Ms. Otaku meets Mr. Perfect VIII

123 7 1
                                    

CHAPTER VIII: Thankful, guess not

*yawns*


"Hmmn... anong ginagawa ko dito?"

Natagpuan ko ang sarili ko sa kwarto. I have no idea kung paano ako nakarating dito. Ang pagkakatanda ko kasi ehh tumakas ako para pumasok sa school. I check the time it's 8:30pm. Lumabas ako ng kwarto at pumunta ng salas. Dun nakita ko si kuya busying busy sa panonood ng tv.


"Hey! Si mama?"

Tinignan niya lang ako tapos bumalik sa panonood ng tv.


"She's in the kitchen, naghuhugas ata ng plato."

"Thanks."

"Ayos naba pakiramdam mo? Sabi ni mama tumakas ka daw."

"Bakit nag-alala kaba sakin?"

I was teasing him pero medyo iba yung mood ngayon ni kuya, wala siya sa mood makipaglokohan.


"Tigilan moko sa mga kalokohan mo. Wag mo ng ulitin yun ahh.

I just smiled at him tapos pumunta nako sa kitchen. Dun nakita ko si mama na kakatapos lang maglinis.

"Ma, I'm sorry kung nag-alala ka."

She hugged me tight.

"Wag ka na uling tatakas ahh, pinag-alala mo talaga kami ng kuya mo."


I know magiging dramatic nanaman to, kaya medyo nagpatawa na lang ako.

"Si kuya nag-alala parang di naman."

"Ikaw naman parang di mo naman kilala yun, ganun lang talaga yun pero nag-alala talaga yun. Tsa oo nga pala wag mong kalimutan magpasalamat dun sa friend mong naghatid sayo dito ahh. Malaki ang utang na loob natin sa kanya dahil hinatid ka niya dito nung nahimatay ka."

Wait! May naghatid sakin?


"Ma, tinanong mo ba yung name niya? Babae ba siya?"

Ngumiti lang si mama ng nakakaloko.

"Yung naghatid sayo dati dito. Ikaw hindi mo sakin sinasabi na ganun pala yung mga tipo mo ahh."

Na-shock talaga ako sa sinabi ni mama. That means ang mayabang na si Arthur ang naghatid sakin.

"Ma, hindi kaba niya pinagsalitaan ng masama."

"Ano kaba  nak, he wants to be friends with you and actually boto ako sa kanya para sayo."

"Ano kaba ma!! Atsaka ano po bang pinagsasabi niyo, wala akong gusto dun no."


Nakakaasar talaga si mama mabibinat ata ako sa mga pinagsasabi niya.

The next day hinatid ako ni kuya. Kahit anong tanggi ko ayaw niyang pumayag na pumasok ako mag-isa. Hay naku magreready nanaman akong pagtinginan ng mga kababaihan.

"Sige bye na, kita na lang tayo mamaya."

He kissed my forehead tapos kumaway at umalis. Buti na lang at hindi niya nako pinagbuksan ng pinto kung hindi makikita ng mga kaklase kong babae kung paano siya nagpaalam sakin. I was about to open the door nung biglang may humawak sa doorknob mula sa likod ko.

"Good Morning."

Boses pa lang kilala ko na kung sino.

"A-arthur b-bakit may kailangan kaba?"

"akala ko mahiyain ka pero look kung sino yung naghatid sayo."

"Kung wala kang kailangan buksan mo na yung pinto para makapasok na tayo."

Hindi niya binuksan yung pinto instead kinukulit niya ako about kay kuya.

"anong relasyon niyong dalawa, nililigawan kaba nun o baka ikaw yung nanliligaw sa kanya?"

"Anong pinagsasabi mo? Tabi nga kung ayaw mong pumasok ako na lang."

Tumahimik siya tapos binuksan niya yung pinto.


Nung time na para mag lunch nagplano na kami nila Sarah na kumain sa favorite spot namin. Ang kaso humirit nanaman tong si Arthur.

"Hey! Sarah hindi muna kami sasabay nitong si Mary."

"Huh? Bakit anong gagawin niyo?"

Bwisit na lalaki to bakit niya ba ko dinadamay sa mga kalokohan niya.!!?

"Diba hindi siya nakapagreview yesterday? Naisipan kong tulungan siyang magreview ngayon tutal wala naman akong ginagawa."

"Well oo nga sige Mary, Arthur una na kami."

Tatakbo na sana ako para habulin si Sarah nung bigla akong hinila ni Arthur.

"Ano bang ginagawa mo? Tsaka hindi naman ako pumayag na magreview kasama ka ahh."

"Wag ka na ngang umangal. Diba desperate kang pumasa? Tinutulungan na nga kita ehh."

He's got a point. Kaya nga ako pumasok kahapon kahit halos mamatay nako ehh para lang makapagreview.

"Teka kaya ko namang mag-review mag-isa ehh, hindi mo na ako kailangan samahan. Tsaka bitawan mona nga ako."

"Hindi masayang mag-aral mag-isa."

Natahimik ako sa sinabi niya. Tama siya hindi nga masayang mag-aral mag-isa.

Pagdating namin sa library pinagtitinginan kami nung mga students dun. Well issue syempre masama nanaman ang tingin nila sakin dahil kasama ko yung mayabang nilang prinsipe.

"Tell me ano ba talagang relasyon mo dun sa campus celebrity na yun at napaka close niyo?"

"Diba nandito tayo para mag-aral?"

"Sagutin mona kasi yung tanong ko para makapagsimula na tayo."

"We knew each other as long as I can remember. Ano masaya kana pwede mag-aral na tayo?"


I know hindi siya kuntento dun sa sagot ko pero wala na siyang nagawa kundi turuan nako.

"Bakit moba ginagawa to, siguro natauhan ka dun sa sinabi ko sayo noh?"

"Ha? Bakit masama nabang tumulong ngayon?"

"I mean mayabang ka atsaka selfish pero ngayon para kang ibang tao may sakit kaba?"

"Ikaw na nga tong tinutulungan ikaw pa may ganang magsimula ng away."

"Curious lang naman ako ehh. Siguro may nakaaway ka tapos pinakulam ka niya."

"So, pinakulam moko?"

Para niyang sinabi na ako lang ang kaaway niya. -_-

"Tsaka magkaibigan naman tayo kaya walang masama kung tulungan kita."

What!! Anong magkaibigan? Nababaliw na ata to ehh.

"Kung pinagti-tripan mo lang ako mabuti pa tumigil kana. Wala ka namang mapapala ehh."


Hindi na siya nagsalita kaya naman balik aral na kami. Well magaling naman siyang magturo kumpara sa teacher ko na halos pasabugin ang ulo ko pero sa huli wala rin akong naintindihan sa mga pinagsasabi niya.

"Thank you ahh."

"Hmm... May manners ka rin pala no? Bakit kaya hindi kana lang magpakanormal araw-araw."

Bwiset pinasalamatan mo na nga ng aasar pa.

"Marunong din naman akong tumanaw ng utang na loob kahit sa mga kagaya mo."

Akala niya hindi ko siya gagantihan. UTOT niya!!

"Tara na nga andami mo pang sinasabi ehh."

Yun na nga pinuntahan na namin sila Sarah. 30 minutes pa bago ang next subject . 30 minutes para huminga ng malalim at makaiwas sa mayabang nato.


END OF CHAPTER VIII

Ms. Otaku meets Mr. Perfect (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon