Natapos ang school year na yun nang hindi ko na nalinaw sa kanya ang mga pangyayari. Ramdam ko din ang pag-iwas sa akin ni Althea. Alam ko...siguro marami sa inyo gusto na ako batukan...pero ano magagawa ko. Ganito na yata talaga ako. Bigla-bigla kung magkalakas-loob pero madalas e mahina talaga. I hate myself!!!
Naging 4th year kami. At parang namatay ang puso ko ng malaman kong sila na ni Kent. T.T
Kahit pilitin ko,siguro tadhana na rin talaga ang may ayaw na ituwid pa kung anuman ang meron kami ni Althea. Wala na talagang chance. Para saan pa? E sila na nga diba. Parang pinipiga ang puso ko tuwing nakikita ko silang magkasama. Kung paano alagaan ni Kent si Althea na wish ko ay ako ang gumagawa.
Lumipas ang ilang buwan at nagka-girlfriend na rin ako. Wait.....siguro iniisip nyo kung paano e ang torpe-torpe ko nga,diba. Katulad nga ng nabanggit ko dati,tall,moreno & handsome nmn ako. Madami kayang girls na nagkakagusto sakin to the point na ako na ang nililigawan. At dahil dyan naging gf ko si Victoria.
BINABASA MO ANG
MR. TORPE
Teen FictionMay regrets ka ba sa buhay mo dahil sa mga bagay na iyong nagawa o di nagawa habang may pagkakataon ka pa. Alin ang mas higit mong pinagsisisihan? Ang mga nagawa mo o di mo nagawa? May pagkakataon ka pa kaya na baguhin ang mga ito o sadyang huli na...