Ms. Otaku meets Mr. Perfect III Part I

198 7 2
                                    

CHAPTER III PART I: He's not so perfect

"Late nako! Late nako!" 


Sigaw ko habang tumatakbo pababa ng hagdanan. 


"Mary, Huwag kang tumakbo, ano kaba...." 


Gusto ko pa sanang taousin ang sermon ni mama, kaso late na talaga ako. HIndi ko namalayang quarter to 7 na nakakainis. Pagdating ko sa gate ng school, nakita ko rin si Sarah na tumatakbo. Late siya buti na lang hindi talaga ako nag-iisa.

"Sarah, teka lang sabay natayo."
Sabi habang hingal na hingal sa pagtakbo.

"Ohh, Mary bakit ka nagmamadali?"

"Ano kaba late na tayo. Malapit ng mag-bell."

tumawa siya at binatukan ako.


"Magsi six-thirty pa lang, ano bang pinagsasabi mo?."

Tinignan ko ang relos ko, 6:30am  pa nga lang, INIS!


"Hahaha, oo nga noh."


Alam kona kung sinong nag-advance ng orasan ko sa kwarto, si kuya nanaman! >o< 


Pumasok kaming dalawa ni Sarah sa classroom, tahimik lang ako pero siya hindi maka get-over sa nangyari kanina. Tumabi ako kay Sarah ngayon, malayo sa inupuan ko dati kung saan nandun na yata ang pinaka mayabang na student, si... hindi ko pa rin talaga maalala. Pag-upo ko pa lang sinimulan ko na ang assignment na nakalimutan ko ring gawin. MATH! ito na siguro ang subject na kahit anong gawin kong pagsisikap ehh wala akong napapala. Hihingi na sana ako ng tulong kay Sarah...


"Sarah, okay ka lang?"

"May assignment kaba sa Math?"

Patay wala rin siyang gawa, galing talaga kahit sa mga ganitong sitwasyon hindi niya ako iniiwan.


"Wala rin ehh, akala ko nga may gawa ka."

Pareho kaming nagtawanan sa kapalpakan naming dalawa.


"Alam ko na bakit hindi nating subukan kumopiya kay Arthur, mabait yun siguradong pakokopiyahin niya tayo."

Pamilyar yung pangalan pero hindi ko maaalala kung sino yung Arthur.


"Ahh... sigurado kaba, o sige tara na bago pa dumating ang Prof."


Lumakad kami ni Sarah papunta sa bandang dulo ng classroom, papunta sa dati kong pwesto, papunta sa lalaking pinaka mayabang.


"Arthur, pakopiya naman ng assignment."
nakangiti pang sabi ni Sarah sa kanya.

"Wala kang gawa Sarah? Haha sabi ko na nga ba ehh. Sige wait lang."
Kinuha niya ang notebook at iniabot kay Sarah.


"Salamat ahh, bait talaga. Sige balik ko na lang sayo pagkatapos"

Hindi nako nagsalita, ibang klase ang taong yun. Bigla bigla na lang siyang nagbabago.Tinignan ko siya ulit, nagulat talaga ako ng makita kong nakatingin din siya sakin. Sumenyas siya sakin, pinapalapit niya ako. Wala akong magagawa, ayaw ko ng kaaway kaya lumapit naman ako.


"Ikaw yung kahapon diba?"

"Umm.. siguro nga ako yun"
haha baka maruning ding mag-sorry toh.

"Bakit kapa pumasok?"
Emotionless niyang tanong sakin.


Tama bang tanungin moko nyan, nakakainis!

"Ah... ehh..."
Hindi nako nakaagsaita..

"Tapos ngayon, wala kaang gawang assignment. Sigurado kabang gusto mong mag-aral?!"


Hindi koba alam kung nang-aasar siya, o gusto niya lang talagang maging katulad ng mama ko. Umalis na lang ako, hinayaan ko na lang namagsalita siya nang kung ano.

NAKAKAINIS!!

Hindi ko kinopya ang assignment ng napaka ubod ng yabang na Arthur na yun. Inalala ko ang pangalan niya isusulat ko siya sa DEATHNOTE. Sana lang talaga may powers yung DEATHNOTE ko.


END OF CHAPTER III PART I


 

Ms. Otaku meets Mr. Perfect (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon