Life and Death

4.6K 126 16
                                    

CHAPTER TWELVE 

BAHAGYANG gumalaw ang natutulog na dalaga sa bisig ni Clarence.  Hinimas-himas niya ang buhok nito hanggang sa maging panatag muli ang paghinga nito.  

Kung alam lang ng babaeng ito kung gaano niya ito pinanabikan. Ang dating Beevan na punong-puno ng buhay, ang pambubugbog nito ng hampas sa katawan niya sa tuwing susumpungin ng baltik nito.  He missed her childishness, stubborness and clumsiness, at ang pagiging unpredictable nito.  Dapat ay lagi siyang handa sa kung anong masamang ihip ng hangin na biglang pumasok sa kukote nito.  He missed her calls late at night or at the middle of his work in the field para lang ikuwento ang nobelang binasa nito.  Na-missed niya ang walang katapusang paglubid niya ng mga dahilan sa ama niya para lang makatakas at masamahan ang dalaga sa pabigla-bigla nitong mga lakad.  And most of all, na-missed niya ang paglalambing nito sa kanya para lang makuha ang kung anumang gusto nito.

Suma total, si Beevan ang kabuuan ng isang immature at pain in the neck spoiled brat, small and yet so irritating. Exact opposite ito ni Joyce at ng iba pang naging nobya niya. And exactly the kind of woman that annoys him. Pero nakapagtatakang minsan man sa nakalipas ay hindi naubos ang pasensya niya dito.  In fact, when he was with Beevan, he felt so young and alive. And God only knows how he missed those days. 

When she left, he realized that she had been a vital part of his system.  Nakasanayan na niya ang existence nito sa araw-araw ng buhay niya.  She was just like his early morning breakfast, his mid-day lunch and his late night dinner...so usual, so basic, and yet so essential.

Hindi na niya namalayan na nakatulog na siya nang mahimbing.  Palibhasa sa loob ng ilang buwan matapos ng gabing may namagitan sa kanila ay ito pa lang ang pinakamaayos at diretsong tulog niya.  With Beevan in his arms, it felt like home. 

Nagising na lamang siya nang maramdaman ang paggalaw ng kama.  Pabiling-biling si Beevan sa tabi niya.   Maya-maya pa ay bumangon na ito.

“What’s wrong?” Napabangon na rin siya nang makitang nakangiwi ang dalaga. “Are you okay?”

“Cleng,” napakapit ito nang mahigpit sa braso niya.
“Ano’ng masakit sa ’yo?”

“Humihilab ang tiyan ko.”  Naglalabasan ang butil-butil na pawis sa noo nito.

Hinimas niya ang tiyan ng dalaga at naramdaman niya ang paninigas nito.  “Dadalhin kita sa ospital.”  Binuhat niya ito palabas. 

Nasa sala na sila nang mapasigaw ito nang malakas.  Kasunod ay ang pagdaloy ng tubig mula sa puwerta nito.  Nanlalaki ang mga mata nito nang hawakan ang tiyan. 

“My waterbag broke! Manganganak na ako!”
Napanganga siya sa narinig, ”You’re not due yet!” 

Tinawag niya ang magkapatid na parehong nabigla nang makita sila.

Natatarantang ipinasok niya ito sa sasakyan.  Si Justin ang nagmaneho.  Tinawagan naman ni Kimberly si Luigi.

Panay ang buga ni Beevan ng hangin.  Mahigpit itong  nakakapit sa braso niya at bumabalon ang luha sa mga mata nito.

“Baby, don’t cry, please.  Malapit na tayo sa ospital.”

“I’m scared.”

“Shhh, don’t be. I won’t leave you.”

Ipinasok sa ER si Beevan.  Nilagyan ito ng oxygen cannula at iba’t-ibang machines sa katawan.  Ilang sandali pa ay dumating na ang OB-gyn, kasunod ang isa pang doctor na nagpakilalang cardiologist nito.

“Where’s Mr. Samonte?” tanong ng lady doctor matapos nitong ma-eksamin ang dalaga.

Napahawak  sa batok si Clarence.  Si Luigi ang hinahanap ng mga doctor dahil ito ang kasama lagi ni Beevan. 

Sakto namang humahangos na dumating si Luigi at automatic na tinignan ang mga aparato na nakakabit sa dalaga.

“How’s her condition?”  Nag-aalalang baling nito sa doctor.

“She’s having premature labor, pero hindi nagpo-progress.  Pumutok na ang panubigan niya.   The baby’s heartbeat is getting weak.  Kailangang mailabas agad ang bata.” 

Itinulak na ang stretcher ni Beevan papunta sa operating room matapos magbigay ng go signal si Luigi.

“We have agreed to a CS delivery before her due date para maiwasan ang ganitong complications sa heart niya, but we didn’t expect a premature labor,” sabi ng cardiologist.    “Mr. Samonte, her blood pressure is too high and her heart is weak.  I’m afraid that her heart could not take it, katulad ng ipinaliwanag ko na sa inyo.”

Nanigas si Clarence.  Binalot ng takot ang buo niyang pagkatao.

“What do you mean?” singit ni Kimberly sa usapan.

“She knew that this will be very dangerous for her, but she has chosen to go on with her pregnancy.  And now, the worse part is here, due to her unexpected labor na iniiwasan sana nating mangyari.  She is very unstable.  Anytime during the operation she might have a heart failure. So you have to decide.  You must sign the necessary papers before we do the operation, Mr. Samonte.”

“I can’t take the risk of losing her,” mabilis na iling ni Clarence.  Ngayon lamang muling nag-function ang ibang senses niya.

Sabay-sabay na napalingon ang lahat sa kanya.

“We don’t have much choice.  Normal delivery is out of the question.  It’s either we save the baby, or we might lose them both,”  pasok ng OB-gyn sa usapan. “Minuto lang ang pinag-uusapan dito.  Do you want to have the baby out now or do you want to wait until she is stabilized?”

“With her condition right now, she would not be stable in the next hours.  It will even get worst, with the labor pains and tension that increase the work load in her heart. We must take chances,” suggest ng cardiologist.

Napahawak sa bibig si Clarence para pigilin ang isang ungol.  Lahat ng lakas niya ay biglang naglaho.

“What will happen to Beevan?” halos walang tinig na lumabas mula sa bibig niya.

“I cannot say.”

Nasabunot niya ang buhok. Parang sasabog ang dibdib niya sa paghihinagpis.  Beevan knew that this could happen, and she deliberately hid it from him, katulad ng paglihim nito ng katotohanan sa kanya noon. Paano nitong nagawa 'yon? Kung hindi pa niya ito natagpuan dito ay wala siyang kamalay-malay na magkakaanak siya dito.  At ang masaklap ay nanganganib ang buhay ng mag-ina niya ngayon.  Napapikit siya nang mahigpit, pilit binubura ang malagim na senaryo.

Si Luigi ang unang nakabawi dahil ito ang mas nakakaintindi sa condition ni Beevan ngayon.  Matapos nitong kausapin ang parents ng dalaga sa cellphone ay hinarap nito ang mga doktor. “Papunta na rito ang mga kamag-anak niya.  I’ll sign the waiver. Ilabas n'yo na ang bata--.

“Do it now!  Huwag na ninyong pahirapan ang mag-ina ko,” Clarence blurted out in despair.

Napanganga ang lahat sa matinding pagkabigla.

“What did you say?” Nagtagis ang bagang ni Luigi. 

“You heard me.  The baby is mine.  Ako ang ama ng dinadala ni Beevan.  And she is mine!”

Tinanggap ni Clarence ang malakas na suntok mula kay Luigi. Hindi man lamang siya umiwas.  Para bang sa ganitong paraan ay mababawasan ang bigat na dinadala niya.

Mabilis na umawat si Justin. “Pare, this is not the right time para mag-away.”

“You son of a...! Hindi ko akalaing hindi ka pa rin nagbabago pagdating sa babae!”

“I can explain...”  Sapo ni Clarence ang pumutok na labi.

“You knew all along at hinintay mo pa na umabot sa ganito.” Umiling si Luigi. Tumalikod ito at tinakbo ang mahabang pasilyo palabas.

“You can come inside,” sabi ng doctor kay Clarence nang makabawi silang lahat. 

💦💦💦💦💦💦💦💦💦💦

Beevan and Cleng's struggles are far from over. Samahan po natin sila sa pagharap sa isa pang malaking pagsubok...

🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏


Here In My Heart (Modified Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon