6.1

190 4 1
                                    

Ang totoo nyan,matagal ng nagpaparamdam sa akin si Victoria. Since,1st year high school pa nung aminin nya ang feelings nya sa akin. Actually,maganda din naman si Victoria. Di ko lang sya pinapansin noon dahil nga kay Althea. Besides,di ko type ang mga aggressive na babae. Gusto ko yung mga tipo ni Althea,mahinhin at medyo konserbatibo.

Pero ngayon,dahil si Victoria palagi and nandyan para sa akin at hopeless na rin ako kay Althea kaya siguro napansin ko sya. Misery loves company ika nga. At masyado din akong vulnerable kaya eto at gf ko na nga si Victoria na labis nyang ikinatuwa.

Unfair bang masasabi na ibaling ko sa kanya ang pagiging hopeless ko kay Althea? Loyal bf naman ako sa kanya maliban sa isang katotohanan na si Althea talaga ang sinisigaw ng puso ko. Hindi na yata sya maaalis dyan kahit anong gawin ko.

MR. TORPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon