Valerie's POV
Dumating na ang TLE teacher namin maganda sya at dalaga pa ata.Bumati kami sa kanya at yung iba naman hindi, tss mga walang galang.Pagkatapos namin syang batiin ay may pumasok na gwapong lalaki at pinakilala ito saamin "Ok class meron kayong bagong kaklase, iho introduce yourself." sabi ni maam dun sa gwapong lalaki "Uhm.Hi my name is Hiro Shin Tatsunaga, 19 years old just call me by my first name." pagpapakilala nya, maya maya biglang nagsitilian yung mga mahaharot kong kaklase na babae tss sasakit sa tenga.
"Koya hiro aken kana laaannggg."
"Gaga, aken lang yan."
"Notice me kyaaahhh, ang gwapo mooo."
"May gwapo na naman sa section nateeennn."Mga tilian ng mga kaklase ko si hiro naman napangisi lang sabay tingin sa direksyon ko, tama ba sa direksyon ko ba talaga nakatingin maygad baka hindi nag aassume na naman ako."Class quiet! Hiro dun ka maupo sa tabi ni Ms. Montero." sabi ni maam kay hiro na agad naman nyang sinunod, jusko naman maam nananadya ka talaga maam eh noh.Tumingin ako sa buong classroom kung may bakanteng upuan pa pero wala na pala yung upuan lang talaga na nasa tabi ko yung bakante, assuming ko talaga.
Umupo na si hiro sa tabi ko,infairness ang bango nya ah amoy na amoy yung pabango nya grabe.Napansin ko namang ehem ng ehem sila kylie sa likod, tss issue talaga nitong mga to diko nalang sila pinansin at itinuon ang pansin sa harap.Medyo nailang ako kasi halatang nakatingin saken si hiro eh o nag aassume na naman ako try ko kayang lumingon ba totoo hinala ko.Lumingon ako ng pabigla at boom! Tama nga ako nakatitig sya saken bigla naman syang umiwas ng tingin at ibinalin ang tingin nya sa harap, yan kasi masyadong obvious tumitig nahuli ka tuloy HAHAHA.
Natatawa ako kapag naaalala ko yung nangyari kanina, masyado kasi syang halata kung tumitig o baka sinadya nya talaga na ipahalata na nakatitig sya saken para malaman ko, so ano namang dahilan nya para gawin yun? Tss makapunta na nga lang ng canteen.
Hindi ko kasabay ngayon sila ate angelyn kasi may gagawin pa sila so ako lang mag isa ang mag rerecess ngayon.Habang naglalakad ako napapansin kong may nakasunod saken pero diko nalang pinapansin baka sila kylie yan gugulatin ako,pero bakit naman? eh may gagawin pa sila eh.Lumingon ako pero wala naman,creepy.Ang liwa liwanag ng paligid tapos ang daming tao ngayon pako matatakot hays hayaan kona nga.
Pagkarating ko sa canteen ay bumili nako ng kanin at ulam pati narin coke.Gutom na gutom nako eh haha.Ang daming tao dito yung iba tumatambay lang hindi naman kumakain kaya napupuno eh.Napansin ko namang may kumakaway saken kaya nung tumingin ako... si hiro, nakaupo sya sa pang dalawahang upuan, tumingin muna ako sa likod ko kung may tao baka kasi nag aasume na naman ako pagkatingin ko wala naman ibig sabihin ako yung kinakawayan nya.Inilibot kopa yung tingin ko kung may bakante pa bang upuan pero wala na,hays wala akong choice kung di dun nalang kay hiro,gusto konarin kumain.
Naglakad nako papunta kung saan nandun si hiro,ngumisi naman ang mokong.Tss nang aasar ba sya.Umupo nako at sya naman nakatingin lang "Buti napansin mona ko." pagsasalita nya "Hindi naman ako famous para hindi mamansin noh duh." pagtataray ko haha sorry gutom nako eh "Bakit mo pala to ginagawa? Tapos kanina kung makatitig ka wagas." dagdag ko pa sabay subo ng pagkain ko "Oh i just want to be close to you what i mean is, i just want to be your friend." sabi nya "Eh? Sa dinami daming estudyante dito bakit saken pa? Trip moko noh?." pagtatakang sabi ko, bakit kasi saken pa hindi naman sa ayaw ko ah, wala lang curious lang ako kung bakit ako pa gusto nya maging kaibigan "No.Hindi ako ganun, ok kung ayaw mo ayos lang naman." walang gana nyang sabi at akmang tatayo na pero hindi ko alam kung bakit ko sya hinila pabalik sa upuan nya,nagulat naman sya sa ginawa ko "Ok sorry haha, curious lang naman ako kung bakit saken pa eh kasi naman ikaw lang yung lalaking nakipag kaibigan saken ng ganito.Hindi lang siguro ako sanay, hehe sorry ulit." pag eexplain ko sa kanya "Ahh ganun ba, sorry din friendly kasi ako kaya ganun." sabi nya sabay kamot ng ulo, haha ang gwapo nya. Ayy ano ba to val umayos ka nga! "Haha ok friends na tayo, pero hindi pa close na close ah." sabi ko "Yown, salamat." nakangiting sabi nya "Wala yun, oh kumain kana ba?" tanong ko "Yiee concern haha joke, opo madam tapos napo kanina pa.Kumain muna ako bago kita sundan dito, sorry nga pala kanina mukang natakot yata kita." sabi nya,tss sya lang pala kala ko kung sinong masamang tao na "Putek! Ikaw pala yun HAHA! natakot ako dun ugok,matatakutin pa naman ako." sabi ko sa kanya "Haha sorry na nga eh." sabi nya.Akala ko talaga nung una masama ugali nya eh tulad ng ugali ni christian ayy pasmado bibig ko haha sarreh.May tinatagong kabaitan naman pala tong si hiro.
"Aha!" nagulat naman ako ng bigla syang magsalita "Ililibre nalang kita ng ice cream mamayang uwian, pwede kaba? Labas sana tayo haha kung ok lang." omaygad! wala naman sigurong malisya dun noh just friends lang naman pero baka hindi ako payagan ni mama eh lalo na ni kuya ang higpit pa naman nun saken daig pa si mama "Uhmm...Try ko hiro hindi muna ako mangangako haha text or chat nalang kita pag pinayagan ako.Si kuya kasi eh masyado yung mahigpit pagdating saken oa yun eh daig pa si mama." sabi ko na ikinatawa nya "Ahh sige add nalang kita sa fb." sabi nya.
"Babalik nako sa room val, ano sabay ka saken?" tanong nya "Sige mauna kana , may pupuntahan pako eh." sabi ko "Samahan na kita." "Naku wag na kaya kona to mag isa, ako nalang." sabi ko, mukang agree naman sya "Sige ah, ingat ka nice to meet you val kitakits mamaya pag pinayagan ka." sabi nya sabay kindat ,omg enebe hiro naman.Ayy hala ano bayan,may pa kindat si mayor.Dukutin ko yang mala anghel mong mata eh haha jokeee. "Sige babye." at ayun nga umalis na sya at ako nalang mag isa (syempre hahaha).
So ayun ako nalang mag isa, ano bayan namimiss ko kaagad sila ate angelyn haha may ginagawa kasi sila eh.Naglilibot libot ako dito sa school, habang naglalakad ako may nakita ako na dapat hindi ko nalang tinignan o nakita.Si christian at vanessa syempre ayun ang sweet nila, sa nakikita kopa lang talagang mahal na mahal ni christian tong si vanessa eh.Ewan ko lang kay vanessa ah kung totoo pagmamahal nya kay christian, ayy hala nang jujudge nako haha.Bigla namang lumingon si christian at nagkatitigan kami, putek kanina pa pala ako nakatitig sa kanilang dalawa umiwas nalang ako ng tingin at naglakad ng mabilis.Buti nalang si christian lang yung lumingon, pag nagkataong si vanessa yung lumingon nako lagot na naman to, akala naman nya aagawin ko sa kanya yung mokong na yun tss.Kanyang kanya na yun saksak nya pa sa baga nya.
×°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°×
(A/N; HEY READERSSSS! HAHA WALA SA MOOD SI VALERIE AH.SORRY PO DAHIL SA MABAGAL NA UD WALA PO KASING LOAD HEHE. NGA PO PALA MAY IDADAGDAG PA PO AKONG MGA CHARACTERS DITO ABANGAN NYO NALANG POO AT TSAKA MARAMINGG SALAMAT PO SA MGA PATULOY NA NAGBABASA NG STORY KO KAHIT MABAGAL MAG UD.<3
BINABASA MO ANG
I'm in love with a Badboy
De TodoHi this is my first story. Tagalog na nga lang hahaha so ayun first time kong gumawa ng story sa wattpad sana magustuhan nyo tong ginawa ko at wag kalimutang I vote haha so ayun umpisahan na naten Kung ayaw nyo po itong story ko wag nalang po kayo m...