20

171 22 13
                                    

Mabigat ang loob at walang ganang nakarating sa tuktok ng bundok si Clyde. Walang tigil sa hagulgol sina Bonnie at Mayumi. Si Ryle naman ay wala sa sarili at tulala.

"Umayos kayo! Hindi ngayon ang panahon para paghinaan ng loob! Gumalaw na kayo at ihanda ang ating magiging kampo!" utos ni Heneral Azur. 

"So ganun na lang? Wala lang na PATAY NA SI MILO!?" galit na galit na sigaw ni Clyde. 

"BAKIT MO AKO SINISIGAWAN, BATA KA!" ganti ng heneral na naubusan na ng pasensya at bumuga ng nyebe. 

Natumba patalikod si Clyde pero agad na tumayo at bumuga naman ng apoy para gumanti.

Nailagan ito ni Heneral Azur at mabilis na bumuo ng malaking espada na gawa sa yelo. "GINAGALIT MO AKO! KAILANGAN MONG TURUAN NG LEKSYON!" Handa na siya sa pagsugod pero biglang may humarang na malapad na pader  sa pagitan nila ni Clyde. 

Ginamit ni Mayumi ang hiyas ng emerald ayon sa payo ni Itim. Tumalon ang pusa sa itaas ng pader at tumingin pababa kay Heneral Azur. "Pumapatol sa bata?" anito at umiling. 

Nagngitngit ng inis ang heneral pero kinalma ang sarili. "Sa isang giyera, normal na sa isang kawal ang kamatayan. Kung mahina ka, ikaw ang talo."

"ANONG IBIG MONG SABIHIN MAHINA SI MILO?!" tutol ni Bonnie. Nasa dulo na siya ng kanyang pagtitimpi sa pagmamaliit ng heneral kay Milo. Ang natitirang respeto at paghanga nito ay tuluyan nang nawala. Buti na lang siya ay yakap-yakap ni Mayumi dahil katulad ng kanyang kakambal hindi siya magdadalawang isip na labanan ang heneral. 

"Totoo namang mahina siya. Hindi ba't siya ang unang namatay?" walang emosyong sagot ni Heneral Azur. 

Lubos na ang galit ni Clyde. Hindi na rin nakapagtimpi si Mayumi at tinanggal ang pader na lupa para harap-harapang mabugahan ng apoy ni Clyde ang heneral sa mukha. Mabuti at mabilis na nakatalon mula sa pader si Itim.

"AARRGGH!" sigaw ni Heneral Azur at napapikit dahil sa nasunog na mukha. Hindi nito inaasahan ang biglaang atake at natumba patalikod. Para mawala ang sakit ng pagkakapaso, agad niyang binalutan ng yelo ang mukha. 

"MAHINA? SINO NGAYON ANG MAHINA?!" puno ng emosyong sigaw ni Clyde at handa nang bugahan ng apoy ang nakahigang heneral. 

"CLYDE, TAMA NA!" saway ni Itim. "Alam ko ang nararamdaman ninyo ngayon pero hindi sagot ang karahasan. Huwag kayong magpadala sa galit."

"Pero - W-Wala na si Milo." nanginginig na boses ni Clyde at muling umiyak. 

"PASAWAY KANG BATA KA!" sigaw ni Heneral Clyde at kinuha ang pagkakataon ang pagluluksa ni Clyde upang hawakan ito sa leeg pataas at sakalin. 

"CLLLYYDDEE!" naalarmang sigaw ni Bonnie at dali-daling nagpalutang ng isang malaking bato at pinatalsik sa heneral. Saktong natamaan ang ulo nito at nahimatay. 

Upang hindi makagalaw ang heneral, nilibing ni Mayumi si Heneral Azur sa ilalim ng lupa. Tanging ulo lang nito ang nakalabas para makahinga.

Naghabol ng hiniga si Clyde. Dali-daling inalalayan ni Bonnie ang kakambal. "Okay ka lang, Clyde?" natatarantang anito.  

Tumango si Clyde. 

"May pagkadalos-dalos din itong Azur. Naturingan pa namang heneral." dismayadong sabi ni Itim. 

"C-Clyde. Bonnie..," tawag ni Ryle. Nakayuko ang kanyang ulo at nahihiya. "Kasalanan ko."

"Oo kasalanan mo!" sagot ni Clyde sabay suntok sa mukha nito. Kay Ryle naman niya tinuon ang galit. "Bakit mo laging minamaliit si Milo. Tapos ngayon, namatay siya para lang iligtas ka! ANG KAPAL NG MUKHA MO!" Hindi nanlaban si Ryle at tinanggap ang pagbubugbog ni Clyde. 

"CLYDE, TAMA NA!" muling saway ni Itim at pumagitna sa dalawa. "Walang patutunguhan ang sisisihan!"

Nanghihina man sa sobrang lungkot na nararamdaman, nagsimulang maglakad si Bonnie pababa ng tuktok ng bundok. 

"Bonnie, saan ang punta mo?" tanong ni Itim. 

"Hindi deserve ni Milo ang kanyang pagkamatay pero lalong hindi niya deserve na maiwan lamang sa ilalim ng bangin ang kanyang katawan. Karapatan niya ng disenteng libing." Takot man sa makikitang kalunos-lunos na kalagayan ng bangkay ni Milo, desidido si Bonnie na hanapin ang katawan nito.

Hindi na kailangan pang yayain ni Bonnie ang kakambal dahil agad na sumunod si Clyde. Luminagon si Mayumi kay Itim. Tumango ang pusa at sinamahan nila ang magkapatid.

Pinilit ni Ryle na tumayo at tiniis ang sakit ng katawan dahil sa pagbubugbog ni Clyde. Dahan-dahan siyang naglakad upang sumunod sa paghahanap kay Milo. 

***

Labag sa loob ni Rose Quartz ang sumama papuntang Kabundukan ng Yelo. Pinilit niya ang sarili na magsuot ng isang pink na jacket at fur boots.  Nauna na sina Dios Apoi at Amethyst papunta sa kabundukan. Sinadya niyang magpahuli. Napa buntong-hininga na lang siya habang nakasakay sa bula ni Aquamarine.  Batid kasi niya na pansariling interest lamang ang dahilan ni Dios Apoi sa paghahanap ng hiyas ng diamond.

"Oh, bakit malungkot ka?" 

"HUH?!" Nagulat si Rose Quartz nang bigla na lang katabi na niya sa loob ng bula si Anino. Nakasuot ito ng itim na coat at boots. "ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Mabilis siyang lumayo pero dahil pabilog ang bula ay kusang bumabalik sa gitna ang kanyang katawan. 

"Naiilang ka pa ba sa akin?" natatawang tanong ni Anino at bukas-palad na inihanda ang sarili para yakapin si Rose Quartz.

 "Tuso at bastos! Diyos ka talaga ng dilim!" sigaw ni Rose Quartz at pinagpapalo si Anino. 

Wala namang nagawa si Anino kundi tanggapin ang mga hampas nito habang patuloy pa rin sa pagtawa. Sa tuwing kasama niya si Rose Quartz, sobrang saya niya at laging gusto niya itong asa-asarin. Mga gawain sobrang taliwas sa kanyang dating ugali at kilos. 

"Haha! Wag sobrang likot!" babala ni Anino. "Sige ka, baka biglang pumutok ang bulang ito. Nasa ere pa naman tayo." 

Natigilan si Rose Quartz at naalalang nakalutang pa rin sila. Tiningnan niya ng masama si Anino pero hindi na gumalaw pa. 

"Sa akin ka sasama, di ba?" bulong ni Anino sa teynga ni Rose Quartz na agad nanginig sa kiliti.

"ANO KA BA, ANINO?!" sigaw Rose Quart at pulang-pula ang mukha. "KAILAN KO SINABI NA SASAMA AKO SA'YO? WALA KANG KARAPATAN SA AKIN!" protesta niya.

"May karapatan kaya ako sa'yo," nakangiting sagot ni Anino. 

"WALA!" pagmamatigas ni Rose Quartz. 

Napangisi si Anino at nilabas ang kanyang punyal na gawa sa pilak. 

Nanlaki ang mga mata ni Rose Quartz. "A-ANINO? ANONG PINAPLANO MO?!" Nataranta siya.

Hind namalayan ni Rose Quartz na nakapasok na sila sa malamig na teritoryo ng Kabundukan ng Yelo. Ang bulang sinasakyan nila ay unti-unti nang tumitigas at nagyeyelo.

"Sasama ka sa akin, sa ayaw mo o sa hindi!" giit ni Anino at hindi nagdalawang-isip na paputukin ang bula gamit ang kanyang punyal na hawak. 

"AANNNNIIIINOOOOOOO!" Ang tanging nasigaw ni Rose Quartz habang silang dalawa ay nahulog mula sa pumutok na bula.

***

Original Version posted 2018-2020


ANINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon