Pare,nakita mo ba si Althea? Tanong ko sa isang kakilala.
Andun pare,malapit sa may gilid ng stage kasama yung mga kaibigan nya. Sagot nya.
Salamat pre. Sige.
Medyo nasa kalagitnaan na ng party at di ko pwedeng palampasin ang gabing ito na hindi ko sya naisasayaw. Pinuntahan ko sya sa sinabi ng pinagtanungan ko pero ang nakita ko lang ay ang mga kaibigan nya.
Joyce,Diane! Si Althea,di nyo ba kasama?
Sa halip na sumagot ay sabay silang tumingin sa dance floor na ikinasunod naman ng mata ko...
Nasa dance floor pala si Althea at may kasayaw,ung isa sa mga hearthrob ng batch namin.
They look good together,no? -Si Joyce
Ikaw kasi e babagal bagal ka. -Si Diane
Totoo ang sinabi nila. Bagay nga ang dalawa. Parang sinasaksak ang puso ko sa sakit at selos na nararamdaman ko. Nanunuyo ang lalamunan ko at nahihirapan akong huminga. Ganito pala ang pakiramdam na makita ang mahal mo sa company ng iba. Sobrang sakit! Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko...

BINABASA MO ANG
MR. TORPE
Teen FictionMay regrets ka ba sa buhay mo dahil sa mga bagay na iyong nagawa o di nagawa habang may pagkakataon ka pa. Alin ang mas higit mong pinagsisisihan? Ang mga nagawa mo o di mo nagawa? May pagkakataon ka pa kaya na baguhin ang mga ito o sadyang huli na...