Hindi malaman ni Rose Quartz ang kanyang gagawin. Dapat ay nagsisigaw na siya at tinatawag ang mga sundalo ni Heneral Azur upang hulihin ang taksil na si Anino. Ngunit, he'to siya at pinagmamasdan lamang ang nagpapahingang lalaki sa kanyang higaan.
Kalunos-lunos ang itsura ni Anino na halos wala nang suot dahil sa pagkakasunog ng damit nito. Pinaghalong gasgas, pasa at sunog na balat ang makikita sa buong katawan nito. Kapansin-pansin din ang sugat nito sa tiyan na ngayon ay natatakloban ng tuyong dugo at maari sa isang marahas na galaw lamang ay magsisimula na naman itong madugo.
Napahinga ng malalim si Rose Quartz at umiling. Marahil nababaliw na siya at wala sa sarili pero taliwas na naman sa inaasahan ang kanyang gingawa ngayon. Dahan-dahan siyang lumapit kay Anino at dinampi ang kanyang nanginginig na kanang kamay sa malamig na noo nito. Pumikit siya at ang kanyang buong katawan ay nagliwanag habang ang kristal ng rose quartz na kanyang taglay ay lumabas sa kanyang kaliwang palad. Unting-unting gumaling ang mga sugat at galos ni Anino. Bumalik ang dating kisig at lusog ng katawan nito.
Nang saglit na mapatingin si Rose Quartz sa ngayon ay maaliwas nang mukha ni Anino at pangangatawan nito, siya ay namula dahil hindi niya mapagkakaila ang gwapong mukha nito at magandang hubog ng katawan. Nagkataon pang sira-sira ang damit nito. Dali-daling kumuha ng kumot si Rose Quartz pero natigilan siya nang makita ang sugat nito sa tiyan. Hindi pa rin ito gumagaling.
"Hindi ito pang karaniwang sugat." sambit ni Rose Quartz sa sarili.
Tiningnan niya ito ng malapitan. Isa itong sugat dahil sa isang saksak pero lumaki na ang hiwa dahil sa paulit-ulit na pagdurugo at sa tagal nang hindi pagkakagaling.
"Kaya ko kayang pagalingin ito?" bulong niya.
Buo ang kanyang tiwala sa sarili at sa hiyas na taglay. Alam niyang itong kanyang kakayahan ay nanggaling mismo sa kapangyarihan ng diyosa ng buhay at pagkalinga na si Sibol. Hindi maitatanggi ang malakas na kapangyarihan nito.
"Bakit ko ba ito gagawin para sa iyo?" tanong ni Rose Quartz habang nakatingin kay Anino na mahimbing na natutulog. Hindi niya malaman ang dahilan kung bakit niya nais pagalingin ang lahat ng sugat ng dating diyos na kinamumuhian ng lahat. Pero hindi niyang magawang magalit dahil sa kung anong dahilan, pakiramdam niyang kilalang-kilala niya ito at hindi kailanman nito magagawa ang paratang dito.
Pinatong ni Rose Quartz ang kanyang dalawang kamay sa ibabaw ng sugat sa tiyan ni Anino. Mataimtim niyang hiniling sa hiyas ng rose quartz ang paggaling ng sugat. Muling nagliwanag ang buong katawan niya at unti-unting nagsasara na ang sugat. Ngunit hindi nga ito pangkaraniwang sugat, isa itong sugat mula sa isang punyal na may malakas na sumpa. Isang sumpa na may kakayahang gawing isang tao ang isang diyos. Ito ang sugat na puno't dulo kung bakit naging tao si Anino!
Namutla si Rose Quartz at namawalan ng malay dahil hinigop ng sugat ang kanyang buong lakas at ito ang unang pagkakataon na kailangan niyang gamitin ang purong kapangyarihan ng rose quartz.
***
Sa pagkawala ng malay ni Rose Quartz, dali-dali siyang sinalo ni Anino na nagising dahil sa lakas ng pwersang naramdaman sa kanyang sugat na ngayon ay isang peklat na lamang.
Hindi mapigiling maiyak ni Anino sa saya dahil sa wakas ang sugat na kanyang tinitiis ay gumaling na. Sobrang gaan na ng kanyang pakiramdam na para bang nabunutan siya ng isang malaking tinik.
"Salamat... Salamat." paulit-ulit na sambit ni Anino kay Rose Quartz habang yakap-yakap ito. Hindi rin nagtagal ay nakatulog muli si Anino sa tinding gaan ng pakiramdam. Ito ang unang pagkakataon na makakatulog siyang may ngiti sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
ANINO
FantasySa isang iglap nabago ang mundong kinagisnan ng lahat. Nasira ang natural na harang na naghihiwalay sa mundo ng mga tao at ang mundo ng mga elemental na nilalang. Nagsimula din ang paghahasik ng lagim ng mga manankop galing sa kalawakan. IIsa lamang...