Ms. Otaku meets Mr. Perfect IV

159 4 1
                                    

CHAPTER IV: Snap out



Mabilis lumipas nag mga araw. Hindi ko man lang namalayan Saturday na pala. Two hours lang schedule namin ngayon, ayos maaga akong makanonood ng anime. Malaya nanaman akong magkulong sa kwarto ko.


Pagdating ko sa school unti pa lang ang mga tao, pati si Sarah wala pa. Umupo ako malapit sa bintana at dun sinimulan kong mag daydream. Syempre about kay Lelouch ang iniisip ko. Siya yung pinaka crush kong anime, gwapo, matalino, sikat, pero may pagka insane. Natigil lang ako sa pagmumuni-muni ng marinig kong gumalaw ang upuan sa likod ko.

"Oi, Mary pinapasabi nga pala ni Sarah na hindi siya makakapasok ngayon."

Pagtalikod ko si Leslie pala yung taong yun.


"Ganun ba? Syang naman iimbitahan ko pa naman siya sa bahay namin."


"Nilalagnat kasi niya ngayon."


"Sige pakisabi na lang magpagaling agad siya."

Sayang naman kung kailanready na akong i-share sa kanya yung mga hobby ko tsaka pa siya nilagnat. Hindi na bale marami pa namang ibang pagkakataon. Natapos ang klase ng napaka bilis. Wala ako masyadong nagawa nitong araw sa school. Habang nagreready nakong umuwi, lumapit sakin ulit si Leslie.


"Mary, tutal maaga naman ang uwian ngayon bakit hindi ka sumama samin, bibisitahin namin si Sarah."


"Hindi na okay nako, tsaka magliligpit pako nung mga hinanda ko ehh."


"oo nga pala no, naghanda ka nga pala ngayon para sa bonding nyo ni Sarah. How about si Arthur na lang ang isama mo para hindi naman masayang ang effort mo."
Sabi ni Leslie habang tinutukso ang kaibigan sakin.


Nagbibiro kaba, Siya isasama ko. Okay ka lang.!!?


"Wala ka namang gagawin ngayong araw diba Arthur?"


"Haha hindi na kailangan magliligpit na lang ako"

"Wala naman akong gagawin ngayon kaya siguro pede akong pumunta sa inyo."


Parang hindi niya nainig ang mga sinabi ko at bigla na lang nagdesisyon. Nang-aasar ata to ehh.


"Okay sige alis nako, baka lalo pang lagnatin si babe kakaantay sakin."


Saglit na tumahimik ang kapaligiran. Para nakong mababaliw. Hindi ko ba alam kung may binabalak tong taong to. Sa pagkakaalam ko kasi ehh ayaw ko sa kanya at ganun din siya sakin.


"Anong oras ba tayo aalis?"
Biglang tanong ng loko.


"Ahh...ehh.. sigurado kabang sasama ka, kung napipilitan ka lang pede namang wag ka ng pumunta ehh."


"Hindi ako napipilitan, gusto ko rin namang malaman kung paano namumuhay yung mga kagaya mo."


Isang bagay lang ang narealize ko sa mga sinabi niya. Ininsulto niya ako. -_- Papatunayan ko sa taong to na hindi niya ako pedeng basta na lang laitin.


Nakarating kami sa bahay. Tahimik. Oo nga pala wala si mama at ganun din si kuya. lalo tuloy akong kinabahan ano na lang ang iisipin ng mga kapitbahay kung dalawa lang kami dito ng lalaking to ang nasa bahay.


"Excuse me papasok na po ako"
Paalam ng loko habang nagtatanggal ng sapatos.


"Hindi mo na kailangan magpaalam, wala namang ibang tao."
Sabi ko habang naghahanda ng makakain.


"Ikaw lang mag-isa, medyo malakai ata ang bahay kung para sayo lang."


"Hindi kasama ko ang mama at kuya."

Inikot nya ang mga mata sa paligid ng bahay.


"Malinis at maayos ng bahay. Ayos na para sa apat na tao."

Binigyan ko siya ng inumin at na sandwich.


"Hindi ko alam kung bakit ka sumama pero siguro salamat na din."

"Ano na bang gagawin natin?"


Umakyat ako sa kwarto at ibinaba ang mga DVD ko ng mga anime.


"Eto, balak ko sanang manoon nito kasama ni Sarah."

Sa impresyon pa lang niya, alam kong hindi niya na alam kung ano ang anime.


"Manonood tayo ng cartoons? Ito pala ang ginagawa mo kaya ka ganyan."

"Anong ibig mong sabihin na kaya ako ganit, bakit may mali ba sakin? It isa pa iba ang anime sa cartoons.
Bigla na lang nag-init ang ulo ko. Hindi lang ako ang ininsulta niya maging ang anime. >O<"


"Bakit kaba sumisigaw? Nakalimutan mo na bang bisita moko?"

"Bago mo laitin yng mga hilig ko bakit hindi mo kaya muna subukang manood?"
Mayabang na alok ko sa kanya.


"Wala akong oras para sa ganyang mga bagay at isa pa ayokong magaya sayo na kinukulong ang saili at hindi marunong makisama sa iba."

Wala na ubos na si pasensya...

"Makisama? Alam mo bang sayo ko huling gusto marinig yan"

"oo, hindi ako magaling makisama sa iba pero hindi naman ako kagaya mo na mayabang at mapagmataas."

Halatang nagulat siya sa mga sinabi ko. Bagay lang sa kanya to.


"Kumalma ka nga lang, kung nainsulto ka sa mga sinabi ko hindi kona kasalanan yun."

Aba at sumasagot pa ang lokong to.

"Siguro tama na to para sa araw na ito, makakaalis kana."


Tumayo siya at niligpit ang kinainan. Tahimik rin siyang pumunta sa pinto.


"Alam mo hindi bagaya sa mga babae ang sumisigaw nakakababa yun ng tingin sa kanila ng iba, oo nga pala maraming salamat na rin sa pagkain.


Halos hindi kona inunawa ang mga sinabi niya. Mainit na talaga ang ulo. Galit a galit ako at yun lang ang alam ko.


END OF CHAPTER IV


Ms. Otaku meets Mr. Perfect (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon