-Chapter 8-

90 5 0
                                    

Valerie's POV

~Kriinggg~ ~Kringgggg~

Nagising ako sa tunog ng alarm ko.Agad akong bumangon at naligo.Pagkatapos nun alam nyo na ginawa ko haha.Bumaba nako at andun na si mama at kuya.Si mama niluluto pa yung ulam si kuya naman nagseselpon.Syempre dumiretso ako kay mama at niyakap sya "Oh anak sakto gising mo malapit na maluto tong niluluto ko,tawagin mo na kuya mo para makakain na tayo." "Sige po ma." at agad ako pumunta kay kuya at tinapik sya busy na busy kakaselpon eh kachat ata sila christian "Oyy kuya!Kakain na daw." "Sige sunod ako saglit lang to." "Ano ba 'yan na mas mahalaga pa sa pagkain mo hA." "Pumunta kana nga dun." inis na sabi nya, badtrip na naman sya.Pumunta nalang ako kay mama "Ma sunod daw si kuya saglit lang daw po." "Sige anak." at umupo na kami ni mama,dumating naren si kuya at kumain na kami.

Nagpaalam na kami kay mama at umalis na. "Payatot hindi na kita mahihintay mamaya." na naman "Bakit na naman?" aish kainis naman "Didiretso ako kela tian mamaya inuman kami.Wag ka magsusumbong kay mama sasapukin talaga kita.Tsaka baka bukas nako makakauwi,ikaw na bahala magdahilan ulit kay mama." ano bayan ayoko na magsinungaling kay mama eh dahil lang talaga dito sa ugok kong kuya "Ayoko na kamo magsinungaling kay mama, kuya." "Hindi ka naman magsisinungaling eh,magdadahilan ka lang naman kay mama.Gumana naman nung una diba?" aish kulet! "Ganun narin yun kuya parang nagsinungaling naren ako kay mama nun,oo gumana nung una pero napilitan lang talaga ako nun." "Sige naa kyut kong kapatid,please mahal mo naman ako diba?" pagmamakaaawa nya at nagpuppy eyes habang nag dadrive,kuya baka mabunggo tayo nyan tapos hindi rin bagay sayo HAHAHAHA "Alam ko namang kyut ako kuya eh wag ka ng mambola,tsaka wag kana ulit mag puppy eyes di bagay sayo WAHAHAHHA." pang aasar ko sa kanya,sige maasar ka lang nyeheheh "Aish!Dali na kasi val pumayag kana!" papayag bako o hindi? hindi siguro ayy sige na nga kawawa naman to pero last ko nato diko na to uulitin "Oo na pero last natong pagdadahilan ko kay mama.Period na." "Yown!Ok cgeh!Labyu kyutkongkapatid!" nambola pa si ugok,pero totoo talaga yung kyutako eh hihi "Kung hindi lang talaga kita mahal kuya eh hindi ko yun gagawin HAHAHA." at ayun tumawa lang sya at tinuon na ang pansin sa pagdadrive hanggang sa makarating na kami sa school.

Sinalubong agad sya nila christian.Syempre ako nagpaalam na at lumakad ng mabilis HAHA kala mo hinahabol eh.Sa paglalakad ko biglang may tumusok sa tagiliran ko "Ayy kabayongpalaka!" putek si mokong na naman "Ang gwapo ko naman para maging kabayongpalaka.Tsaka ano yun combination?" papogi sign pa nya at tsaka tumawa, mang aasar na naman to "Kung mang aasar ka lang pwede kana umiba ng daan." pagtataray ko, sorry wala eh mataray talaga ako HAHA charot "Ang ganda ganda mo tapos pikunin ka? Mali yun valerie." "Eh ano ngayon kung pikunin ako,gusto mo mahampas ng payong hA? Andito lang yun sa loob ng bag ko baka akala mo." pagbabanta ko. Wala talaga akong payong mga beshie panakot ko lang baka sakaling tumalab huhu. "Ulo mo payong. Sige nga labas mo tas hampas mo saken." aba matigas talaga bungo nitong lalaking to ah! argh! kalma lang valerie masasapok mo rin yan pero wag dito dahil maraming makakakita. Sa totoo lang po pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng nakakasalubong namin habang naglalakad kasi nag aasaran kami sarap talaga kotongan nitong mokong nato eh pasalamat lang sya matangkad sya. "Ano asan na wonder payong mo?" pagtawa nya. "Bahala ka nga dyan.Tse!" sabay lakad ko ng mabilis. Ewan ko ba dyan sa mokong na yan kung bakit sa dinami daming estudyante dito ako pa napili nyang asarin pikunin pa naman ako jusko dzai. Naabutan naman nya ako at hinila braso ko para mapaharap sa kanya "Sorry na haha pikon.Lilibre na kita ng ice cream mamaya, hintayin kita sa likod ng canteen." buti naman tumigil na sya "Sige mamayang uwian mo na lang ako ilibre hindi ko naman makakasabay si kuya mamaya eh." umabot hanggang tenga naman ngiti ni mokong "Weh talaga? Yown makakasabay ulit kita swerte ko nga naman oh." ano pinagsasabe nito kala mo bata na binigyan ng maraming candy sa sobrang tuwa eh "Hanapin mo pake ko. Dyan kana nga malalate pako ng dahil sayo eh." at ayun nga sa kakalakad ko diko namalayan na nandun na pala ako sa room namen,magkaklase talaga kami sa filipino at tle sa ibang subject syempre hindi na HAHA. Umupo nako at sya rin pero dun banda kela christian. Himala wala pa sya pati si van ano namang pake ko diba, hay nako val bakit mo ba sila hinahanap. Makapagbasa na nga lang sa wattpad. "Uyy val busy na busy ka dyan ah. Di mo ba ako namiss?" tanong ng pamilyar na boses. Pagkatingin ko kung sino yun si Ate Angelyn pala. Tutok na tutok kasi ako dito sa binabasa ko ang ganda kasi HAHA. Agad ko naman syang niyakap "Syempre namiss kita noh. Bakit wala parin sila kylie at joana?" tanong ko kay ate at kumalas na sa pagkakayakap "Sa monday na daw sila papasok, friday naman daw ngayon. Diba ang tatamad HAHA maliban pala kay kylie emergency naman sa kanya eh." "Ayos na pala kayo ni cass noh." dugtong pa nya "Oo te ayos na kami buti na lang." "Buti naman kung ganun." pagkatapos nun umupo na sya at dumating na si cass. "Hi val hi ate angelyn namiss ka namin." sabay yakap nya kay ate angelyn "Namiss ko rin kayo cass. Good to know na ayos na kayong dalawa ni val." napangiti naman si ate angelyn saming dalawa ni cass, ngumiti narin ako "Syempre te hindi ko matiis na hindi kayo pansinin eh." "Kwento mo nga saken kung bakit hindi mo kami pinansin lalo na si val?" napatingin naman saken si cass tsaka napa lunok, haha kabado bente "Sige te mamayang recess." umupo na sya at dumating na teacher namin at nagsimula ng maglesson.

I'm in love with a BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon