Ilang araw bago ang Intrams,nilapitan ko at kinausap sina Diane at Joyce para humingi ng pabor na makausap ko si Althea.
Naku, Bry! Kung di lang kita bet para sa kaibigan ko,di talaga kami papayag. -kinikilig na sabi ni Joyce
Basta,wag na wag mong sasaktan at lolokohin ang kaibigan namin ha. Kundi...-pagbabanta pa ni Diane
Wag kayong mag-alala Joyce and Diane. Totoo at seryoso ako kay Althea. Mahal na mahal ko ang kaibigan nyo.-ako
Ok,mukha ka namang sincere e. At bagay na bagay kayo ni Althea.-Joyce
Ikaw ha,matagal ka na palang may gusto sa friend namin. Haaay,im sure marami ang maha-heart broken na girls pag nalaman nila.- tukso ni Diane
Baka mamaya nyan may biglang manabunot sa kaibigan namin ha. Biro ni Joyce.
At eto na nga kami ngayon...
Nakatingin lang ako sa kanya,di alam pano magsisimula. Eto na naman ako...inaatake ng sandamakmak na daga sa dibdib. Ano ka ba Brian,ilang beses ka ng nagpractice ng sasabihin mo,diba. Kahit ako naiinis na rin sa sarili ko. Pero eto ako,parang tuod at pipi na walang masabi sa kanya. Bakit ba kasi ganito ang epekto mo sa akin Althea?
BINABASA MO ANG
MR. TORPE
Teen FictionMay regrets ka ba sa buhay mo dahil sa mga bagay na iyong nagawa o di nagawa habang may pagkakataon ka pa. Alin ang mas higit mong pinagsisisihan? Ang mga nagawa mo o di mo nagawa? May pagkakataon ka pa kaya na baguhin ang mga ito o sadyang huli na...