Ms. Otaku meets Mr. Perfect I

744 12 1
                                    

Author: First try po, sana magustuhan nyo. *bows* ^_^


"Walang bagay na perpekto, pero may mga bagay na sadyang kumukumpleto sa buhay ng isang tao"


CHAPTER I: The Otaku

~aishiiteru oujo-sama~
~aishiiteru oujo-sama~

Isa nanamang bagong araw ang sumalubong sakin. First day of class, bilang freshmen sa college na papasukan ko.

Pagbaba ko palang ng hagdan ang sermon na ng mama ko ang narinig ko.

"Oi! Mary bakit ba ang tagal mong bumangon, hindi moba alam na unang araw ng klase nyo ngaun!? Sigurado kabang gusto mong mag-aral, ha!?"
Pambungad ni mama sa araw na iyon.

Wala naman masyadong nagbago lagi naman talagang sumisigaw ang mama ko tuwing umaga dahil bukod sa problema sa aming mga anak pinuproblema din nya ang trabaho niyang hindi ko alam kung ano.

"Ma alis na po ako."

"Sige. Mag-iingat ka, at pag balik mo wag mong kalimutang maglaba ng uniform mo at ng kuya mo"
Hindi na lang sana ako nagpaalam. -_-


i-check ang bag, ang cellphone at ang sarili. Sa isip ko pa lang kabado nako, bukod sa wala akong kakilala sa pinasukang Univesity hindi rin ako yung tipo ng tao na mahilig makipag-kaibigan sa iba.

Nang makarating sa tapat ng University, lalo pang bumilis ang tibok nang puso ko. Napaka daming tao, hindi ko alam kung tao pa ba ang tawag sa mga yun dahil sa kapal ng mga make-up na nasa mga muka nila. Maging ang mga lalaki, hindi na rin ako sigurado kung tao pa ba silang matatawag. Sa unang impresyon pa lang nagdesisyon nakong lilipat na ako para sa next semester. Paalis na sana ako nang biglang may tumapik sakin.

"Excuse me"
Sabi ng isang babaeng pamilyar sakin ang muka.

"Mary, diba?"
Hindi ko alam kung ilusyon ko lang to pero kilala niya ako at ang weird lang dun ehh hindi ko sya kilala.

"Ahh... oo Mary nga, nagkakilala naba tayo?"
Hindi ko alam kung nakaka-offend ba yung tanong ko. "

Oo naman graduate din ako ng SMA-P, ako yung nakasama mo sa event sa school dati, hindi mo ba naaalala, ako si Sarah."
Nakangiti niyang sinabi.

"Ahh... oo nga, ikaw nga yun, s..sorry ahh"
Hindi man halata, pero wala talaga akong maalala.

"Tara sabay na tayong pumasok, ano bang course kinuha mo?"
Tanong nya habang naka yakap sa kaliwa kong braso.

"HRM... ikaw ano bang course kinuha mo?"

"Hmm... pareho lang nang sayo"
Laking pasasalamat ko at meron na rin akong makakasama sa wakas, kahit na wala talaga akong ideya kung sino yung kasama ko.

KRRRRiNGGG!!~

Bell na saktong 7:00am first class ko at nang new found friend. Good luck na lang samin, lalo na sakin. "LORD sana po bigyan nyo ako nang tahimik at normal na College life" Panalangin ko na mukang imposibleng mangyari.


First class, may sigawan, halakhakan at lumilipad na papel. Nag-aral nga ako ng 3 taon sa public school pero hindi ganito ka-wild ang mga tao dun.

"Oi, may mga bagong salta, sa balwarte natin 1B"
Sabi nang isang lalaking matangkad.

Nagtinginan ang lahat saming dalawa ni Sarah, feeling ko unti na lang matutunaw nako.

"HAHAHA!! anong balwarte ka dyan?"
Malakas na pagkasabi ni Sarah sa lalaki. "

Ui, Sarah ano kaba?"

Ayoko pang mapaginitan nang mga bully, tama nang sa high school na lang. Tinapik nang lalaki ang balikat ni Sarah

"Oi, long time no see, dito ka rin pala nag-aaral."

"Magkakilala kayo?"
Tanong ko kay Sarah.

"Oo, kaklase ko siya nung highschool, si Arthur nga pala"
Pakilala ni Sarah.

"Nice to meet you, Arthur nga pala, pede bang malaman pangalan mo?"
Tanung nang lalaki sakin.

"M..Mary po, nice meeting you din"
Kabado at nanginginig akong nakipagkamay kay Arthur.

"Wag kang kabahan, hindi naman kita sasaktan ehh."
Nagtawanan ang lahat maliban sa lalaking palagay ko ehh ininsulto ako.


Nagsimula ang klase nang dumating ang si Professor Banania. Nagpakilala ang buong klase, nakasurvive ako salamat sa Diyos. At nung uwian na sumabay ako kay Sarah.

"Ano, nagbago naba ang isip mo?"
Tanong nya sakin.

"Tungkol naman saan?".

"Dito sa school, nagdadalawang isip ka pa rin bang pumasok dito?"

"Napansin mo pala yun, ang totoo hindi ko alam kung papasok pa ba ako"

"HAHA, nung highschool pa lang napansin ko nang hindi ka talaga mahilig makisama sa ibang tao"
tumawa siya nang unti at bigla niya akong tinapik sa ulo.

"Aray! bakit mo naman ginawa yun?"
Masakit talaga pero pinagbigyan ko na lang muna.

"Basta magiging best friend mo ako sa ayaw at sa gusto mo"
Hindi ko ba alam kung bakit nya nasabi yun pero gumaan ang loob ko, akala ko talaga buong semester akong magiging mag-isa.

Natapos ang araw ko sa sermon ni mama,

"Bakit ngayon ka lang, diba pinag-lalaba kita!?"

Oo nga pala, hayy... hindi ko na talaga maiwasang makalimot.

"Sorry ma medyo traffic kasi ehh.."
palusot kong medyo sablay.

"Traffic ehh walking distance lang ang pinapasukan mo."

Ayun na katulad ko, hindi na rin maiwasan ni mamang magsermon bago umalis at pag-uwi galing trabaho.


END OF CHAPTER I


Ms. Otaku meets Mr. Perfect (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon