#HMWYW
We landed at 3 A.M in Rome. Nakakapagod ang mahabang byahe. Tumayo ang lahat ng tao para mag ready na at makalabas ng eroplano. Inintay ko si Timothy na maibaba ang aking luggage at kinuha ko agad iyon. Napansin ito ni Timothy at aakmang kukunin pero inilagay ko sa likod ko ito. " Timothy, I can handle this. You have done so much for me now."
Nagmamadali akong makalabas, pero sa haba ng legs ni Timothy ay nasabayan nya ako at kinuha sakin ang luggage. "Timothy! Tigas ng ulo mo," napalakas ang sigaw ko kaya pinagtinginan ako ng tao. Kaya napatungo ako habang naglalakad.
Halata kay Timothy na pagod siya at hindi sya nakatulog sa byahe. Pagkalabas namin ng airport ay may nagiintay na samin na matandang lalaki naka suit at may hawak ng pangalan ko. Naglakad kami patungo sa kanya at dinala kami sa Mercedes Benz na sasakyan.
Pagkatapos kunin samin ang mga bagahe at makasakay ay umalis na kami. I'm just looking outside the window, sa wakas nakapunta na din ako sa Rome. Napaka ganda ng structure sa paligid kahit madaling araw ay buhay na buhay ang paligid,dahil sa mga liwanag ng ilaw. Parang di makatotohanan ang lahat. Inilabas ko ang cellphone ko para makakuha ng picture, nang nakita ko ang katabi ko na nakapikit. Itinutok ko ang cellphone ko sa kanya at kukuhanan ko sana ng picture, nang pinindot ko na ay may flash pala. Kaya napamulat siya ng mata. "I-I-I'm sorry, I'm just going to take a picture the structure behind you," nauutal kong sinabi.
Bilis bilis kong inalis ang flash at lumapit sa kanya para maabot ang bintana, syaka kinuhanan ang structure na una kong nakita. Para maalis ang kahihiyan na ginawa ko. When I was done, I turned to him and realized he's so close now, I can feel the warmth of his breath cutting through the cold air. My whole body stiffens.
I look in his eyes down to his lips. Bigla akong napalunok, para akong estatwa na di makagalaw. Wala akong balak na halikan siya, pero parang magnet na inaakit ng labi nya ang labi ko. "I'm sorry," I said and about to move when the car suddenly stop.
Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ang labi nya sa labi ko. Narinig ko ang driver na nagsalita ng Italian at galit na galit. Bigla akong lumayo sa kanya, "sorry, sorry, sorry." Paulit ulit kong sinabi at tumingin sa unahan. Hindi ko alam ang dahilan ng pagkatigil ng sasakyan. Dahil ang tanging naalala ko ay ang mga nangyari at di makatingin sa katabi ko.
Nakarating kami ng Hotel na di naguusap at paulit ulit na nagpla-play ang pangyayari kanina. Kahit pa gano kaganda ang mga nadaanan namin at nakikita ko ay di ko maapriciate iyon.
Pumasok na kami sa hotel at tinulungan naman kami ng driver ng sasakyan sa gamit namin. Sa five star hotel na ito pina-booked lahat ni Ella ang mga bridesmaid nya. Kilalang kilala ko si Ella, bata palang kami gusto na nya maging prinsesa. Kaya di na ako magtataka kung mas pinili nya magpakasal dito sa Rome. Pagpasok palang namin ay bumungan na samin ang magarbong lounge area. Tumingin ako sa paligid, namamangha sa mga nakikita ko.
Daretsyo kami naglakad at nasa likod ko si Timothy. Hindi ko alam kung dumidintansya lang ba talaga sya sakin o dahil sa pangyayari sa sasakyan. Nang makarating kami sa reception area ng hotel ay binati na kami ng babaeng receptionist. Nakita ko na hindi siya nakatingin sa akin at sa likod ko siya nakatingin kung nasaan si Timothy, kaya hinarangan ko si Timothy para ako ang mapansin nya at ngumiti. "Ciao, c'è una stanza riservata sotto il nome di Alexandra Montellano." The only Italian sentence I practice for this moment. Tumango naman siya at syaka binigay sakin ang card na susi sa kwarto. Nagtaka naman ako kung bakit nagiisa lang iyon.
BINABASA MO ANG
Hold Me While You Wait
RomanceTumingin ako sa kanya habang tumutulo ang mga luha sa aking mata. Pinuntahan ko siya sa Hospital, nagbabakang sakali na may tyansa pa ako. Kahit sampung pursyento lang ang meron ako. Pinahahawakan ko ito ng sobra. "I love you...Please, tell me you l...