CHAPTER 9: REALIZATION

178 4 0
                                    

Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa sa nabasa ko. Alam kong dapat ko ng asahan ang ganito pero siguro hindi lang talaga ako handa. Umasa pa rin ako kahit paano. Nagpaka-optimist ako na maganda ang kalalabasan ng lahat. Pero wala na...huli na ang lahat. At ramdam ko sa reply nya ang hinanakit. Iniisip pa rin pala nya hanggang ngayon na pinagtripan ko lang sya. Nag-flashback lahat sa akin ang mga nangyari noong highschool pa kami. Bakit ganun? Noong may pagkakataon, hindi naman buo ang loob ko. Ngayon namang buong-buo na ang loob ko saka naman wala ng pagkakataon. Dapat ko bang sisihin ang sarili ko o ang pagkakataon? Tama bang gumawa ako ng paraan noon para malaman nyang mahal ko sya o mas maganda pang hinayaan ko na lang para at least hindi ko sya nasaktan? Ang daming bakit,dapat o hindi na mga katanungan ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Pero isa lang ang malinaw sa lahat....wala na sya. Ang babaeng may puwang sa aking puso kailanman. Kung bakit kasi napaka-torpe ko noon? Sana noon pa ako nagkaroon ng lakas ng loob na meron ako ngayon. If only i didn't let my emotions got the best of me.

MR. TORPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon