Ms. Otaku meets Mr. Perfect VII

120 6 1
                                    

CHAPTER VII: revealed truth


[Arthur's side of story]

Ramdam ko yung init ng katawan niya. This girl, ganun ba talaga siya ka desperate na pumasa. Nung nakarating kami sa bahay nila nakita ko yung mom niya. She looks very worried then nung nakita niya kami tinulungan niya akong dalin si weird girl sa kwarto nito.


"Mary, anak can you hear me? M-mary c-c'mon wake u-up"
Her mom cried.


"Umm... Mrs. Villegas, calm down she's gonna be okay."

"S-sabi kona k-kasi sa kanya wag na s-siyang pumasok ehh p-pero tinakasan n-niya ako."

Yung expression ng mom niya sobrang nakakaawa. Nagpapanic siya at the same time naluluha.

"Tutal kaibigan ka naman ni Mary, pede mag stay ka muna dito kukuha lang ako ng pamunas niya."


"Sige po, ako na po munang bahala."


Her mom left us.By that time nagkaroon ako ng time para ilibot ang mga mata ko sa loob ng kwarto niya. Medyo maliit pero tama ang sa kanya kasi medyo maliit nga siya.


I looked at her, she was breathing hard at sa face expression niya halatang hirap siya. You don't know how happy I am na nakikita siyang nahihirapan.


"What's taking her mom so long?"
I ask to myself.


Sa kada segundong lumilipas hindi ko alam kung natutuwa paba akong nakikita siayng naghihirap. And after a minute bumigay din ako. Kinuha ko yung panyo sa bulsa ko then pinunasan ko yung muka niya. Nagulat na lang ako nung bigla niyang hinawakan yung kamay ko. I tried pulling my hand alittle but she won't let go.


"What the... Hey let go weird girl."

She still won't let go. Her hand was so hot, parang niluluto nya yung kamay ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya. Tapos bigla na lang siyang nagsalita.


"p-papa p-please don't let g-go."

I don't know why pero I held her hand back. Mas lalo ko tuloy naramdaman yung init niya. Finally her mom was back. May dala-dala siyang water and face towel.

"Umm... bibihisan ko lang muna siya dun kana lang muna sa baba may hinanda akong pagkain dun."


"Aalis na lang po ako, salamat na lang po."

"Tumawag yung classmate niyo, Sarah ata yung pangalan sabi ko hinatid mo si Mary dito at kung pwede daw ehh hintayin mona sila dito."


I forgot dito rin nga pala ang punta namin so I decided to stay and wait for them. After 20 minutes bumaba yung mom niya to accompany me.


"Salamat nga pala sa paghatid mo sa kanya dito."


"Wala po yun. Kahit sino naman po siguro gagawin yun."

Actually I lied about that kung iba siguro ang nakakita hahayaan lang siya na mahimatay.


"Natutuwa talaga ako na nakahanap siya ng kaibigan na kagaya mo."


"Umm.. Mrs. Villegas if you don't mind me asking bakit po ba nagkaganyan siya?"

Her mom looked down and started explaining.


"Hindi naman talaga siya ganyan dati, nagsimula lang yan nung nagnine siya. Hindi siya nagsasalita at iniiwasan nya kaming lahat kinukulong niya yung sarili niya sa kwarto. Akala nga namin tuluyan niya na kaming hindi kakausapin pero buti na lang nagbago siya kahit na kami man lang ehh kinakausap niya na.'


"ano po bang nangyari?"


"She was a daddy's girl, lagi siyang nakabuntot sa papa niya, kaya naman nung namatay ang papa niya nahirapan siyang maka move-on. It took her 2 years before niya marealize na hindi na talaga babalik ang papa niya. Pati studies niya naapektohan."


"Sinubukan niyo po ba siyang kausapin?"


"Actually ayaw naming pag-usapan ang papa niya sa harap niya. Natatakot kami na baka bumalik siya sa dati at tuluyan niya ng ilayo ang sarili niya sa iba."


So meron naman pa lang reason kung bakit ang weird niya.


"Salamat talaga at mukang inaalagaan mo ng mabuti si Mary kahit na minsan mahirap siyang pakisamahan."


"Walang anuman po yun, wag po kayong mag-alala magiging mabuting kaibigan po ako sa kanya."


Hindi kami friends pero okay lang siguro na tulungan kong magbago tong taong to.

Hours pass and sa wakas dumating din sila Sarah at Leslie. Binatok-batukan ako ni Sarah habang naiiyak.


"Pinag-alala niyo ako sana man lang naisip mo na sabihan kami bago ka kumikilos mag-isa."


Inawat ni Leslie ang girlfriend at pinatahan.


"Maraming salamat sa pag-aalaga niyo sa anak ko."


"Wala po yun tita wag po kayong mag-alala hinding hindi namin siya pababayaan."
Sabi ni Sarah habang hawak-hawak ang kamay ng mom ni weird girl.


Tapos naming magmerienda we decided to go home. Ayaw pa sana ni Sarah kaso pagagalitan siya ng papa niya pag hindi pa siya umuwi.


Hindi naman pala ganun ka weird yung babaeng yun ehh. Sa totoo lang interesting ang background niya. Sa wakas may magagawa na rin ako para hindi mabagot. Malaking challenge din ang baguhin ang isang loner na kagaya niya.

END OF CHAPTER VII

Ms. Otaku meets Mr. Perfect (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon