Ms. Otaku meets Mr.Perfect II

210 9 1
                                    

CHAPTER II: Mr. Perfect


Tuesday na! Maaga nanamang nagsermonang mama. Pagluluto naman ngayon ang inutos niya.

"Wag mong kalimutan yung inutos ko sayo"
muli niyang paalala. Sinulat pa niya ito at idinikit sa refrigerator namin.


Ngayong araw sabay kami ng kuya kong papasok. Si kuya yung tipo ng tao na masungit pero ang totoo ehh mabait.


"Kamusta naman ang first day mo kahapon?"
 
"Eto, medyo naninibago pa rin."

Tumahimik siyang saglit at biglang tumawa.

"Hahaha buti hindi ka pinagtawanan ng mga bago mong kaklase." 

 "Wag kang mag-alala hinding-hindi nila malalaman na magkapatid tayo."
Inis kong sagot sa kanya.


Tahimik kaming pareho na dumating sa school. Hinatid niya ako sa classroom at pagbukas pa lang ng pinto ehh nagkagulo na ang mga kababaihan. Matalino, nirerespeto at pinagkakaguluhan ang kuya ko. Hindi kagaya kong halos walang kaibigan simula pa ng pumasok ako sa school. Kumaway siya at nagpaalam na sa kanila. Pagsara niya ng pinto, tumingin sakin ang lahat. Para akong tinutukan ng 100 baril at sa isang maling kilos ko ehh matatagpuan na lang akong nakahandusay sa daan. Lumapit sakin si Sarah at sabing...


"Ui, kilala mo ba kung sino yun?"

 "Sino? Yun ba? Hindi ko siya kilala nagkataon lang na nakasalubong ko siya."
Lalo akong nanginig sa reaksyon ng mga kaklase kong babae.

"Si Idol yun, isa sa mga sikat na student sa buong campus. Ang swerte mo naman nakasabay mo pa siya."


Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya na swerte ako lalo na't lahat ng mga babae ehh papatayin ako.


Sobrang bagal ng takbo ng oras. Bawat segundo hindi ko maalis na mag-alala. Feeling ko nasa gilid ako ng bangin at anytime pede akong itulak ng kahit na sino sa mga kaklase kong babae. "Nakakainis talaga si kuya, nakakainis, nakakainis!" bulong ko sa sarili.


Habang nagpipigil ng inis ehh biglang may kumalabit sakin.

"Oi, tawag ka ng prof."

Tumalikod ako para tignan kung sino siya. Siya pala yung kahapon nakalimutan ko na kaagad yung pangalan niya. At pagharap ko ulit sa prof hindi ko rin alam ang isasagot sa kanya.

"Sorry po sir, hindi po ako nakikinig."

Nagtawanan ang lahat,  sobra akong nanliit sa sarili ko.

"Ako na lang po sir."
Sabi nang taong kumalabit sakin.


Tinignan ko siya habang walang kahirap-hirap niyang sinagutan ang tanong na para sakin. Nagpalakpakan ang lahat, maging ang professor namin ay nabilib. Naalala ko tuloy sa kanya si Kei Takishima nang S.A. May appeal, matalino at sikat.


Nung nag-end yung subject sinubukan kong kausapin siya. First time kong kumausap ng lalake, pwera na lang sa kuya ko.


"Salamat kanina ahh"
Nakangiti kong sabi sa kanya.

Tumingin siya sakin mula sa librong binabasa.

"Hindi ko ginawa yun para sayo."
sabay balik sa binabasa.

"Isa pa nga pala, kung magdedaydream ka lang dito, wag kana lang pumasok."
pahabol pa niya.

Grabe ang sungit niya. Hindi pala siya katulad ni Kei, iba sila, ibang-iba.


Natapos ang klase, walang pinagbago ang mga babae ay tutok ang mga mata sakin at yung mayabang na tao sa likod ko nagbabasa pa rin. Nagpaalam nako kay Sarah. Magkahalong pagod, inis. kahihiyan at lungkot ang nararamdaman ko. Pagdating sa bahay nahiga ako at nagpahinga. Masama ang pakiramdam ko, ang katawan at ul ko ay hindi gumagalaw ng maayos. Matutulog nako at sana hindi nako magising, o kaya naman mapunta ako sa mundo ng mga ANIME.

"Mary, asan na ang pagkain!?" Ito ang mga huling salita na narinig ko bago ako makatulog.

END OF CHAPTER II

Ms. Otaku meets Mr. Perfect (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon