Andito na si Justin at Althea sa harapan ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pinagpapawisan pa ako ng malagkit.
O Bry,eto na yung request mo. Thea,gogora na aketch at may gagawin pa ako. Kaw na muna bahala dyan sa mga paninda.-sabi ni Justin sabay kindat pa sakin.
Bry,ano ba yung sinasabi ni Tin na gusto mo daw ako ang magbenta sa'yo nito?-takang tanong ni Althea.
A-a,oo ganun nga. Gusto ko kasi maging good vibes ang araw ko. I-ikaw lang kasi makakagawa nun e.-nauutal kong sabi.
Asus! Pinagti-tripan mo lang ata ako o sadyang bolero ka lang talaga?-namumulang sabi ni Althea. Lalo pala syang gumaganda sa paningin ko kapag nagba-blush sya. Ahehe...
Hindi. T-totoo talaga yun. Actually,may gusto sana akong sabihin sayo e. Nahihiya kong sabi sa kanya.
Eto na...pagkakataon ko na to. Nang biglang...
Good morning class!
Andyan na pala si ma'am Bry. Sige,balik na ako sa upuan ko. Next time na lang ha.-sabi ni Althea.
Lakas naman maka-badtrip o! Andun na e,konti na lang. Pero di bale,sabi nga ni Althea next time. Next time....that next time should be perfect!
BINABASA MO ANG
MR. TORPE
أدب المراهقينMay regrets ka ba sa buhay mo dahil sa mga bagay na iyong nagawa o di nagawa habang may pagkakataon ka pa. Alin ang mas higit mong pinagsisisihan? Ang mga nagawa mo o di mo nagawa? May pagkakataon ka pa kaya na baguhin ang mga ito o sadyang huli na...