak mo, ‘tol, he has the same taste like ours pagdating sa babae,” natawa si Luigi. “Dinaig pa nga ako sa panliligaw, eh.”

“Paano naman puro pagpapa-cute lang ang alam mong gawin sa babae.  Hanggang ngayon ba naman wala pang nagbago sa diskarte mo? Hindi ko talaga maintindihan kung paanong lagi ka na lang nananalo sa pustahan natin sa mga babae noon.”

Nagkatawanan sila nang malakas, naalala ang mga kalokohan sa babae noong araw. 

“Sayang at hindi mo nakilala si Mariz,” lumungkot bigla ang tinig ni Luigi.

Mataktikang inilihis niya ang tema ng usapan, “itong prospect ni Gio, kailan mo naman ipakikilala sa akin?”

“She’s so charming.  The first time I saw her, hindi ko na siya mahiwalayan ng tingin.”

May alaalang pumasok sa isip ni Clarence sa kuwentong iyon ng kaibigan. 

She had the most beautiful hand he had ever seen.  Ang mga kuko nito ay well-manicured, with pearly white nail polish.  A silver bracelet with a small butterfly was hanging from her wrist.  Ang braso nito ay may pinong balahibong pusa na bumagay sa maputi at makinis nitong balat.  He could smell her sweet mild scent, her natural feminine scent na sumisingaw mula sa katawan nito.

Dahan-dahan ang pag-angat ng mukha niya para tignan ang may-ari ng kamay na iyon. He expected to see an elegant woman in formal office attire or something casual.  Instead, he met a pair of big brown eyes na hindi kumukurap sa pagkakatitig sa kanya, long brownish wavy hair, small pointed nose and full pouty lips with glossy pink lipstick. She looked more of a girl than a woman, if not only for her college uniform. 

Napatuwid ng upo ang babae, wala sa sariling inayos ang fitted knee length skirt nito.

Sumunod ang mga mata niya sa galaw ng kamay nito. He saw a nice pair of legs na may pino ring balahibo.  Muli niyang tinignan ang mukha nito.  She was really pretty, but so young, not his type of woman anymore.  He preferred the mature and smart one now.

Ipinilig ni Clarence ang ulo para bumalik sa reyalidad. Muli niyang ibinalik kay Luigi ang atensyon. “Mukhang tinamaan ka nga.  That’s good news.”

Bago nakasagot si Luigi ay tumakbong palapit ang anak nito at nagpakandong dito.

“Gio, that's your Ninong Cleng.”

Inabot siya ng bata at nagmano. 

Hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit sa kaibigan.  Matagal na niyang pangarap na magkaroon ng sariling pamilya, palibhasa ay nag-iisang anak lamang siya.   

“Where’s your Tita?” tanong ni Luigi sa anak, sabay sulyap sa direksyon kung saan galing ang bata. 

“There you are. Come, meet my old buddy,” tawag nito sa babae.  Muling bumalik ang tingin ni Luigi kay Clarence. “Cleng, meet Gio's private tutor.”

Nilingon niya ang papalapit na babae.  Kamuntik na siyang malaglag sa inuupuang high stool sa sobrang pagkabigla. “Beevan?!”



Here In My Heart (Modified Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon