Ms. Otaku meets Mr. Perfect X Part II

119 6 2
                                    

CHAPTER X PART II: Out for the Weekend
[Arthur's side of the story]


Badtrip talaga. Nagmuka na nga akong tanga kahapon tapos lalo pa ako binuwiset nung babae sa klase ko. Ganun naba ang mga babae ngayon kung kani-kanino na lang sumasama.


*buzz buzz*

"Arthur, asan ka? Walang kasama si Mary pauwi."

----------end of message-----------

Tsk! Wala nakong pakielam kung ano mang mangyari sa kanya. Ang weird girl na yan ako na nga yung nagmamalasakit tapos ako pa yung iniwan. Ganun ba siya kaclose dun sa idol nayun. Tch!


(The next Morning)

Maaga akong nagising. Nag advance reading ako sa lahat ng mga subject ko. Tapos tsaka ako naligo at kumain.


*buzz buzz*

"Arthur andito kami sa mall tara punta ka rin."


----------------end of message---------------


Mall? Ang aga-aga nagdedate nanaman tong dalawa na to. Wait baka naman kasama nila si Weird Girl. Nagbihis nako and then nagpahatid sa driver papuntang mall. Yeah may kaya kami kaya may driver ako pero hindi ako show off kaya hindi ako nagpapahatid sa campus.


Sa tapat ng Timezone nakita ko sila Sarah at Leslie.

"Arthur andyan kana pala. Tara gala na tayo."
Sabi ni Sarah.

"Tayo lang ba? Si Mary wala?"

I don't know kung bakit ko tinanong yun.


"Kanina pa namin tinetext pero hindi nagrereply ehh."

"Sige tara na, san ba tayo?"

"Kumain muna tayo babes, hindi pako nag breakfast ehh."


Yun nga kahit nakakain nako napilitan ulit akong kumain. Sa restaurant kasi nagyaya si Sarah ehh.


"Magkagalit ba kayo ni Mary?"
Tanong sakin ni Sarah.

"Huh? Hindi. Bakit mo naman natanong?"

"Kahapon kasi hindi kayo naguusap tapos hindi mo pa siya hinatid."


Hala muka na ba akong PA ngayon? Taga hatid na lang ako.

"Medyo nagmamadali kasi ako kahapon kaya umuwi ako agad."

"Ahh, ganun ba. Akala ko naman nagaaway kayo. Medyo matigas talaga yung ulo ni Mary ehh."


Pagkatapos naming kumain pumunta kami sa Clothes district. Itong si Sarah puro sukat hindi naman niya bibilhin lahat. Ako naman pumunta sa Men's clothes. Ayos ang mga damit pang mayaman pero marami na kasi ako nito kaya hindi kona kailangan bumili.

BLAG!!!


Nakita ko yung isang batang babae mukang nalaglag siya dun sa upuan kakaabot dun sa stuffed toy.


"Okay ka lang ba? Nasaktan kaba?"

Tumango lang siya.

"Here, next time magiingat ka ahh. Ask for help kung hindi mo maabot."

Tumayo siya tapos nagbow at nag thank you.


Pag angat ng ulo niya.

O .O
O////O<---her

Kahit bigla siyang tumungo halatang nagbablush siya.

"A..anong ginagawa mo dito?"

"Tinulungan lang naman kita ehh. Ikaw bakit nasa kids section ka? Don't tell me childish ka?"

Lalo siyang namula at mukang napipikon na rin.

"Wala ka ng pakielam dun. Akin na nga yan."
Kinuha niya yung stuffed toy tapos nagsimula na siyang lumakad.

"Hey! Sumama kana sakin nandun lang sila Sarah sa kabilang side."


"Hindi na may kasama ako ehh, Thanks nga pala sa pagtulong mo sakin."
She bowed and left.


Sabihin na lang natin na bored at wala akong magawa kaya sinundan ko siya. Dun siya pumunta sa Ice cream Parlor, she's with someone.

wait....

si....


yun si...

yun yung...

Campus Idol!!

Putek siya nanaman, talaga bang magkaibigan lang sila Ganun ba talaga sila kaclose? Parang date nga tong ginagawa nila ehh. Bakit ba nila tinatago yung relationship nila? Tsk!! Nakakapikon talaga.

Hindi nako nagtagal sa mall tinext ko na lng sila Sarah na mauuna nako. Buong weekend ko badtrip ako. Siguro badtrip kasi pingamuka akong tanga ni weird girl last friday. Ahh basta BADTRIP talaga ako.


EBD OF CHAPTER X PART II

Ms. Otaku meets Mr. Perfect (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon