Ms. Otaku Meets Mr. Perfect XIII

87 6 1
                                    

CHAPTER XIII: Days without HER
[ Arthur's Side of Story ]

Tapos na yung game sa wakas. Medyo madali lang yung mga laban kasi puro starters pa lang sila. Player nako since high school kaya naman may advantage ako sa mga kalaban ko. 

"Arthur pwedeng magpapicture kasama mo? Sige na please."

"Sorry miss, nagmamadali kasi ako ehh. Next time na lang."

Wala bang matinong babae sa school na to? Teka asan naba yung babaeng yun? Diba niya tinapos yung game?

"Excuse me miss, nakita mo ba kung asan yung babaeng nakaupo dito kanina?"

"Umm... yung girl na kausap mo kanina? Wait girl friend mo ba yun Arthur?"

"No, friend ko lang siya. So nakita mo ba kung saan siya pumunta?"

"Kasama siya ni Miko, grabe kakainggit nga ehh parang close na close sila."

Miko? Sino naman yun? Sinabi ko naman sa kanyang tapusin nya yung laban ko diba? May mas mahalaga paba dun, bakit niya ba sinusuway ang utos ko!?


Pumunta ako sa kabilang building para samahan si Sarah manuod ng laban ni Les. Pagdating ko wala din dun si weird girl.

"Oh? Bakit ikaw lang, asan si Mary?"

"Tsk! Ewan ko sa babaeng yun. Bigla bigla na lang nawawala."

"Dika ba niya pinanuod?"

"Aba ewan, malay ko ba kung pumunta lang siya dun para kitain yung Miko na yun."

"Miko?"

"Diko nga kilala eh, tsk! Nakakainis di talaga siya marunong sumunod sa utos ko."

"Sure kabang Miko yung name nung kasama niya?"

"Yun yung sabi nung isang babae, Sino bang Miko yun?"

"Kung kilala siya ng mga babae dito sa campus malamang yung Campus Idol na si Miko yung tinutukoy mo."

Campus Idol? Yung madalas na kasama ni weird girl. Grabe talaga yung babaeng yun, mahilig ba talaga siyang dumikit sa mga sikat na tao. Tsk.

3rd day na ng Sports Fest, di rin namin gaano nakakasama si weird girl dahil bigla na lang siyang nawawala after class. Nagmamadali rin siya tuwing lunch.

"Hinay lang sa pagkain friend, baka mabulunan ka niyan."

"so..y pas..ya.."

"Lunukin mo nga muna yan, masama magsalita pag may laman pa yang bibig mo." ~ Arthur

*swallows* " Sorry."

"Bakit kaba kasi nagmamadali? May lakad kaba?"

"Hayaan mo na siya Sarah, mukang nag-eenjoy naman siya sa ginagawa niya ehh. Tsk!"

She glared at me tapos nagpatuloy siya sa pagkain.

"Baka di nako makasabay mamayang uwian, malelate kasi ako ng uwi mamaya."

"Pero delikado umuwi ng mag-isa, isama mo na lang si Arthur."

As if namang sasamahan ko yang babaeng yan pagkatapos niya akong iwan nun.

"Wag mo na siyang intindihin Sarah, baka naman kasi susuduin na siya nung Miko."

She looked at me with that puzzled face.

"Magpapasundo na lang ako sa kuya ko, kaya di na kailangan."

After lunch dina namin nakasama si weird girl. Pinanuod lang namin yung laban ng section namin tapos nag-uwian na rin kami kaagad.

*ting*
[ 1 message received ]

"Dude may tanong ako sayo?"

"What?"
[ Message sent ]

[ 1 message received ]

"Gusto mo ba si Mary"

What the heck!? Anu bang pinagsasabi nitong lokong to.

"Les, may sira kana ba? Anu namang magugustuhan ko sa weird girl na yun!"
[ Message sent ]


[ 1 message received ]
"Tanong lang naman dude, Haha wag masyadong mainit ulo."

Diko na siya nireplyan. Kainis talaga pag naaalala ko yung babaeng yun. Bukod tangi siya sa mga babaeng nakilala ko. Siya lang ang hindi marunong sumunod sa utos ko.

END OF CHAPTER XII

Ms. Otaku meets Mr. Perfect (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon