Hello, Daddy

4.4K 137 8
                                    

NAPABALIKWAS ng bangon si Beevan nang pasukin ito ni Clarence sa loob ng kuwarto.  Kasunod ng binata si Kimberly na nag-aalangang awatin siya dahil sa galit sa mga mata niya.

“May pag-uusapan daw kayong mahalagang bagay,” paliwanag ni Kim bago sila nito iniwan.

“Sino ang ama ng batang iyan?”  Kumawala agad ang tinitimpi niyang galit. “Kung hindi si Luigi, sino?”

Napanganga si Beevan sa diretsahang tanong na iyon.

“Sagutin mo ako, Beevan.  I need to know. And don’t you dare lie to me!”

“Yes, this baby is yours.  Pero walang dapat makaalam nito, Cleng.  Bunga ito ng isang pagkakamali natin.”

Naihampas niya ang kamay sa hangin. “Alam mo ba ang naging epekto ng gabing iyon sa akin?  Dahil sa nangyari ay nawalan ng katahimikan ang isip ko. Basta ka na lang umalis.  Ni hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na timbangin ang sitwasyon.” 

“Hindi dapat nangyari iyon. We were good friends.  Kaya nga umalis ako, para makalimutan natin ang namagitan sa atin.”

“Parang ganoon lang kadaling kalimutan iyon.  Parang wala lang nangyari sa ’yo, but you left me broken!  Akala ko may nararamdaman ka para sa akin, kaya kita sinundan dito sa Lucban.  Pero isa lang pala akong eksperimento? At balak mo pang ipaako sa ibang lalaki ang anak ko! How could you do this, Beevan? Am I not good enough for you?  Wala bang halaga sa ’yo ang gabing iyon?”

“You were just drunk that night at nangungulila ka kay Ate Joyce.” Kinagat ng dalaga ang ibabang labi, tapos ay mahinang bumulong, “minsan man ay hindi ko pinagsisihan ang gabing iyon.  I gave myself to you completely.  Nang sabihin niyang babalik na siya sa ’yo, naisip kong lumayo, dahil ayokong maging hadlang sa kaligayahan ninyo.  Pero kahit saan ako magpunta, you’ll always be here in my heart.” 
Nag-unahang pumatak ang mga luha nito.

Bigla siyang nag-alala nang makita itong umiiyak.  “Beevan, I’m sorry.” Sa malalaking hakbang ay nilapitan niya ang dalaga.  Iniharap niya ito at kinabig payakap. “Don’t cry, baby.” 

Pinunasan niya ng palad ang mga luha nito.  He kissed her eyelids to dry her tears. “Look at me. Hindi ka dapat umalis.  You should have listened to what I had to say.  Magulo ang isip ko noon, pero isa lang ang sigurado ako, hindi na ako magiging masaya pa sa piling ni Joyce.”

“Cleng...”

“Hush, babe.  Ngayong alam ko nang wala kayong relasyon ni Luigi ay malaya ko nang magagawa ito.” 

Dahan-dahang lumapit ang mukha niya dito.  Ikinulong ng mga palad ang leeg ng dalaga.  He gently kissed her, taking all his time in the world.  When she parted her lips ay lumalim ang mga halik niya, tasting all of her sweetness.  Then he closely stared at her engorged breasts which were almost ready for lactation.

He never imagined that a pregnant woman could be so desirable, even with all the body changes that accompany the pregnancy.  He could actually feel his burning need for her. Ang mga labi niya ay dumako sa tiyan nito.

“I've missed you, baby.”  He then showered tiny kisses on her face and then claimed her mouth hungrily again that she responded with equal passion.  Kinabig niya ang dalaga pahiga sa kama. Bumaba ang mga labi niya sa leeg nito, down to her swollen breast. 

Just when he thought that it was getting impossible to stop, humiwalay siya bigla dito.  He stared at her confused face with torment in his eyes.  His breathing was ragged and the pain in his groin was unbearable. He kissed her tummy again.

Humiga siya at hinaplos-haplos ang tiyan nito. “Have you thought of a name?” tanong niya rito, trying to distract himself.

She shrugged her shoulders.  “Any suggestion?”

Bahagya siyang bumangon, itinukod ang isang siko at tinunghayan ang dalaga, excitement in his eyes. “Do you think it’s a boy?”

Tumango ang dalaga.
Kumislap ang mga mata niya sa galak. Sandali siyang nag-isip.  “Brylle.” 

He touched his thumb on her still swollen and wet lips at huminga nang malalim.  Muli siyang humiga at kinabig ang dalaga.  They lay there in each other’s arms, feeling  content and complete.

“Don’t go,” mahinang bulong nito.  “I just want to feel your arms around me.”

“I won’t.”  Hinagkan niya ang noo nito at isiniksik ang mukha sa leeg nito.  Napabalikwas lang siya ng bangon nang maramdaman ang sipa ng bata sa tagiliran nito.  “Jesus Christ!  He just kicked me!”

"Say hello to Daddy," natutuwang sagot ni Beevan.

Here In My Heart (Modified Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon