5.2

193 5 0
                                    

Aalis na sana ako nang makita kong palapit na si Althea at Kent galing dance floor.

Uy, Brian andito ka pala. Bati sakin ni Kent

H-ha? E...yayayain ko sanang sumayaw si Althea kung okay lang. Lakas loob kong sabi.

Ang totoo nyan,gusto ko na talagang umalis pero naglakas loob na lang ako na sabihin yun para malaman kung sila na ba ni Althea. Para malaman ko kung saan ko na dapat ilugar ang sarili at feelings ko.

Wag ka sa akin magpaalam Bry. C Althea ang tanungin mo.

Kahit paano nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya.

A-althea,pwede ba kitang i-isayaw. Sabay lunok ko.

Nagulat ako ng tumango sya bilang pagsang-ayon. May swerte pa rin pala ako kahit konti. Nangangatal at nanlalamig pa ang mga kamay ko ng abutin ang kamay nya para igiya sya papuntang dance floor.

MR. TORPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon