Valerie's POV
"Anak gising na!Kelangan mo pumasok ngayon sa bago mong school kaya bangon na dyan!"sigaw ni mama na nasa baba. Grabe talaga bunganga ni mama ang ingay haha kahit wala sya Dito sa taas rinig na rinig eh hays. "Eto napo mama gigising napooo!"sigaw ko din ano sigawan lang kahit ganito kami ni mama kahit palagi syang nasigaw love na love ko yun hshs. So ayun naligo nako,nagbihis,at nag ayos na grabe excited nako sa bago kong papasukan na school sana naman walang mga bully dun grr.
Pagkatapos ay bumaba nako at nakita ko si kuya na nakasandal sa pintuan "Hoy payatot! Kabago bago natin sa school natin malalate ka dadamay mo pa ko"sabi ni kuya na nakabihis na pala. Tsk kaaga aga badtrip sya nakain nun kakainis talaga yun psh edi kung ayaw nya malate edi mauna na sya bat nya pa ako hinintay kaya ko naman maglakad.
Hindi ko nalang pinansin si kuya at pumunta ako kay Mama para magpaalam"Mama papasok napo ako ah ingat po kayo dito" Sabi ko kay mama.Kaming tatlo nalang kasi nila kuya at mama andito sa bahay eh si yaya lolit nagbakasyon muna sa pamilya nya si papa naman ayun may iba ng pamilya, pero matagal nayun kahit nagchachat sya saken diko sya pinapansin kasi diko padin sya napapatawad sa ginawa nya samin lalo na kay mama ewan ko lang kay kuya kung napatawad nya na si papa. "Sige anak pagbutihin nyo sa bago nyong school ah at ikaw wag ka makikipag away pero kapag sumubra na lumaban kana"Sabi ni mama with action pa panis mama ko yan mas close talaga kami ni mama haha di nya masyadong close si kuya.
Niyakap ko nalang si mama at kumuha na ng tinapay sa lamesa. "Bye mama alis napo kami Iloveyou mama!"sigaw ko. "Bye anak iloveyoutoo ingat kayo!"Sabi ni mama. At sumakay nako sa kotse ni kuya sya yung nagdadrive tahimik lang ako dahil wala akong balak kausapin si kuya hshs wala lang trip ko lang.
(sa school)
Nakarating na kami ni kuya sa school at pinark na nya yung kotse nya hindi parin kami nagpapansinan ewan ko kung bakit di ako sanay jusko bahala na nga mamaya ko nalang sya papansinin.Bumaba nako ng kotse at bumaba narin si kuya nagulat ako ng biglang nagsalita si kuya "Ihahatid na kita sa room mo baka mapano kapa."sabi ni kuya habang nakatalikod. Wow ah parang kanina lang ang sungit nya tss tas ngayon paganyan ganyan sya tsk. "Sige po kuya."yan nalang sinagot ko at nagsimula na kaming maglakad nasa likod nya lang ako ayoko tumabi baka magalit.
So ayun tahimik lang kaming naglalakad ni kuya at tinitingnan yung mga estudyanteng nakakasulubong namin (ako lang natingin) grabe ang laki naman dito ang ganda nitong school nato kumpara dun sa dati kong school mas malawak ito at mas maraming estudyante ang gagwapo at ang gaganda nila. Btw ang pangalan pala ng bago kong school ay MAXTRON SCOTT UNIVERSITY oha ang ganda hahaha private sya.So ayun hindi ko namalayan na nandito na pala kami ni kuya nakasimangot sya mukhang galit pa ata ewan ko ba dyan kung bakit galit tsk "Ayy andito na pala ako sige kuya salamat sa paghatid. " sabi ko kay kuya "Mamayang uwian diretso ka kaagad sa parkling lot, hihintayin kita dun agahan mo pumunta alam mo namang mainipin ako sige na pasok kana." sabi ni kuya grabe naman sya diretso agad hays ano bayan "Sige kuya." sagot ko na pilit ang ngiti kakainis kasi eh.
Pumasok nako sa room at buti nalang di pako late baka sabihin pa nilang transfer na transfer late pumasok hay nako. Habang naglalakad ako grabe makatitig mga kaklase ko may dumi po ba sa mukha ko? grabe kayo makatitig eh baka matunaw nako nyan guys omg haha, umupo nalang ako at nagmuni muni ang iingay nila putek ang tagal pa dumating nung teacher nako. Maya maya dumating na yung teacher buti naman mukhang masungit jusko "Ms. Transferrie can you please introduce yourself infront of the class?" tanong saken nung teacher "Sure maam"sagot ko sabay tayo at pumunta sa harap medyo kabado ang lola nyo mayghad "Hi my name is Valerie Montero but you can call me Val for short.I'm 18 years old." pakilala ko sa harap at ngumiti sa kanilang lahat.Nagsimula na ang klase at nakinig nako.
(a/n; hi guyss so ayun nagustuhan nyo ba?hehe sorry po kung napangitan man kayo first time ko kasi eh, pasensya rin po kung medyo maikli tong chapter 1 sa chapter 2 po hahabaan ko na.Thank you po sa pagbabasa wag po kalimutang ivote:> ) 👇
BINABASA MO ANG
I'm in love with a Badboy
RandomHi this is my first story. Tagalog na nga lang hahaha so ayun first time kong gumawa ng story sa wattpad sana magustuhan nyo tong ginawa ko at wag kalimutang I vote haha so ayun umpisahan na naten Kung ayaw nyo po itong story ko wag nalang po kayo m...