Chance

5.5K 126 9
                                    

                   CHAPTER FIVE  

“WHAT do you mean na hindi ka makakasama?” iritadong tanong ni Clarence kay Joyce.

“Hindi pa ako puwedeng mag-leave ng matagal,” paliwanag ni Joyce sa nakatayong nobyo.

“What is five days? Puwede ka naman siguro mag-file ng unpaid leave, ‘di ba?  Matagal nang naka-set ang lakad na ito, Joyce.  We cannot move it dahil grupo tayong aalis.”

“Sinubukan kong magpaalam sa supervisor namin. Hindi niya ako pinayagan dahil wala akong reliever nang ganoon katagal.”  Umiwas ito ng tingin sa nobyo.

Hindi sumagot si Clarence. Tumalikod siya para itago ang pagdaramdam at disappointment sa mga mata niya. “Wala ka ng panahon sa akin.”  Hindi niya pa rin napigilang ilabas ang pagtatampo niya dito.

“Please try to understand, Cleng, bago lang ako sa trabaho. Babawi na lang ako sa susunod na lakad ng grupo.”

“Kung hindi ka sasama, wala nang sasama sa atin.”

“Sasama ka.  Kayong dalawa ni Beevan.  Graduation gift natin sa kanya ‘yon, remember?”

Doon pa lamang siya lumingon. “I’m not going anywhere without you.”

Pero parang walang narinig si Joyce, pumasok ito sa loob ng bahay.


MALAPIT na ang graduation ni Beevan.  Wala na silang regular na pasok, nagpa-praktis na lamang sila para sa graduation rites. 

   Kapag ganitong nasa bahay lang siya ay panay ang eksperimento niya sa kusina.  Iyon lamang at ang kutis porselana ang namana niya sa Mommy niya.  Kung naging pang-Miss Universe din sana ang height niya katulad nito at ng Ate Georgie niya ay pasado na siya.  Madalas tuloy ay buskashin siya ng mga ito na napalitan lang sa Nursery noong baby. Siya lamang kasi ang maliit sa pamilya nila. 

   Nang masiyahan siya sa kinalabasan ng nilutong cake ay isinubo niya ang isang malaking slice nito. “Hayan, diyan mo ibunton ang sentimyento mo.  Wala ka naman kasing karapatang magselos, lola, kaano-ano ka ba?” sita niya sa sarili.

Subo ulit siya.  “Wala nga, eh sa anong magagawa ko kung masakit?  It hurts!”  Subo ulit siya.

“Tonta!  Isipin mo na lang na kahit wala kang yummy bf, may yummy chocolate cake ka naman.  Si Joyce ba meron n’yan?” Subo.

“Wala...at hindi ko siya bibigyan!” Isa pang subo.

  "Beevan,” tawag ng isang tinig.

  Kamuntik na niyang maibuga ang laman ng bibig nang makilala niya ang tinig ni Joyce sa kanyang likuran.  Kanina pa ba ito?  Narinig ba nito ang kabaliwan niya?

“Ate!” Mabilis na nilagok niya ang itinimplang iced tea para sa sarili. “Cake, gusto mo?”

“Sige.  Puwede bang ipagdala mo kami ni Cleng sa labas?”

“Oo... actually para talaga sa inyo itong ginawa ko.”  Hindi! Ayokong makita si Cleng!

“Salamat.”  Lumabas na ulit ito sa terrace.

Wala siyang nagawa kundi ipaghanda ng makakain ang dalawa.  Nang maipatong niya ang dalang tray sa center table ay doon pa lamang niya napansin na magkalayo ang magnobyo.  Nag-aaway ba ang mga ito? Napatingin siya kay Clarence.  Pormal ang mukha nito.

“Beevan, sasama ka sa lakad ng tropa.  Pumayag na sina Daddy.  Magpaalam ka na lang daw kay Tita Daisy kapag nagkausap kayo.”

“Teka muna, bakit pati ako?  Nagmagandang-loob lang naman ako na hatiran kayo ng merienda.  Bakit naman nadamay ako diyan sa usapan ninyo?”

Tinignan lang siya ni Clarence.  Humakbang ito papunta sa mesa at sumubo ng cake.  “Hmmn, talentado ka pala?”

“Ang layo ng sagot,” reklamo niya dito.

“Ikaw na nga ang isinasama, nagrereklamo ka pa.”

“Kailangan ko ba talagang sumama?”

“Oo.” Tumingin nang diretso si Joyce sa kanya at inilahad na ang bilin nito. “You’ll be leaving for Malaysia, Thailand and Singapore next week.  Huwag kang pakalat-kalat doon.”

“What?!” nanlaki ang mga mata niya.  Akala niya ay kung saang party or out of town gimik lang siya mabibitbit ng mga ito.  “Ano naman ang gagawin ko doon?”

“Sorpresa talaga namin ni Cleng para sa ’yo ang trip na ito, Beevan, our gift for your graduation.  And since hindi ako makakasama sa inyo, pakibantayan mo na lang si Cleng.  Baka kung sino pa ang ma-pick-up niyan doon.”

“Whoa!  Ako pa ngayon ang pinag-iisipan mo ng masama?  You are funny!”  Muling protesta ng binata.

Makakasama ko si Cleng ng ilang araw? Wow!  At hindi kasama ang istariray na Joyce...  Ako pa ang ginawa mong bantay? Lagot ka, aamoy-amuyin ko lang naman ang boyfriend mo... Inay, ang halay!  Napangiti siya sa iniisip na kapilyahan.

“Kinakabahan ako diyan sa ngiti mo, mukhang hindi ka gagawa ng maganda.  Wala akong balak na piyansahan ka doon,”  warning ni Clarence na pinapanood pala ang reaksyon niya.  “May chocolate ka pa sa ngipin, bruha.”

🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋

HINDI natapos ang linggong iyon, nabigla na lamang si Clarence sa naging desisyon ni Joyce.  Tinatapos na nito ang relasyon nilang dalawa.  Wala man lamang itong maibigay na kahit anong dahilan. Hindi siya makapaniwala na katulad lamang pala ito ng pinsang si Beevan na parang bagyo kung magpalit ng direksyon ang isip.  Kahapon lang ay oo, ngayon ay hindi na. Ganoon lang, wala man lamang warning.

Napamura si Clarence.  Tumuloy siya sa bahay ng ka-tropa at nagyayang uminom.

  “We were engaged.  I thought she’s different.  Maluwag din pala ang turnilyo.”  Galit na sabi niya bago tinungga ang laman ng bote ng beer.  Pinagulong niya sa center table ang engagement ring na ibinalik ng dalaga.  Saka niya sinapo ng palad ang mukha.

“Kaya pala lately ay madalas nagdadahilan na panay ang overtime.  At para akong bata na pinapaalaga sa pinsan niya.  God, I hate women!”  He was torn between love and hatred.

“So, what now, pare?  Isasama mo pa ba si Beevan sa tour natin?”

“Hindi na ako sasama.”

“C’mon!  Hindi komo iniwan ka ng fiancee mo ay magha-hibernate ka na.  Show that woman na hindi siya kawalan.  Makikita mo, babalik iyon sa ’yo.  She will beg you to take her back,” paniniyak ni Jonas.

  Naalala niya bigla ang sinabi ni Beevan noon.

“Noong nawala ka ay si Ate Joyce naman ang nawindang.  Ganyan lang ang mga babae, eh!”

  Napatingin siya sa kaibigan.  Isang plano ang nabuo sa isip niya.  She would use Beevan to show Joyce what she had been missing.

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

“WHAT?!  My God, Ate Joyce!  Ano'ng pumasok sa kukote mo para pagtaksilan si Cleng?”

“I fell out of love for him.  Parang bigla akong nagsawa sa atensyong ibinibigay niya.  Dapat ay naiintindihan mo ako, nangyari na din sa ’yo ang ganito, ‘di ba?”

Gaga!  Iparis pa ako sa sarili niya!  Eh, kung iyong boyfriend mo lang ang boyfriend ko, matagal ko nang naisako ‘yon, ano!

“Hindi naman ako two-timer, lola.”  Pagdedepensa niya sa sarili. “Ikaw na nga ang nagsabi, matakot sa karma.  Ano’ng nangyayari sa ’yo ngayon?  This isn’t like you at all.”

“I love Vince so much.”

“Ibig bang sabihin ay hindi mo mahal si Cleng?  Seryoso ka ba?  Itatapon mo ang isang maayos at siguradong relasyon kapalit ng lalaking kailan mo lang nakilala?”

“I loved Cleng, alam mo ‘yan.  Kaya lang when I’m with Vince, it’s totally different.  I’ve never felt anything like this before.”

“Oo na, sabi mo love mo, eh.  May magagawa pa ba kami?  Huwag ka lang sana magsisi sa bandang huli.”

“I’m so sure of my feelings.”

“Did you tell him?  About Vince?”

“No!  Huwag mong sasabihin.”

“Well, eto lang ang masasabi ni Cleng n’yan, ‘magpinsan nga kayong dalawa!’”  Sabay pa silang napahagikgik ng tawa.

Dahil sa nangyari ay wala tuloy siyang mukhang maiharap kay Clarence.  Gusto niya itong damayan, pero nag-aalangan siya na baka masamain lamang nito ang panghihimasok niya.  Baka nga sa galit nito kay Joyce ay mabatukan pa siya nito nang wala sa oras.

   After three days ay nakatanggap siya ng tawag mula sa binata.   “Hey!  Ano’ng... uhm, napatawag ka?”

“I just want to remind you about our trip this Friday.  One o’clock ng madaling araw ang flight natin. Susunduin ka namin diyan sa Thursday night, nine o’clock sharp, Beevan.  Bubuhatin kita pasakay ng van kahit hindi ka pa bihis, kaya huwag kang makupad.”

“Wait!  Akala ko hindi na tuloy ang lakad natin?” takang tanong niya, napabangon siya sa kama.

“Who told you?  Everything is settled. Tuloy tayo kahit pa bumagyo.”

“Pero...”

“Wala ng marami pang dahilan.”

“Teka!  Susme, Martes na ngayon.  Hindi pa ako nakapag-shopping at nakapagpa-facial at foot spa!  Wala pa akong swimsuit, hindi pa ako nakabili ng sunblock.  Nakakainis ka naman, Clarence!  Bakit ba hindi mo agad...” 

Busy tone.  Ang hinayupak!



Here In My Heart (Modified Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon