Love You, Goodbye

4.5K 108 5
                                    

CHAPTER EIGHT

NATAPOS ang graduation day.  Hindi pumayag si Beevan na magkaroon pa ng salo-salo dahil wala naman ang mga magulang niya dito.  Naghingi na lamang siya ng regalo, a brand new Chevy! 

Kinagabihan ay dumating si Clarence.  Dahil nandoon si Joyce, hindi tumuloy ang binata.  Hinintay na lamang siya nito sa loob ng sasakyan.

“Saan tayo pupunta?” excited na tanong niya pagpasok ng pick-up.

“Congrats!”  Iniabot nito sa kanya ang isang maliit na kahon.

“Hey, may gift ka na sa akin noon, ‘di ba?  Sobra-sobra na ‘yon.”

“O akin na ulit.  Puwede ko pa naman isauli iyan sa pinagbilhan ko.” Hinila nitong muli ang regalo.

“’Nay, babawiin nga!”

“Hindi naman ako mahirap kausap.  Kapag sinabing ayaw, ‘di ayaw,” makahulugang sabi nito.

“Sino’ng may sabing aayaw ako sa ‘yo?”

Tinignan siya nito nang diretso. Parang sinusukat nito ang lalim ng binitiwan niyang salita.

Seriously, Clarence. For you, I will. 

Tumikhim ito at pumihit sa upuan.  Pinaandar nito ang sasakyan.

“Saan tayo pupunta?”

“Despedida ni Jonas.  Pupunta na siya ng Australia.  Doon ka na lang mag-party, tutal nagtitipid kang masyado.”


“BAKIT ngayon lang kayo?” salubong ni Jonas sa kanila.

Napasulyap si Clarence kay Beevan.

“Nasa bahay kasi si Ate Joyce.  Hindi ko alam kung paano magpapaalam,” paliwanag niya sa lalaki.

“Bakit naman?” halatang iritado agad ito pagkarinig sa pangalan ni Joyce.  “So, nagkita kayong dalawa?”  baling nito kay Clarence.

“Hindi pa ako handang makaharap siya ulit.”

“Lilipas din iyan, ‘tol.  Just enjoy being single again.  Tara na sa loob.”

Nagtuloy na si Beevan sa loob at naki-umpok sa grupo ng mga babae, naki-kanta sa videoke at nagbukas ng beer. 

Isa sa ka-tropang lalaki ang tumabi sa kanya at naki-share sa microphone niya.  Hindi pa ito nakuntento, pumili ito ng kanta at itinayo siya nito habang madamdamin nilang inaawit ang kantang Forever ni Regine at Martin.  Palakpakan ang kababaihan.


TUMAYO si Clarence mula sa umpukan sa terrace.  Humarang siya sa harap ng monitor.
“Tomador, hinay-hinay sa beer ha, baka kaladkarin na lang kita pauwi.”

Pagbalik niya sa labas ay hindi siya nakaligtas sa kantyaw ng tropa.

“Paano mapipitas si Beevan kung lagi ka na lang naka-guwardiya?  Isa pa, bakit ba hindi ka pa kumuha ng bagong syota?  Daming naka-abang sa ’yo.  Halos dalawang buwan ka na ring bakante.”

“Baka naman si Beevan na ang bagong syota?”

“Baka nga kayong dalawa pa ni Beevan ang magkatuluyan.  Aba, 24/7 na yata kayong magkasama niyan.”

Natawa na lang siya sa sinasabi ng mga ito.  “Kabisado ko na nga pati amoy ng hininga at kili-kili ng babaeng iyon.”

“Kaya nga, baka isang araw ay hanap-hanapin mo.”

“Immune na ako sa kamandag niya.”

Doon lumitaw si Aries, ang naka-duet ni Beevan kanina.  Matamis ang pagkakangiti nito at kinindatan pa ang dalaga mula sa bukas na bintana.

“Maligawan nga ‘yang si Beevan.  Hanep sa legs, pare, parang labanos.  At ang bumper, wow!”

Nagtawanan ang mga lalaki. 
“Kawawang Beevan, mina-manyak mo nang walang kalaban-laban.” 

Natahimik ang lahat nang ibinagsak ni Clarence ang baso sa center table.  Hinarap niya si Aries.  “Hindi katalo si Beevan, pare, kaya huwag mo nang pagkainteresan.”

Nagkatinginan ang tropa.  Sumipol si Jonas at itinaas ang baso nito.  “Ipapuputol ko ang isang daliri ko kapag hindi nagkatotoo ang hinala ko.” 

Nagsipagtaasan lahat ng baso ang grupo at nag-cheers.
“Babalitaan ka na lang namin sa Australia, ‘tol!” Kindat ni Aries dito na kasapakat pala ng mokong.  Binalingan siya nito.  “Huwag kang babagal-bagal, pare.  Ang ganyan kagandang babae ay hindi na dapat pinag-iisipan.  Baka maunahan kita.”

Lumingon siya at nagkasalubong ang tingin nila ni Beevan sa bintana.


LUMALALIM na ang gabi at madami nang naiinom ang grupo. Pumasok ang mga ito sa loob ng bahay. Si Clarence ay tahimik na umupo sa tabi ni Beevan habang paunti-unti nitong iniinom ang laman ng kopita nito.

Pumagitna sa sala ang magnobyong Jonas at Mia at nagsayaw ng sweet.

“Pusang gala na iyan, wala namang ganyanan! Paano naman kaming walang partner?”
Tumayo si Ronald at eksaheradong inihampas ang throw pillow sa upuan. Nagtawanan ang tropa at nagkanya-kanya ng hila ng kasayaw.

Ipinatong ni Clarence ang mga kamay ni Beevan sa balikat nito, at inilapat naman nito ang mga palad sa bewang niya.
Isinandig niya ang noo sa dibdib ng binata. Hindi niya kayang salubungin ang tingin nito.   Nakainom siya at natatakot siyang baka maipagkanulo niya ang sarili dito.

You give me hope, the strength, the will to keep on
No one else can make me feel this way

“I love this song,” bulong ng dalaga.

“Akala ko noon puro Linkin Park at Green Day lang ang alam mong pakinggan,” natatawang sabi ng binata.

“Then you don’t know me at all.  I’m a hopeless romantic, ‘di ba?”  Nanatiling nakasubsob lamang siya dito.  Ninanamnam ang kanta at ang init na nagmumula sa dibdib nito. Napakalapit nito sa kanya at naririnig niya ang bawat pintig ng puso nito.

“You are a complex individual.  One moment you are fragile and sensitive, next moment you are tough and stubborn.  From sentimental to carefree, from your ultra feminine stuff to your ‘one of the boys’ image.  And you are very impulsive and unpredictable.  Don’t you think you have multiple personality disorder, baby?”

“Don’t start, Clarence!”

Natawa ang binata, “pikon!”

Isang mahabang katahimikan ang kasunod at ang buntonghininga niya na hindi niya napigilan.

“Are you okay?”  nag-aalalang tanong ng binata.

“Yes.”

Itinaas ni Clarence ang mukha niya at pilit sinalubong ang mga tingin niya.  May kung anong parang magnet ang nandoon na hindi na nakuhang maghiwalay pa ng mga mata nila. It’s like pull of gravity na unti-unting naglalapit ang mga mukha nila. Idinikit nito ang noo sa noo niya at pumikit. Maybe to break the spell before they lose themselves in it.
Napalunok siya nang ilang beses.  Biglang parang naging maalinsangan ang paligid. Parang ngayon pa lang kumalat ang espirito ng alcohol sa katawan niya.  At hindi niya malaman kung sa alak nalasing o sa amoy ng hininga ng binata sa mukha niya.

Her heart started to beat erratically, nakikipagpaligsahan sa malakas na tibok ng puso ng binata.  Katakot-takot na pagpipigil ang ginawa niya para huwag dumikit ang mga labi niya sa nakaawang na mga labi nito.

Napabuga naman ng hangin si Clarence at nagmulat ng mga mata. Parang itinatanim nito sa isip na siya ang nasa bisig nito, hindi si Joyce.

Nagising sila sa magic trance nang matapos ang kanta at nanukso ang tropa na nanonood pala sa kanila. Putok ang private bubble! Mabilis siyang binitawan ni Clarence. Bumalik ito sa sofa at parang uhaw na inisang lagok nito ang laman ng baso nito. 

Biglang nagkaroon ng tensyon sa pagitan nilang dalawa.  Hindi na siya bumalik sa tabi nito, nagtuloy siya sa cooler at kumuha ng malamig na softdrink.  Hindi niya malaman kung saan titingin at sino ang kakausapin, samantalang si Clarence naman ay idinaan sa pag-inom ang nadaramang pagkailang.

“I think you’re drunk .  Kailangan na nating umuwi,”  nag-aalalang sabi niya nang mapansing nakapikit na ang binata.  Nagpaalam na siya kay Jonas at hinila na ang binata papunta sa pick-up nito.

“Be gentle with my friend, Beevan” nanunuksong habol ni Jonas sa kanila.

“Let me drive.  Ang lakas ng loob mong pagbawalan akong uminom.”  Inagaw niya ang susi sa kamay nito at pumasok na sa driver’s seat. 

Isinandal ni Clarence ang ulo sa headrest pagsakay nito sa sasakyan at mayamaya pa ay nakatulog na ito.
Past two after midnight na at wala ng sasakyan sa kalsada kaya mabilis nilang narating ang town house ng binata. Inalog niya ang balikat nito para gisingin pero umungol lang ito. Inalalayan niya ito papasok ng bahay.  Mabigat at malaki ito kaya ilang beses na kamuntik na silang masubsob. Walang tigil sa katatalak ang bibig niya dahil sa inis at pag-aalala dito.

“Kay laki-laki mong tao magpapaakay ka pa sa akin.  Eh, kung nalasing din pala ako?  Sa kalsada na tayo pupulutin!”

Nakarating na sila sa silid ng binata. Inihiga niya ito sa kama at inalisan ng sapatos. Napalingon siya sa side table kung saan nakapatong ang malaking close-up picture ni Joyce, sa harap nito ay ang diamond engagement ring na dating nasa daliri ng pinsan.  So perfect, and yet so stupid!

“Ibabalik ko na lang ang pick-up mo mamaya.”  Palabas na siya ng pinto nang tawagin siya nito.

“What?  Don’t tell me you want to throw up?! Hay!”

Umupo siya sa gilid ng kama. Binuksan niya ang butones ng polo nito para mapreskuhan ang pakiramdam nito. Naghalungkat siya sa closet ng binata at pagbalik ay may dalang sando at basang bimpo. Hirap niyang hinubad ang polo nito.  Napatingin siya sa matipunong dibdib nito at napalunok.  Heaven, help me!

Nakita na niya ito sa Malaysia noon, pero hindi sa ganito ka-intimate na tagpo.  Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon noon na kilatisin at himay-himayin ang bawat sulok ng ka-machohan nito.  May pinong balahibo ito sa dibdib pababa sa tiyan, at pababa pa, naging prominente ang balahibo mula sa ilalalim ng pusod nito pababa sa... napapikit siya ng mahigpit. 

OMG!  Iniwasan niyang mapasulyap muli sa buttonfly nito na halos bumuka na.  Dear Lord, she could not imagine what’s underneath those thick jeans.  Ano nga ba’ng meron doon?  Hindi pa siya nakakita ng ganoon sa tanang buhay niya. 

Napatapik siya sa noo.  She couldn’t stand being this close to him.  Why do I have to face the devil himself? 

Here In My Heart (Modified Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon