idontwannabeyouanymore by Billie Eilish
#HMWYW
Tahimik kaming dalawang nakaupo sa loob ng sasakyan na pabalik sa hotel. Hawak hawak ko ang paper bag na may lamang vintage wine. Ibinigay sa akin ni Ella ito ng nagpaalam ako at kailangan na naming umalis. Give away yata nila sa kasal at mga malalapit na kamaganak lamang niya ibinibigay. Ang dinahilan ko sa kanya ay mayroong pang kailangan gawing trabaho si Timothy. Hindi naman siya nagtanong pa ng kung ano-ano, dahil masyado siyang busy sa asawa niya at sa party ng kasal niya.
I glance at him. He was looking at the window, napabuntong hininga ako ng malalim. Kung ano ano ang pumapasok sa isip ko. Mga maaring dahilan kung bakit hinalikan niya ako. Baka nadala lang siya sa mga nangyari kanina o baka normal lang sa kanya na manghalik ng babae na walang dahilan. I don't even know him that well. Maybe that's the reasons or maybe not. But I know he's kind and I'm comfortable now in his presence. Even though my heart reacts differently.
Tumingin ako sa bintana ng sasakyan. Binibilang ang mga poste ng ilaw na mararaanan namin, para maalis ang mga masasakit na iniisip ko. Ang ganda ng Rome, makapag extend kaya ng mga ilang araw para makapag explore pa. Makapunta kaya ng Florence at Venice? Kahit ako lang magisa. Sanay na naman ako. Baka sa pamamagitan noon, mahanap ko ang sarili ko. Di kaya dito nalang ako tumira? Paano ang salon ko? Ibenta ko nalang kay Cyrus ang shares ko tapos yung pera ipagpatayo ko ng school para kay ate. Paano naman ang kumpanya? Paano kung--.
Sa kalagitnaan ng pagiisip ko ay binuksan na ng butler ang pintuan ng sasakyan. Nasa Hotel na pala kami hindi ko namalayan. Lumabas ako at dali daling naglakad, dama ko na nasa likod ko lang si Timothy hanggang sa makarating kami sa loob ng elevator.
Kaming dalawa lang ang nasa loob ng elevator, nasa likod ko siya. I hear him sigh "It's because of the vintage wine," he said. Alam ko ang tinutukoy niya ay ang rason niya kung bakit niyang nagawa na halikan ako. Pero di ako nagsalita at tumango nalang. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang sinasabi niya o hindi. But the way he says those words. Parang casual lang sa kanya na hindi big deal ang lahat. Ako lang talaga ang kung ano-ano ang iniisip. Kung ganoon ang pinapakita niya ay dapat ganoon din ako.
Yung ipapakita ko sa kanya na okay lang ako.
Na parang walang nangyari.
Nang nagbukas ang elevator ay lumabas agad ako. Pagpasok ko ng suite ay pumunta ako ng lamesa para ilagay ang dala dala kong paper bag syaka tumungo na sa loob ng kwarto at isinarado ito.
Tinanggal ko ang sapatos at damit ko syaka nagtungo sa loob ng banyo. Binuksan ko ang gripo sa may bathtub. Habang pinupuno ito ay nakatingin lang ako sa salamin. Tinatanggal ang extension ko sa buhok habang pinagmamasdan ang sarili, naghahanap ng dahilan kung bakit ganon nalang ako kabilis paglaruan ng mga lalake. Pagkatapos ko tanggalin ang extension ko sa buhok ay naghilamos ako ng muka syaka itinuon ang dalawang kamay sa countertop sink at tinignan muli ang sarili sa salamin. Maybe because I look weak, maybe I fall in love easily, or maybe I'm very fragile.
BINABASA MO ANG
Hold Me While You Wait
RomanceTumingin ako sa kanya habang tumutulo ang mga luha sa aking mata. Pinuntahan ko siya sa Hospital, nagbabakang sakali na may tyansa pa ako. Kahit sampung pursyento lang ang meron ako. Pinahahawakan ko ito ng sobra. "I love you...Please, tell me you l...