EvEr AfTeR

9.8K 278 81
                                    

NAALIMPUNGATAN si Clarence sa tunog ng intercom sa private room na ino-occupy nila habang hinihintay na magising si Beevan. 

“Mr. Jimenez, gising na po ang pasyente.”

Ramdam niya ang pagsulak ng dugo sa bawat himaymay ng katawan niya.  His body jerked off automatically.  Tinawid niya ang kahabaan ng pasilyo papuntang ICU in record time. 

Pagpasok niya ay agad sumalubong sa kanya ang hapis na mukha ng dalaga na parang sadyang hinihintay siya. 

Nagliwanag ang mukha ni Beevan nang makita siya.  Akma itong babangon pero napigilan agad ng attending physician na tumitingin dito.

“Beevan!”  Tinakbo niya ang natitira pang space sa pagitan nila.  Para makasiguro na hindi ito isang panaginip lamang, ikinulong niya ang mukha ng dalaga sa mga palad niya at hinimas ito nang paulit-ulit.  Hindi siya agad makapagsalita dahil sa tindi ng emosyon. “Welcome back, baby.”

Isang tipid na ngiti lamang ang isinagot nito bago pumikit. “I’m sleepy.”

Napatingin siya sa doctor, panic in his eyes.

“She is still disoriented.  Normal lang iyon dahil ilang araw siyang unconscious.  Other than that ay wala na akong nakikitang problema sa kanya.  Let her rest, kailangan niya iyon. Ipalilipat na natin siya sa private room ngayon din.”

Muli niyang tinignan ang nakapikit na dalaga.  Panatag na ang paghinga nito.  Nakaramdam siya muli ng takot na baka hindi na naman ito muling gumising. Ngayon niya ito hindi gustong iwan kahit isang minuto.

Ilang mahabang oras pa ang muli niyang hinintay.
Isang haplos sa buhok ang nagpagising sa kanya.  Nag-angat siya ng mukha mula sa pagkakayupyop sa gilid ng hospital bed.

“Cleng,” halos hindi lumabas ang tinig ng dalaga. Hinawakan nito ang lalamunan. 

“How do you feel?” Tumayo siya at hinaplos-haplos ang pisngi ng babae.

“I’m thirsty.”
Inabutan niya ito ng isang baso ng lukewarm water.

“I thought you’d never wake up, baby.” 

Kumurap-kurap ang dalaga at naalala nito bigla ang nangyari. Automatic na napahawak ito sa tiyan at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanya.

“My baby?” mahinang tanong nito.

“He’s fine, although he is so small at nasa incubator pa rin.”  Pinisil niya ang palad ng dalaga, unable to hide his gladness.  “I named him after me, Clarence Brylle Alonzo Jimenez.”

Gumuhit ang pagkabigla sa anyo ni Beevan.  “What?  Hindi mo dapat ginawa iyon.”

“I know you’re still disoriented, baby.  But let me remind you, he is my son,” he said with strong conviction.

“You don’t understand.  Maraming masasaktan...”

“Nasaktan na silang lahat,” putol niya sa sinasabi nito.  “At wala na tayong magagawa kundi itama ang mali.” Hinaplos niya ang pisngi ng dalaga.  “I love you so much, Beevan.  I don’t know since when.  Maybe even before that night.  Dahil pagbangon ko kinabukasan ay para akong nagising sa napakatagal na pagtulog.  Lahat ng bagay ay nagbago. 

When you left, my whole system was jammed. I couldn’t function normally.  And watching your heartbeat stop sucked the very life out of me.  You are the air I breathe.  I can no longer survive a single day without you.”

A solitary tear rolled down her cheek.

“Don’t cry, baby.  You’re not yet well.  Makakasama sa ’yo ang matinding emosyon.”

Here In My Heart (Modified Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon