1 He glance at me

144 17 16
                                    

#HMWYW

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#HMWYW

I'm looking outside while waiting for my breakfast. Minamasdan ang mga taong naglalakad at nagmamadaling pumasok sa kani-kanilang mga trabaho. May mga batang masayang naglalakad dahil excited sa unang araw ng pasukan. Nakakawala ng stress panoorin ang mga tao, and to think those people walking outside have their own battle to fight every day, stir up some hope in me. Na hindi lang ako ang may problema. Na ang bawat bumabagabag sa amin ay mayroon solusyon at magkakaroon rin ng katapusan.

"Good Morning Ma'am, ito na po ang order nyo. Waffles with butter, maple syrup, chicken and coffee." Ani ng waitress habang inaayos ang pagkain sa harapan ko. "Pakisabi kay Chef Aiko salamat sa pagluto sa chicken kahit wala sa menu for breakfast," sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Ma'am, hindi ka naman bago dito sa resto namin. Every monday ka kaya nandito. Alam na namin schedule ng pagpunta mo." napatawa lang ako sa sinabi nya. Nagpasalamat ako bago siya bumalik sa kitchen.

I have reasons why I often come in this resto every monday morning. Besides sa maaga sila kung magbukas ay kaibigan ko ang may-ari nito. At may hinihintay ako. It's been three months simula nang gawin kong panata ang pagpunta dito tuwing ganitong araw dahil sa isang estranghero na pumukaw ng aking atensyon. When I saw him that day, hindi na siya nawala pa sa isipan ko. Daig ko pa ang isang teenager dahil sa matinding attraction na nararamdaman ko para sa taong iyon. Until one day, I found myself stalking him. Not the bad way of stalking, though. Inalam ko lang naman ang araw kung kailan siya pumupunta dito sa Restaurant ni Aiko. To my surprise, he's a regular customer here. Nandito siya every monday morning just to drink his favorite black coffee. I'm curious about him hindi ko iyon itatanggi. Sino ba naman matinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya? God, he is as handsome as the king of hell, Lucifer. He's so fine and damn tall. Pakiramdam ko tuloy magkakasala ako nang dahil sa kanya.

Abala ako sa pagkain ng breakfast ko nang biglang tumunog ang bell sa may itaas ng pinto, hudyat na may pumasok na bagong customer. And as expected kilala ko kung sino iyon. He's wearing his white long sleeves with two buttons open folded in 3/4, tacked in on his black pants with black belt and a black shoes. His classic outfit every time he comes here. I'm still wondering what his job, but whatever it is I know that he's a successful looking guy.

 Sinundan ko ng tingin ang paglalakad niya hanggang makaupo siya sa kanyang favorite spot. Mga tatlong dipa ang pagitan naming dalawa na parehong malapit sa glass wall. Magkaharapan kami but he's too busy to notice me. Palagi naman ganoon. Nasa harapan na niya ako pero hindi man lang ako magawang tingnan.

Para akong CCTV na pinapanood ang bawat galaw nya. Hanggang matapos siyang umorder. Nagulat ako nung habang binubuksan nya yung laptop nya ay may black eye siya. Hindi ko napansin iyon dahil nung pumasok siya sa resto ay side view lang niya ang nakikita ko. What happened to him?  I asked myself when I got a clearer look of his face.

In three months of watching him secretly, I never saw him coming here with a friend or colleague. Lagi siyang magisa. Kahit nga ang ngumiti siya ay hindi ko pa nasasaksihan. Parang lagi siyang malungkot. He is here not to eat, but just to drink his classic black coffee, then he would open his laptop to do work, I guess. Lagi rin nakakunot ang noo niya na akala mo laging problemado sa buhay.

Hold Me While You WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon