2

385 28 12
                                    

"Anino... Anino!" tawag ng isang boses na simula pa noong kanyang pagkasilang ay tinadhana nang kanyang kamuhian. Minulat ni Anino ang kanyang mga mata at bumungad ang isang pamilyar na mukha dahil ito rin ay kanya. Ang mukha ng kanyang kakambal na si Arao, ang diyos ng init at apoy.

"Wag mo akong guluhin!" sigaw ni Anino at dali-daling lumayo sa kanyang kakambal na patuloy pa rin ang pagsunod sa kanya. "Peste ka!"

"Kailan kaya magiging mabuti sa akin si kambal?" sambit ni Arao na animo'y isang batang nagpapaawa. Nadismaya si Anino dahil hindi bagay kay Arao ang magbata-bataan. Kumpara sa kanya, mas malaki ang pangangatawan nito.

"Lubayan mo ako! Grrrr!" inis na sigaw ni Anino at nagpakawala ng pwersang nagpaatras ng bahagya kay Arao pero imbes na masindak ay natawa lang ito.

"Sobrang pikon ka talaga, kambal! Hahaha!" malakas na halakhak ni Arao.

Sa isang iglap ay nawala si Arao at ang tagpong iyon. Isang nakalimutang alaala. Isang alaala noong naninirahan pa si Anino kasama ng iba pang mga diyos at diyosa sa Puso ng Kalikasan, ang tahanan ng mga pinagpala ni Inang Kalikasan.

Nagiba bigla ang paligid at humarap sa kanya ang isang babaeng may mahaba at tuwid na buhok. "Okay ka lang?" tanong nito. Ang kanyang magandang mukha at puno ng pag-aalala.

Umiling si Anino. "A-Ayos lang ako." kanyang pagsisinungaling kahit nanghihina at masakit ang buong katawan. Napangiti siya. Ganito pala ang pakiramdam ng may nagmamalasakit. Simula kasi pagkabata ay wala siyang naranasan kundi kalungkutan at pag-iisa.

"Um-" may nais sabihin si Anino pero hindi niya alam kung paano sisimulan at dahil na din sa hiya.

"Bakit... May masakit ba?"

Napakaamo ng mukha ng babae at sadyang nakakahalina. Hindi na palalampasin ni Anino ang pagkakataon upang maipakita niya ng kanyang nararamdaman. Nagkaroon siya ng lakas na lood at biglang niyakap ang babae.

"Napaka-espesyal mo sa akin..." hayag ni Anino.

Nawala na naman ang tagpong iyon. Isa ding alaala. Pero kaninong alaala? Sa pagkakatanda ni Anino, hindi niya kilala ang babae ngunit taliwas ang sinasabi ng kanyang puso. Kahit itanggi sa sarili, hindi niya maikakaila na kanyang alaala nga ito. Naguluhan si Anino. Ano bang mga alaala ito, bakit sila nagsisibalikan?

***

"Sa wakas gising ka na." sambit ng nagsasalitang itim na pusa na kanina pang pinagmamasdan si Anino sa pagtulog nito.

"Nasaan ako - Ugh!" babangon sana si Anino sa kanyang pagkahiga pero pinigilan siya ng sakit ng sugat sa kanyang tiyan.

"Huwag ka munang gumalaw." saway ni Itim.

Hindi na nga gumalaw si Anino pero nilibot ang tingin. Napapaligiran sila ng mga naglalakihang mga bato na animo'y hinukay mula sa kailaliman ng lupa.

"Nahimatay ka kanina. Marahil sa sobrang pagod at panghihina." sabi ni Itim. Ang purong dilaw na mga mata nito ay nakatingin kay Anino. Kahit mga mata ng hayop man ito, ramdam ni Anino ang tingin na may pagaalala. Hindi niya masabi kung bakit napakapamilyar sa kanya ng pusa na para bang matagal na niyang kakilala ito. Magkahalong emosyon din ang kanyang nararamdaman dito na hindi niya maintindihan. Magkahalong saya na may pangungulila at inis kasama ng pagkasuklam. Pero sa dalawang emosyon, mas nangingibabaw ang pagkasabik na makapiling ito.

"Sino ka?" tanong ni Anino.

Hindi sumagot si Itim dahil nasa iba ang atensyon nito bigla. Nakatuon ang tingin nito sa isang butas sa pagitan ng mga bato. Tumingin din si Anino at nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa pagkamangha.

ANINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon